Napa-stretch na lang ako ng mga braso ko nang makatayo mula sa mahabang pagkakaupo sa swivel chair ng conference room. Kasalukuyan nang lumalabas ang ilang ka-meeting ko kanina.
"Sir, your next schedule is later at 12 PM, London time," sabi ng secretary ko habang ipinapakita sa akin ang schedule note ko.
"Where?"
"London, sir."Tumango-tango ako rito. "Did you book a flight for us? We shouldn't waste time. Let's just go back to London so that we can rest enough."
"Already book a flight for us."
"Okay, thank you!"
Lumabas na kami ng conference room at saka umalis na ng Feb company. Nang makasakay kami ng sasakyan ay agad akong napahilot sa sintido dahil sa walang tulog. Dapat nagpapahinga ako kanina kaso nasa bahay si Ave at bisita ko iyon kaya hindi na lang ako nagpahinga.
"Are you okay, sir?"
Huminto ako sa paghilot sa sintido ko at tumingin sa rear view mirror ng sasakyan kung saan kita ko ang secretary ko na nakaupo sa passenger seat. "Yes, I'm okay. I just need to rest. But the travel time is not enough," I answered.
"Okay, sir. Just rest when we are on the plane."
Nakarating na kami sa airport at sakto lang din ang dating namin dahil ilang minuto na lang ay aalis na ang eroplano. Agad kaming tumakbo papunta sa airplane at sumakay. Ako na lang naglagay ng gamit nito sa overhead cabin dahil sa hindi nito iyon abot. Ch-in-eck ko muna phone ko baka mamaya kasi may text si Ave at hindi ko lang napansin. Nag wala naman nakitang text ay pinatay ko na ito. At natulog na lang dahil medyo matagal-tagal pa ang biyahe.
Naalimpungatan ako nang maramdamang may yumuyugyog sa balikat ko.
"Sir, London."
Napabalikwas ako at tumayo na. Ang ibang kasabay sa eroplano ay naglalabasan na at halos kaunti na lang ang tao na natitira sa loob. Agad kong kinuha ang bag ko at ang bag ng secretary ko sa cabin at binigay iyon sa kaniya.
Nang makalabas ng airport ay naghiwalay na kami nito ng sakay. Dumiretso ako pauwi ng bahay at pagpasok ko sa bahay ay ayos naman. Wala naman nagbago o nawala habang wala ako. Bago ako dumiretso sa kwarto ko ay kinatok ko muna ang room ni Ave at sinilip ito sa loob pero halatang tulog pa ito.
Kinuha ko ang dalawang libro sa bag na binili ko para dito at pumasok sa loob ng kwarto nito. Nilagay ko ang libro sa laptop table na nasa tabi lang ng kama.
Agad akong lumabas ng kwarto nito nang mailagay ang libro sa loob at dumiretso na sa kwarto ko. Madaling araw na at mamaya, may schedule naman ako for photoshoot. Nanlulumo na humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata.
Pinilit ko ang sarili ko na tumayo mula sa pagkakahiga. Halos ilang oras din akong nakatulog at ngayon ay ilang oras na lang, photoshoot ko na para sa cover ng isang magazine. Hindi ko pa ito nasasabi kay Ave.
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at nadatnan ko si Ave na kinakalkal ang loob ng kitchen cabinet ko. Pinaingay ko ang upuan para malaman nito na nasa kusina rin ako. Hindi ito huminto sa ginagawa nitong pagtingin sa kitchen cabinet.
"What are you doing?" nagtatakang tanong ko rito.
"Wala, naghahanap ako ng pwedeng makain. Something like chips or peanuts? Anything will do as long as ma-i-inspire ako mag-type o sisipagin ako," sagot nito habang tuloy pa rin sa paggulo sa nilalaman ng kitchen cabinet.
"Nasa pantry."
Tumigil ito sa pagkalkal sa kitchen cabinet ko at nilingon ako.
"Pardon?"
"Nasa pantry nakalagay ang mga chips or kung ano man na chichirya." Tinuro ko ang isang cabinet na nasa tabi ng ref. Lumapit ako roon at saka hinatak palabas ang cabinet na naglalaman ng mga chichirya.
"Woah! Secret pantry!" Dali-dali itong lumapit sa pantry at pinaglaruan iyon.
Tinapik ko ang kamay nito. "Baka masira iyan, ikaw papagawain ko niya, sige ka," pananakot ko rito.
Malapad na ngumiti ito sa akin at saka binaling na ang tingin sa mga pagkain na nakalagay sa pantry. Inisa-isa nitong kinuha ang pagkain doon at binasa ang pangalan ng product at ingredients.
"Marami pa akong pagkain. Hatakin mo lang bawat drawer at may ihahaba pa iyan," saad ko. Tiningnan ko ang wall clock na nasa kusina. "I have to go, may work pa ako."
"Work na?"
Tiningnan ko si Ave na busy pa rin sa ginagawa nito.
"Hindi ko nasabi sa iyo. Tumanggap ako ng bagong trabaho pero ilang weeks lang naman ito. Kailangan ko lang talaga ng income kahit alam kong may pera ko."
"Okay, pero hindi mo naman kailangan na magpaliwanag sa akin. Kung iyan naman ang choice mo sa buhay mo, why not, 'di ba? Hindi mo naman ako kaano-ano para magpaliwanag ka pa."
I looked at her in disbelief. "Ave, kahit hindi tayo related sa isa't isa, dapat pa rin ipaalam sa kung anong ginagawa lalo na kung lalabas ng bahay. As long as magkasama tayo, sagot natin ang isa't isa. Kung may mangyari sa iyo, ako ang masisisi kasi ako ang kasama mo sa iisang bubong at ganoon din sa iyo kapag may nangyari sa akin, okay? Huwag mong isipin na porke hindi tayo related sa isa't isa, e, hindi na kailangan pang mag-explain sa kung ano mang gagawin o ginagawa."
Tumango lang ito sa akin bilang tugon. Nagpaalam na ako rito at umalis na ng bahay.
Mabilis akong nakarating sa place ng pagkukunan ng picture. Ang ilan kong kaibigan ay nandito at kasama rin sa magazine cover. Ang iba naman ay nagpapahinga para sa flight sa susunod na araw para bisitahin si Veronica.
"Dre!" tawag ni Brandon sa akin. "Balita ko nasa bahay mo si Ave?" nakangiting tanong nito sa akin. Isang ngiti na may pinapahiwatig.
"Ano naman ngayon? Hindi naman masama na tumulong sa tao."
Ang mga tingin nito sa akin ay tila may pinapahiwatig na kalokohan.
"Huwag mo akong tingnan nang ganiyan. Wala akong ibang intensiyon. Gusto ko lang talaga siyang tulungan kasi may potential siya, okay?"
Sasagot pa sana ito sa akin nang may pumagitna sa amin.
"What are you two talking about? Please speak in English so that everyone knows what you two are talking about, okay?" saad ng director ng photoshoot na ito.
"Okay," sabay na sagot namin ni Brandon.
Umalis na ito sa gitna namin. Nag-sign na lang ako kay Brandon na itikom na lang ang bibig. Ito ang ayaw namin, iyung may makakaintindi sa pinag-uusapan namin.
Lumapit na ako sa ilang staff at nagpaturo sa mga gagawin na pose para sa cover ng magazine. Ilang oras din ang lumipas bago namin matapos ang photoshoot. Napa-stretch na lang ako ng mga braso ko dahil sa ngalay na nararamdaman.
"May business ka naman na steak house pero tumatanggap ka pa rin ng trabaho."
Saglit akong tumigil sa pag-aayos ng gamit ko at tiningnan si Brandon na nakatayo lang sa gilid ko at nakatingin sa ginagawa ko.
"Yeah, alam ko iyon. Pero may paggagamitan kasi ako ng pera na sweldo ko sa business ko. Kaya naman ako natanggap ng iba pang trabaho kasi nasa bahay si Ave. Hindi naman pahirap sa buhay si Ave. Naisip ko lang kasi na bigyan siya ng pera sa bawat achievements niya para alam niya talaga na worth it ang ginagawa niya. Medyo nag hirap si Ave dahil sa wala na siyang pinagkukunan ng income at wala siyang ibang malalapitan. Kaya nag-offer na ako sa kaniya," kibit-balikat na paliwanag ko rito.
"A, pero hindi mo rin obligasiyon ang ganiyan. Napansin ko kasi kay Ave medyo may ugali siya. Ingat ka na lang, baka ahasin ka niyan." Tinapik-tapik lang nito ang balikat ko at umalis na.
Nakatingin lang ako sa papalayong bulto ni Brandon at napailing-iling na lang. Hindi ko na inisip pa ang sinabi ni Brandon at nagpatuloy na lang sa pag-ayos ng gamit ko. Matapos nito ay umalis na ako. Nasa akin na rin naman ang sweldo ko para sa araw na ito kaya pwede na akong umuwi.
Pagkarating ko ng bahay ay patay na ang ilaw sa buong bahay. Nagtataka na nilibot ko ng tingin ang bahay.
"Ave? Ave?" Hinagilap ko si Ave sa buong first floor pero wala ito roon. Umakyat ako sa second floor kung nasaan ang mga kwarto.
Kumatok muna ako sa pinto ng kwarto nito at nang makaraan ang ilang minuto na nakatayo sa labas ng kwarto nito at wala pa rin nasagot, dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinilip ang loob.
Binuksan ko na nang tuluyan ang pinto ng kwarto nang makita itong nakahiga sa kama at mukhang tulog na. Nilapitan ko ito at niyugyog ang balikat.
"Ave, wake up. Kanina ka pa ba natutulog? Maaga pa, a," sabi ko rito.
Bahagya lang itong nagmulat ng mga mata at saka pumikit muli.
"Don't wake me up, masakit ulo ko," mahinang tinig na saad nito.
Dahan-dahan itong gumalaw sa kama at umayos ng pagkakahiga. Nang ang ulo na nito ang ginalaw ay napadaing na lang ito at napahawak sa batok.
"What happened?"
"I don't know. Basta na lang sumakit ang ulo at batok ko kanina matapos kong kumain ng tanghalian."
Umubo-ubo ito at saka tinulak ang sarili paupo ng kama habang panay ubo pa rin.
Nataranta na ako sa nangyayari dito at dahan-dahan itong binuhat at inilabas ng kwarto nito. Dali-dali akong bumaba ng hagdan at dinala ito sa sasakyan ko. Mukhang malala ang nangyayari kay Ave dahil panay pa rin ang ubo nito at hinga nang malalim. Binilisan ko ang pagmamaneho patungong hospital.
BINABASA MO ANG
Limelight Series 2: Writer
General FictionMax David is an actor who has a busy schedule due to the loaded work he needs to do. Ave Suarez is a writer who has a pile of issue due to toxicity. Because of the offer she got, she met Max. Would Max gives her some time to help her change for the...