Chapter 25

6 1 0
                                    

Nginitian ko ito at tinanguan. "Yes, iniipon ko ang pictures mo noon pa man. Halata naman na siguro na old na ang pictures, 'no?"

"I'm sorry," umiiyak na saad nito. "I'm so happy that I finally saw my sister, all the mystery that I've been solving, you're just near me. I felt guilty of what I've done to you." Tumayo ito at lumuhod sa harap ko muli.

"I was the one who told Max about your other account. I've been stalking you ever since I saw you."

"I know, I know," I said and cleared my throat to stop my tears from falling. "You think I didn't know that? I have ways of investigating one account."

"I'm really, really sorry if I broke your relationship with him. He told me that he is already courting you. Then after that, I don't know what happened. I just saw myself giving him the evidence. He told me to print it out."

"It's okay. That's nothing." Nagkibit-balikat ako. Ayokong malaman nito na galit ako rito. Halata na sa mukha nito ang stress at kung magsasalita pa ako ng hindi kagandahan, baka may gawin na ito na alam kong pagsisisihan ko.

"Can I tell the public that I already saw my sister?" He pouted.

"No. I don't want to. At isa pa, hindi ka naman totally sure na ako nga ang kapatid mo, 'no!"

"Pero sinabi mo—"

"Malay mo narinig ko lang sa interviews mo."

"Humahanap ka lang ng way para layua—"

"No, I'm not. I just want to make sure also. Baka mamaya nagkekwento na ako sa iyo ng buhay ko tapos hindi pala ikaw kapatid ko."

"Okay, DNA test na lang kunin natin para parehas tayong sure. Kapag positive ang result, ipapaalam ko sa public na ikaw ang kapatid ko, deal?"

"No deal. Ayoko nga malaman ng public. Sabihin mo na lang na nakita mo na kapatid mo, period."

"Fine," nakairap na saad nito.

Mukhang may sasabihin pa sana ito nang matigil nang marinig na tumunog ang doorbell. Ako na mismo ang lumabas at tiningnan iyon.

"Yes?" tanong ko nang makita na may naka-motor sa labas ng bahay.

"Ma'am Ave Suarez po!"

Napataas ang kilay ko nang sabihin nito kung para kanino. "That's me, why?" tanong ko at binuksan ang gate ng bahay.

"Ma'am, may letter po para sa inyo from Veronica Martin po," saad nito at pinakita ang resibo sa akin.

"Okay," sabi ko at kinuha ang resibo at pinirmahan ito.

Nang matapos ay binigay na nito sa akin ang letter na pinadala ni Veronica. Sinarado ko muna ang gate at pumasok sa bahay. Nagtatakang nakatingin si Brandon sa akin at lumapit.

"Ano meron?"

"Wedding invitation?" Basa ko sa nakasulat sa envelope. Binuksan ko ito at tiningnan ang card. "Wow, ikakasal na si Veronica!"

"Yup! Naka-heads up na kami kay Harold kaya kami nandito sa Pilipinas. Lahat kami umuwi kasi nga malapit na ang kasal nila."

"O, bakit wala akong alam?"

"Kasi hindi rin naman pinaalam ni Harold ang plano niya kay Veronica."

"Hmm . . . okay. Anyway, don't get me wrong, a? Mga anong oras ka aalis?" tanong ko at tiningnan ang relong pambisig. "Need ko pa kasi mag-grocery kaya kailangan ko nang umalis. Baka mamaya abutin pa ako ng gabi."

"Sama na lang ako!" natutuwang sabi nito.

"Sure ka? Sobrang tagal ako kung mag-grocery."

"Ayos lang. May sasakyan naman akong dala."

Limelight Series 2: WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon