Chapter 1

23 4 0
                                    

Ipinikit ko ang aking mga mata at saka huminga nang malalim. Binuksan ko ang mga mata ko at saka nag-exhale. Kasalukuyan akong nasa harap ng computer ko at nag-iisip ng pwedeng ilagay para sa susunod na kabanata ng aking akda.

Nagsimula na akong magtipa para sa nilalaman ng kabanata. Panaka-naka akong tumitingin sa notebook na nasa tabi ng monitor. Outline notebook ko iyon at doon nakalagay lahat ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mangyayari sa story at plot nito.

Napakunot na lang ang noo ko nang tumunog ang cellphone na nasa phone stand. Hindi ako tumigil sa pagtipa at hinayaan lang ito na tumunog nang tumunog. Mayamaya rin naman ay magsasawa ang mga nagpapasabog ng notification ko.

Dahan-dahan akong huminto sa pagtipa. Tiningnan ko ang outline notebook ko at halos lahat ng idea sa chapter na iyon ay nailagay ko na. Tiningnan ko ang words count ng kabanata at wala pa ito sa goal kong words count per chapter. Nag-new tab muna ako at binuksan ang facebook account. As usual, sabog na naman ng mention ang notification ko. Pumindot ako ng isang notification at tiningnan ang post.

O, it's a new issue about me. Wala pa nga akong ginagawa, may issue na agad. How incredible!

Napailing-iling na lang ako at pinindot ang close tab. Wala naman akong mapapala kung sasabihin kong fake issue iyon at gawa-gawa lang ng illuminati, e. Better na manahimik na lang ako.

Napatingin ako sa orasan na nasa laptop, ilang oras na ang lumilipas mula nang tumigil ako sa pag-type ng update at still, hanggang ngayon wala pa rin akong ma-i-tipa! Napagulo-gulo na lang ako ng buhok at saka kinuha ang outline notebook at tiningnan ang nilalaman nito. Napahinga na lang ako nang malalim nang makita na wala na talaga akong pwedeng isingit pa na idea dahil pulido na ang outline sa notebook. Ayaw ko naman na masira pa ang takbo ng story kung ayos naman na at kalagitnaan na ito, e!

Nag-new tab na lang ulit ako at nagbukas ng facebook account. Nag-type ako ng pwedeng i-post.

"Ano ba iyan? Hanggang book cover na lang ba? Wala naman pala laman ang story at hanggang book cover lang. Ew." Basa ko sa inilagay ko sa post at p-in-ublish na ito.

Wala naman masama sa nakalagay sa post ko as long as sarili ko ang pinapatamaan ko. Nangalumbaba na lang ako sa mesa ng computer ko at tiningnan ang notification. Ilang segundo lang ang lumipas mula nang i-post o iyon ay may nag-comment na agad. Mabilis pa sa alas kwatro ko iyon binuksan.

"Ano ba naman iyan? Pati ba naman sa book cover may issue ka pa? Hindi ka na lang ba pwedeng manahimik at magsulat ng story mo? Sobra na iyang ka-toxic-an mo, a! Ano tingin mo sa sarili mo? May alam? Lol. Kung toxic ka, mas toxic ako. Kapag inggit, mag-update! Better na umalis ka na lang sa writing world kasi wala ka naman ginagawang maganda. You and your trashy attitude doesn't belong here."

Napataas na lang ang kilay ko nang mabasa ang comment sa post ko. Pinindot ko ang profile ng nag-comment at tiningnan ang mga post nito pero naka-unfriend na pala ako rito. Kilala ko ito at dati ko na rin itong nakausap kaya hindi ko ito expected. Seryoso ba siya rito?

May nakita akong isang post niya na same sa comment sa post ko. Agad kong d-in-elete ang post ko at binalikan ang post niya. Marami ng comment doon dahil na rin sa isa siyang sikat na writer. Meron akong nakita na friend ko at mukhang may alam ito at nakita ang post ko. Ilang beses kong ni-reload ang post niya at sa bawat reload, parami nang parami ang comment.

Binuksan ko ang writing platform kung saan ako nagsusulat at bl-in-ock siya roon. Bumalik ulit ako sa post niya at tiningnan. May comment siya na photo. Pinindot ko iyon at tiningnan.

"Sabi ko sa iyo mas toxic ako, e. Block pa more!"

Pakiramdam ko nag-pa-palpitate ang puso ko. Napahawak na lang ako sa lamesa ko at sinubukan na tumayo.

Limelight Series 2: WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon