“ Hoy gumising ka na diyan! Tulog mantika ka talaga! Hoy babae! “
“ Aish!~ Ano ba naman yan Kyle! “
“ Heh! Gising na at may date kpa! Dali naa! “
Kanina pa ako niyuyogyog nito ni Kyle simula ng bulabugin niya ako sa beauty rest ko. At date?! DUH.
Ohh yes, may date talaga kami ni Nikki ngayon. Kaso nakakabadtrip lang! Ilang days siyang hindi nagtext tag biglang mag-aaya ng date. GANNNERRRNN?
Wala man lang, “Uy sorry ha. Blah-blah~”
“ Uy date tayo!” agad. AGAD-AGAD?
Ewan ko sa knya, ayoko makipagdate! CASE CLOSED.
“ GISING NAAAAAAAAAA!~ “
“ Haay! Nakakainis ka na ah! Kitang natutulog pa yung tao eh! “
“ Tulog daw? Bangon na! Maligo kna, kadiri ka! Bad breathe ka pa! “
“ May bagong gising ba na fresh ang hininga? “
“ Oo, meron. Ako! Maligo ka na nga! “
“ Ayoko makipag date, okay? “
“ Ayaw daw. Halos mamatay ka nga kakahabol sa lalaking yun, niyaya ka ng date.. Ayaw mo. Chicks k aba para mag inarte ha? Dali na, maligo kana! “
Oo nga noh? Tanga lang? :3
Eh kahit na! Ngayon na nga lang magpapa-chicks eh. HAHAH.
Kaso wala din akong nagawa. Makulit ang bestfriend ko eh, ayaw talaga ako tigilan. Asar! Naligo ako kahit labag sa loob ko.
Pagkatapos ko maligo, pinasuot niya ako ng itim na dress with matching red high heeled shoes. Tapos siya na din mismo nagmake up sa akin, at nag-ayos ng buhok.
“ Alam mo girl, ibang-iba ka na ngayon! Ang ganda mo na! “ – sabi sa akin ni Kyle habang kinukulot niya ang buhok ko.
“ Anong iba dun? Matagal na akong maganda -.- “
“ Pero I can see the happiness in your eyes na! “
“ As like what I have said, siya lang makakapag balik nun. Kaya nga I never give up eh, dba? Winner pa din sa huli. “
“ Oo na, alam ko na yaan. Sige na! Goraaa ka na! Mag-enjoy kayo sa date niyo ha! Laging tandaan, smile lagi. “
“ Eh Kyleee naman eh! Ayaw ko nga makipag date! “
“ Ay bakit? LQ kayo? “
“ HINDI! Ay oo pala. Basta ayoko! Tutulog nalang ako! “ – babalik na sana ako sa kama ng hilain niya ako pabalik sa kinauupuan ko.
“ Sabihin mo na kung bakit. Ang drama na naman ng buhay mo! “
“ Sige na nga! Makikipag date na ako, ng tigilan mo na ako! Ba-bye na! “
Umalis na ako sa bahay nila Kyle at dumiretso doon sa may park. Sa park kung saan nagkaroon kami ng Deal ni Nikki.
7pm na kaya wala ng masyadong tao sa park.
Siguro, kung hindi pa ako ginising ni Kyle, bukas na ata ako magigising.
Asan na kaya yung lalaking yun?!
Sabi niya 6:30, dapat andito na ako. Siya naman tong’ late.
Pag siya talaga, hindi pumunta.. magkalimutan na! LESHE siya!
Parang wala siyang kasalanan sa akin ah?
Nakakainis talaga yung lalaking yun!
Bumili muna ako ng kape sa mga open stores dito sa park.
BINABASA MO ANG
PRETTY BOY.
Teen FictionWhat if mag-krus ang buhay ng dalawang magkaibang tao? Isang pa-bago-bago, at isang tituladong gago. Siguradong rayot at komplikado ang abot! Istorya ng masaya *SLASH* magulong buhay ni Cj at Nikki. Samahan natin sila sa pakikipagsapalaran sa magul...