Kabanata 14

900 21 0
                                    


Forgot

Nakatulala ako sa kwarto habang dinidikitan ni mommy ng ice pack ang namamaga kong pisngi. Hindi naman iyon dahil sa sampal niya, iyong kay daddy talaga ang malakas. Nahilo pa nga ako nang bahagya.

"Totoo bang may nangyari na sa inyo ni Justin, anak?" tanong niya kaya bumalik ako sa ulirat.

Tumango ako. "Kagabi po, mommy. I lied to you. Hindi po talaga masama ang pakiramdam ko, 'tsaka... That blood was not my period. Sorry, mommy, but I love him."

Bumuga ng hangin si mommy at tumango-tango. "It's okay. Did he force you?"

Umiling ako. "He will never force me, mommy. Gusto ko ang nangyari sa amin. It's not just a plain sex, it's making love."

"But you too young for that. Kung talagang mahal ka niya ay maghihintay siya hanggang sa maikasal kayo. He manipulated you in something that was not real. Alam mong magagalit kami, alam mong mabibigo mo kami sa desisyon mo, pero ginawa mo pa rin. Nagkulang ba ako sa pagmamahal ko sa iyo kaya nagawa mong maghanap na kaagad sa iba, anak?" Tumulo ang luha ni mommy na dumurog sa puso ko.

"No, mommy. Walang kinalaman ang pagmamahal niyo rito. Pero hindi niyo ba naisip na darating ang araw na ganito ang mangyayari? That you need to let me go? I love you, mommy. Hindi kayo nagkulang. I just fell in love. Parehas kaming naghintay, mommy. Tatlong taon na akong naghihintay. Kaya ngayong pwede na, hindi na ako nagdalawang-isip. I am not sorry for what I have done." Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Pero mali pa rin, Deity. True love will make you better, pero kabaliktaran ang nangyari sa iyo. Natuto kang magsinungaling sa amin ng daddy mo. Natuto kang magtago ng mga bagay na dapat ay alam pa namin dahil kahit nasa tamang edad ka na ay kailangan mo pa rin kami. Iyon lang ikinagagalit ko, anak. You already forgot the Deity I molded for how many years because you just met a man that you think will stay permanently. You disappoint me, you failed me and your daddy." Kumalas siya sa yakap ko at lumabas ng aking kwarto.

Now, I know why I feel guilty every time I am lying, dahil nakakalimutan ko na ang sarili ko, pero mahal ko si Justin, he will stay, I am very sure of that. Kung nagbago man ako dahil sa kanya ay wala lang iyon sa akin. Nagawa ko lang namang magsinungaling dahil sa takot.

Pinunasan ko ang luha ko nang pumasok si Dickson na dala ang kanyang cellphone at isang baso ng juice.

"Ate, inom ka muna. Ako ang nagtimpla niyan dahil ayaw kang gawan ni mommy. Masama pa rin ang loob sa iyo. 'Tsaka, tumawag sa akin si Kuya Justin. Gusto ko raw niyang makausap kahit sandali lang." Binaba niya ang juice sa mesa. "Hindi ako galit sa inyo, medyo inis lang ako kay kuya dahil hinayaan pa niyang umabot sa ganito. Nasaktan ka pa ni daddy."

Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin. Sumunod siya sa gusto ko. Mabilis ko siyang niyakap nang mahigpit. "Thank you, Dickson. Thank you for protecting me." Nagpapasalamat talaga ko na may kapatid ako kagaya ni Dickson. Alam kong balang-araw ay mahihigitan niya ako sa lahat. Hindi ko lang inaasahan na mapapaaga iyon. Maswerte ang babaeng mapapasakanya.

"Wala iyon, ate. Lagi kang in-charge kaya kapag hindi mo kaya ay ako muna. Malaki na ako kaya ako naman ang poprotekta sa iyo," sabi niya at hinaplos ang likod ko.

May tinipa siya sa kanyang cellphone pagkatapos ay binigay sa akin. Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Nag-vibrate iyon at lumabas sa screen ang pangalan ni Justin. Sinenyasan ako ni Dickson at saka lumabas ng kwarto ko.

Tumikhim ako bago sinagot ang tawag. "Hello." Nanginig pa ang boses ko.

"Sweetheart, are you okay?" bungad niya sa akin.

Muling tumulo ang luha ako. "I'm scared. Ako dapat ang nagtatanong kung ayos ka lang. Binugbog ka ni daddy, baka malala ang mga suntok niya sa iyo." Humikbi ako.

Excluding the Gentle Touch of Moments (Soon On TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon