Cj’s POV :
Alam kong napakablis ng mga nangyayari. Sa loob ng 2buwan, naging kami ni Nikki. Walang ligaw-ligaw na naganap. Sobrang bilis. Ganun lang siguro talaga e, hindi ligawan ang pinapatagal.. kundi ang pagmamahalan. Mahal ko siya. Mahal niya ako. ( SANA TOTOO ), bakit pa naming paiikutin ang mga nangyayari.. kung pwede naman habang maaga pa. Habang may oras pa, I-settle down na naming ang pag-ibig namin sa isa’t isa.
Isa akong boyish. Boyish na hindi inaasahan na mamahalin ng isang heartthrob. Sa buong buhay ko, simple lang ang gusto ko. Ang maging Masaya. At ang kasiyahan nayun, nararamdaman ko sa kanya. Alam kong.. sobrang bilis. 2buwan lang kami nagkakilala. Hindi katulad namin ni Lee. Halos 3years niya akong niligawan. Siguro dahil dun. Sa tatlong taon niyang pag-suyo sa akin. Daig pa ng 3taon ang pagluluksa ko sa mga nangyari sa amin. Masakit.. pero simula ng dumating si Nikki sa buhay ko. Oo, naging magulo, pero alam kong bandang huli.. may kasiyahan akong mapapala.
Nung isang gabi, iniisip ko na. Totoo ba to’ lahat? Mahal niya ba talaga ako? Baka hindi. Niloloko na naman ako. Isa siyang prinsipe. Napakataas niyang tao. Bachelor siya. Heartthrob. Samantalang ako? Ano.. anong maipagmamalaki ko sa kanya?
Anak lang ako ng isang manager na Koreano. Isang frustrated photographer.
Isang simpleng tao na alam kong hindi nagtataglay ng mga katangian na gugustuhin ng lahat.
Si Nikki. Hindi niya yun pinansin. Hindi niya inisip na magkaiba kami ng mundo. Ganun din naman ksi ako sa kanya. Normal lang ang pagtrato namin sa isa’t-isa.
Sa tuwing iisipin ko, na panaginip lang ang lahat ng to.. ayoko ng magising. Dahil kung panaginip to.. mas pipiliin kong mabangungot sa sobrang saya kesa magising sa tunay na mundo na walang iba kundi kalungkutan yung nararamdaman ko.
Nikki Jave Lim. Please, don’t let this dream end. We’re just starting. Yes. You’re a prince and maybe I am a maid in the eyes of everyone. But this maid that they consider.. is a maid who loves you more than she loves herself. Who chose to sacrifice and try her wounded heart again for a new story. A story that circles between you and me.
Sobrang mahal kita Nikki. Wag mo naman sana ako saktan. Sa nakaraan ko, masasabi kong.. wasak na wasak na talaga ang puso ko. Sana, tulungan mo ako makalimutan ang lahat ng sakit na naranasan ko. Buuin mo ulit ako.
Malandi? Porket dalawang taon lang at sinasabi ko na agad na mahal ko ba siya. Naku! Kung pwede lang utusan tong’ puso ko. Kaso hinde e.. Mabilis Oo. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi pa din malinaw sa akin ang tunay kong nararamdaman.
At kung sakaling masaktan ako ngayon.. sana wag kang magpapakita sa akin KAHIT KELAN. Dahil hindi ko kakayanin na ang KASIYAHAN KO masaya na WALA ako. Hindi ko kaya. Umibig na naman ako. At sayo pa.
Hindi ko alam kung paano..saan..at bakit. Pero, mahal kita. Sobrang mahal kita. Higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Dalawang buwan akong naguluhan dahil sa nararamdaman kong ito. At dahil sa Prom Night na yun.. naging akin ka.
Masaya ako pero umiyak ako nung araw na yun.
I cried for my happiness. And that’s you <3
Nikki’s POV :
That is the most memorable prom night ever in my life.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko ngayon.. umiiyak. Umiiyak sa sobrang kasiyahan. Maaari na siguro ako mamamtay. Pwede na talaga.
Tutal, ang pinakamamahal ko.. akin na.
Walang labis. Wlang kulang. Ay meron pala! Ang PAKASALAN Niya ako. At alam kong mangyayari din yun.
BINABASA MO ANG
PRETTY BOY.
Teen FictionWhat if mag-krus ang buhay ng dalawang magkaibang tao? Isang pa-bago-bago, at isang tituladong gago. Siguradong rayot at komplikado ang abot! Istorya ng masaya *SLASH* magulong buhay ni Cj at Nikki. Samahan natin sila sa pakikipagsapalaran sa magul...