Kabanata 29

1.1K 28 4
                                    


In time

"You are a good person, you don't deserve to be treated like that. Maganda ang mga naging grado mo at sa malaking unibersidad ka pa nagtapos. How dare them to reject your application?!"

Napaupo ako nang maayos. Mr. Fuertez is really frustrated because I can't even get a job after all the money he wasted for me. Such a big disappointment, ang gaganda ng mga grado pero dahil sa family background ay nakukuha nila akong tanggihan.

"I'm sorry, sir. Susubukan ko pa sa maraming kompanya." Tumayo ako nang tanguan niya ako.

Huminto ako nang nasa pinto na ako at muli siyang nilingon na nasa trabaho na ang atensyon. Tumikhim ako.

"Sir, it's my birthday next monday. Gusto ko sana kayong imbitihan ng pamilya niyo. Maliit lang ho na pagsasalo-salo iyon," sabi ko.

Tumango siya habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa binabasa. "Titingnan ko kung hindi busy ang mga bata sa school."

Bumuntonghininga ako pagkalabas ko ng isang building na pinagpasahan ko ng resume. They just kicked me out when I said my parents were addicts and were ex-convicts because of homicide. Kasalanan ko bang ganoon ang mga magulang ko? Kaya nga ako nagsikap para hindi ako matulad sa kanila. Swerte ko na lang dahil may kagaya pa ni Mr. Fuertez na hindi ako tinitingnan base sa mga magulang. He saw my potential and he invested in me, ang sabi niya ay bata pa naman ang mga anak niya at wala pa silang masyadong gastos. Ang laki pa ng pagpapasalamat ko sa kanya nang sinabi niyang binabalak niya akong ampunin para maging ganap ng parte ng kanilang pamilya. Hindi ko pa man sila pormal na nakikilala ay alam kong mga mababait silang tao kagaya ng kanilang padre de pamilya.

Kagat-labi kong nilapitan ang maluha-luhang anak ni Sir Fuertez. Nakatitig siya sa paa niya pero alam ko naman na hindi dahil doon kaya siya umiiyak. She thinks she is lost. Naliligaw pa siya sa ganito kaliit na building? Ang alam ko ay hindi naman ito ang unang beses na nagpunta siya rito.

Nilapitan ko siya. Her brown eyes were scared. So, this is will be my baby sister if the adoption process will be successful. I need to leave a good impression. Umupo ako sa tapat niya.

"Why are you crying, young miss?" tanong ko.

She sobbed. "Masakit ang paa ako."

Umiling ako at lumuhod sa harapan niya. I don't know how to be a nice brother, lalo na at ilang taon ang agwat namin ni Deity. She can passed as my daughter if I became a father in my teenage years. She's just looking at me while I am massaging her swollen foot. Maliit at malambot ang paa niya, halatang prinsesa sa bahay. Alagang-alaga ng mga magulang lalo na at panganay, at babae pa.

"You met my children already, what do you think of them?" tanong ni Mr. Fuertez.

Huminga ako nang malalim. "Sa tingin ko ay makakasundo ko ang bunso niyo, sir. Hindi lang ako sigurado kay Deity, she looked so distant. Baka hindi niya magustuhan na maging kapatid niya ako." Napakamot ako sa batok ko. Ang hirap pa namang kuhanin ang loob ng mga babae.

Humalakhak siya. "Huwag kang mag-alala, masasanay din siya sa'yo."

Natatawa na lang ako tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin pagkatapos ay mamumula ang mukha kapag nahuli ko. This little girl has a crush on me, I can see that.

That is forbidden, baby sister. I will be your big brother soon.

Pasulyap-sulyap siya sa girlfriend ko na laging nasa tabi ko. Gusto ko man siyang lapitan at kausapin pero hindi ako makaalis sa mga kaibigan ko. She looked so bored, she can't enjoy the party because it is only for adults. Even the drinks are not appropriate for her. Hindi ko naisip iyon.

Excluding the Gentle Touch of Moments (Soon On TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon