Chapter 19

4 2 0
                                    

Pagkauwi namin ni Max ng bahay ay pinatulog ulit ako ni Max. Pinaiwasan lang sa akin na gumamit muna ng social media dahil sa malalang lagay ng mata ko due to radiation.

Kasalukuyan akong nakatitig sa salamin. Kita sa salamin na may hinahandang yoga mat si Max at mukhang ngayon na ang simula ng exercise na sinasabi nito. Asar na umalis ako sa dance room at pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang phone ko sa drawer na nasa tabi ng kama at saka nag-post sa facebook.

Tinatamad akong mag-exercise. Bakit ba kasi ito kailangan? Ang sabi, pagpahingahin ang pasiyente. Mukhang iba yata pagkakaintindi ng isang ito. Tangek lang?

"Ave!"

Agad kong pinatay ang phone ko at tinago ulit ito sa isang animo'y libro pero taguan pala. Nagpanggap akong natutulog sa kama nang marinig ang papalapit na yabag ng paa nito sa kwarto.

"Ave?" kumatok ito ng ilang beses.

Rinig kong nagbukas ang pinto ng kwarto ko at naamoy ang mabangong pabango ni Max. Naramdaman kong lumundo ang dulong bahagi ng kama.

"Hey, wake up." Yinugyog nito ang balikat ko at hinarap sa side nito.

"Hmm?" Pagpanggap ko.

"Halika na. Handa na ang gagawin natin na exercise. Madali lang naman kaya huwag ka na tamarin. Kailagan mo rin ng exercise," saad nito at hinatak ako palapit dito.

Hindi pa rin ako tumayo sa kinahihigaan ko at tinitigan ko lang si Max na nakatayo na sa gilid ng kama na nakatingin din sa akin. Napakamot na lang ito sa ulo nito at saka binuhat ako ng pa-bridal style.

Kimapit lang ako sa balikat nito habang naglalakad na ito papunta sa dance room. Pagpasok ay inupo lang ako nito sa yoga mat.

"Gayahin mo na lang ako, okay? Kita kita sa salamin kung ginagaya mo ako o hindi. Kapag hindi mo ako ginaya, wala kang premyo sa akin. May balak pa naman akong mamigay ng premyo sa nasunod sa akin. Lalo na kapag natutuwa ako," parang nang iinggit na saad nito habang nakembot-kembot.

Natawa na lang ako at tumayo na sa yoga mat. Nagsimula na itong magpatugtog ng upbeat song pero hindi siya gaanong energetic at talagang sakto ang siya. Nagsimula nang sumayaw si Max pero iyung sayaw nito ay hindi gaanong energetic pero ayos lang naman kasi buong katawan naman ang gumagalaw at hindi lang ang isang part.

"Bwisit," usal ko sa isipan ko habang sinusunod ang pinapagaya ni Max sa akin.

Nag-co-cool down exercise na kami kaya ngayon ay asar na asar na ako. Hindi ako sanay sa ganito at ayokong mag-exercise. Nakakapagod. Isabay mo pa iyung nakakaasar na tawa ni Max.

Umupo na muli kami sa yoga mat at nakaharap na sa akin si Max. Inungusan ko lang ito at umalis na ng dance room. Bumalik na ako ng kwarto ko at saka kinuha ang phone. Nag-post muli ako ng rant sa account ko at nang matapos ay tinago iyon. Naligo na lang ako at pagtapos ay bumalik sa pagkakahiga sa kama.

Kanina pa ako pabaling-balikng ng higa dahil hindi ako makatulog. Ramdam ko ang ngalay sa magkabilang binti ko at sa mga braso dahil sa biglaan na pagka-stretch ng katawan. After ko kasing mag-college, hindi na ako nag-exercise muli. Lagi lang akong nakaupo sa opisina at tatayo lang kung may kailangan at balik ulit sa pagkaupo. Hanggang sa bahay, nakaupo pa ako dahil sa laging nakaharap sa computer o laptop.

Kinuha kong muli ang phone ko at nag-scroll na lang sa facebook profile ko. Nakita ko na marami ng likes, comments, and shares ang mga post ko at ang iba ay relate raw sa mga sinasabi ko. Marami naman ang tutol at talagang may masabi lang sa post ko. Hindi ko na sila pinansin at tiningnan na lang ang settings ng account para masigurado na naka-block talaga si Max sa account na ito.

Limelight Series 2: WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon