Kabanata 23

927 22 0
                                    


Smile

"Useless, walang condom! Paano kapag nabuntis ako?" Umirap ako at pinakita sa kanya ang pills na binilis sa pharmacy.

"It's fine, wala namang kaso sa akin kung mabuntis kita. I am very single, ikaw lang naman ang hinihintay ko." Sinulyapan niya ako sandali at binalik din kaagad ang tingin sa kalsada.

Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. "I don't want you to get me pregnant. Ayokong ikaw ang makabuntis sa akin, iiwan mo lang din naman ako pagkatapos." Umayos ako ng upo. "At isa pa, fuck buddies don't get their partners pregnant."

"You don't want to be my girlfriend? Iyon ang gustong-gusto mo noon, hindi ba?"

Umirap ako sa tanong niya. That was before, noong baliw na baliw pa ako sa kanya. Noong hindi pa ako nauuntog sa pader at nagkakamalay sa mga nangyari. Nandidiri na lang ako tuwing naalaa kong gustong-gusto ko siya noong bata ako. Ano bang kinakain ko noon?

Nagtaas ako ng kilay nang magngitian sila ng nanny ni Alice. Nakayakap sa binti ko ang bata at may kinukwentong kung ano pero hindi ko maintindihan dahil nasa dalawa ang atensyon ko. Gwapo talaga si Justin, hindi ko iyong itatanggi at talaga namang kahit sinong babae ay maaaring magkagusto sa kanya kagaya ng babaeng ito. The heck! Nag-iinit ang ulo!

"Mommy, are you cooking our dinner?" tanong ni Alice nang sabay kaming magpunta sa kusina.

Umiling ako. "Next time, baby. Bumili na kasi ako para makakain ka na kaagad," sabi ko at inayo na ang mga take-out foods.

Hindi ko alam kung ano ang gusto niya at ang daddy niya ang pumili ng lahat ng iyon. Magana siyang kumain ngayon, hindi kagaya noon, sabi ni Justin. Masyadong payat at maliit si Alice para sa edad niya. Dahil na rin siguro sa ilang taon niyang pakikipaglaban sa cancer. Apat na taong gulang lang daw siya nang ma-diagnose na may Acute Myelogenous Leukemia stage 2. Mabuti na lang talaga at naagapan kaagad dahil kung hindi ay baka hindi na siya umabot sa edad niya ngayon.

"Mommy, gusto ko palaging spicy ang food ko. Galing mo po, alam mo kaagad ang favorite ko," sabi niya habang tinutulungan ko siyang maghugas ng kamay.

Ngumiti lang ako sa kanya. Ako pa nga ang tumulong sa kanyang maghilamos at magbihis, hindi pa niya ako pinaalis hanggang sa hindi siya nakakatulog. Hinaplos ko ang buhok niya habang nakatitig siya sa akin at nakangiti.

"Mommy, I love you. Huwag ka nang magalit kay daddy," sabi niya na ikinagulat ko.

Huminga ako nang malalim. "Paano mo nasabing galit ako sa daddy mo?"

Ngumuso siya. "Sabi niya kasi kaya ka nag-work sa malayo kasi nagalit ka sa kanya. Kaya hindi ka umuwi ng matagal. Aalis ka ba ulit, mommy? Iiwan mo ulit ako, mommy? Huwag na po ulit, lagi kitang nami-miss, eh." Niyakap niya ako.

Tumingala ako para mapigilan ang luha ko. Paano nila nagawang idamay ang inosenteng batang ito? Kung sinabi na lang sana nila ang totoo ay hindi ganito aasa ang bata sa wala.

"I can't promise that I will be here every time you want me to be by your side. I have lots of work. M-Mommy n-needs to take care of other mommies and the baby in their tummy. I can't leave them." Nanginginig pa ang boses ko.

"Okay lang po. Basta huwag ka ng magalit kay daddy. Lagi siyang umiiyak kapag hindi ka umuuwi."

Huminga ako nang malalim at tumango. Kung ganoon lang sana kadali ang lahat. Kung ganoon lang sana kadaling makalimutan ang mga masakit na nangyari sa akin noon at ang ginawa niyang pag-iwan noong mga panahong kailangan ko siya. I can't even imagine being with him after all these years. Hiniling ko na nga sana ay hindi ko na lang siya ulit nakita. Mas mabuti pa iyon kesa ngayon. I keep on remembering the things I should be forgetting.

Excluding the Gentle Touch of Moments (Soon On TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon