Kabanata 2

1.5K 35 2
                                    


Period

Tinitigan kong mabuti ang bandaid na nakabalot sa namaltos na parte ng paa ko. May design pa iyon na na ulo ni Mickey Mouse. Ngumuso ako dahil ayokong tanggalin ang bandaid kahit hindi naman na kailangan sa paa ko. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang magaspang niyang kamay na humaplos sa binti ko. Umiling-iling ako para maalis sa isipan ko ang mukha niyang nakangiti sa akin.

I can't have a crush on him. He's too old for me. Kinse anyos lang ako at hindi ko alam kung ilang taon na siya, pero base sa itsura niya ay lagpas na siya ng bente anyos. Mommy and daddy will freak out if they found out that I have been crushing to someone that can pass as my youngest uncle. Inalis ko ang bandaid at tinapon iyon sa basurahan. Pagkatapos kong maghilamos ay komportable kong inilapat ang katawan ko sa malambot na kama. I prayed before closing my eyes. Sa dami ng nangyari ngayon ay akala ko'y diretso ang tulog pero napabangon ako sa kalagitnaan ng gabi dahil isang nakakabahalang panaginip.

Napahawak ako sa dibdib ko at sa aking labi. Ilang beses akong napalunok at pakiramdam ko ay pulang-pula ang mukha, kahit malakas ang aircon ay sobra akong pinagpawisan. Napayakap ako sa unan ko nang mahigpit at gusto kong magtitili dahil sa kahihiyan sa sarili. Bakit ako nagkakaganito? Masyado pa yata akong bata para managinip nang may humahalik sa akin nang matamis. At talagang gustong-gusto ko pa. Tapos si Justin pa!

"Stop!" banta ko sa sarili kong isipan. Hindi naman kasi talaga tama.

Hirap na hirap akong ibalik ang sarili sa malalim na tulog dahil sa pahamak na panaginip na paulit-ulit sa isipan ko. Ilang sandali pa lang yata akong nakakatulog ay kinatok na ni mommy ang pinto ng aking kwarto. Tumingin ako sa orasan na nasa mesa katabi ng kama ko. It's already five in the morning, six o'clock ang pasok ko. Hindi ko na pinagana ang heater dahil gusto kong magising ang buong pagkatao ko sa lamig ng tubig. Parang hindi ako natulog, kitang-kita iyon sa mga mata ko na mamula-mula pa at maitim ang buong paligid.

"Anong oras ka natulog, Deity?" tanong ni mommy habang nilalapag niya ang breakfast ko sa aking harapan.

"Eight PM, mommy. Then, I had a bad dream, nahirapan akong matulog ulit." Ngumuso ako. That's a very bad dream, sana lang ay hindi ko na ulit iyon mapaginipan. Sana rin ay hindi ko na makita ang Justin na iyon. He's corrupting my mind even he never did anything. Kainis!

"Si daddy ang maghahatid sa inyo. Dickson, you have your lunch already?" Bumaling siya sa kapatid ko na inuubos ang gatas sa kanyang baso.

Tumango si Dickson at pinunasan ang labi. "Did you cook my nuggets, mommy? The rocket-shaped one?"

"Yes," sagot ni mommy at tiningnan ako. "Are you alright?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa kotse.

"I will be fine. Thank you for making a delicious breakfast, mommy. I love you." I kissed her cheek. Dickson kissed her too after saying I love you.

"Put your seatbelts on, daddy will fetch you. Wait for him, okay?" Kumaway si mommy habang sinisimulang paganahin ni daddy ang kotse.

"Yes, mommy." Kumaway kami sa kanya ni Dickson.

Tahimik ako sa biyahe, si Dickson ay panay ang daldal kay daddy ng boys' stuff. I am not interested about guns and transformers, they are boring. Pero kanina pa ako kating-kating tanungin si daddy about Mr. Justin. Nahihiya ako baka kasi malaman ni daddy na nagkaka-crush ako sa big guy na iyon, baka magalit siya.

"I like Mr. Justin, daddy. He saved me and Ate Deity sa maraming tao. Akala ko malilgaw na kami, eh. He is astig!" sabi ni Dickson na nakaagaw ng atensyon ko.

"Yes, he is a good man. You can call him uncle or kuya, whatever you like. He is a dear friend of your daddy. Naalala niyo ba iyong sinabi ko na may isa akong tutulungan na lalake, siya iyon. He is helping daddy now in business," sabi ni daddy na mataman ko namang pinapakinggan.

Excluding the Gentle Touch of Moments (Soon On TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon