CJ's POV :
Naiinis ako sa sarili ko! Naguguluhan yung utak ko!
Para bang sasabog na yung puso at isip ko sa mga nangyayari at nararamdaman ko!
Sa mga pinapakita kasi niya sa akin, para bang totoo ang lahat ng mga iyon. Pero, sinasabi ng isip ko, HINDI.
HINDI DAPAT akong maniwala sa mga pinag gagawa niya. Kaya ko nga siya kinaiinisan dba? Kasi nga babaero siya at manloloko. Saksi ako sa mga kalokohan niya sa loob ng apat na taon namin sa kolehiya. Walang pagbabago sa kanya.
Maliban ngayong buwan.
Itong buwan kung kelan halos buong araw kaming magkasama. Yung mga kinikilos niya, ibang-iba mula sa pagkakakilala ko sa kanya.
Tama nga siguro siya sa sinabi niya sa akin noon. Na hndi ko muna dapat siyang husgahan dahil lang sa mga walang basehan na kwento na binabato sa kanya. Dapat nga siguro ay kilalanin ko muna ang totoong pagkatao niya.
Sobrang nag-iba siya.
Simula ng inamin niya sa akin yung totoong niyang nararamdaman sa akin noong nasa isang mall kami. Nagulo na yung takbo ng isip at puso ko. Sinasabi ng puso ko, totoo yun. Pero sinasabi naman ng utak ko na hindi. Palabas lang ang mga iyon.
HAY! NAKAKAINIS NA BUHAY TO! Bakit pa kasi magkahiwalay kayo!
Puso at utak, hndi ba pwedeng minsan magkasundo nman kayo sa iisang desisyon? Nakakastress kayo ng sobra.
" Uy! Cj ... "
" Ha? "
Bigla akong nagising sa mga kahibangan ko sa buhay. Kasama ko pala ngayon si Kylie.
" Lumilipad na naman ang utak mo .. lagi ka nalang ganyan. Tsk! May problema ka ba? "
" Ha? Wala ahh. May iniisip lang ako. Ano ba yung sinasabi mo? "
" Tinatanong kita kung sasama ka sa JS PROM natin? "
" Ah yun ba. Hindi ko pa sigurado .. "
" Ano bayan! Huling taon na natin ito, sana naman sumama ka na ngayon! Inaasahan ka ng lahat na pumunta! Minsan nga, isantabi mo muna ang pagiging KJ mo. "
" Ano kasi .. baka dumating si Daddy sa araw na iyon. Alam mo namang hindi pwedeng wala kami sa araw na iyon. "
" Gabi naman yun ahh.. Sumama ka na kasi! "
" Susubukan ko. "
" Kainis naman .. "
Hindi ko naman talaga sigurado kung pupunta ako dun e. Una sa lahat, tulad nga ng sinabi ko, Dadating na si Papa galing Korea. Pangalawa, wala akong damit na isusuot. At huli, wala akong partner.
Tss. Bakit ko naman pinoproblema yang PROM na yan. Aaesenso naman ako sa buhay kahit hindi ako dumalo diyan. Nagawa ko na ngang dati na hindi umattend diyan, ngayon pa kaya? "
** KRING! KRING! **
Tinignan ko yung phone ko. Si papa!
" Yeoboseyo? " ( Hello? )
" Rise? Eotteohkejinaeseyo? " ( Rise? Kamusta ka na? )
" Apa! Nomopogo shipossoyo! Jaljinaeyo, Apa. " ( Daddy/ Papa! I missed you so much! Ok lang po ako )
" Cho-uneyo. I'll be back soon, Rise. " ( Mabuti naman )
" Chong mallyo? " ( Totoo po? )
BINABASA MO ANG
PRETTY BOY.
Teen FictionWhat if mag-krus ang buhay ng dalawang magkaibang tao? Isang pa-bago-bago, at isang tituladong gago. Siguradong rayot at komplikado ang abot! Istorya ng masaya *SLASH* magulong buhay ni Cj at Nikki. Samahan natin sila sa pakikipagsapalaran sa magul...