Chapter 8

10 4 0
                                    

Napapikit na lang ako at napatango-tango nang malasahan ang luto na fried pork steak ni Max.

"Masarap siya pero parang may kulang?" tanong ko rito at tumingin sa paligid ng kusina nito.

"I know you would say that, that's why I also cooked a soup - creamy mushroom soup," saad nito at pumunta sa kabilang counter at kinuha ang soup. Nilapag nito iyon sa lamesa at tinulak palapit sa akin.


Agad ko naman tinikman ang soup. "Masarap! Pero hindi ito ang kulang." Napanguso na lang ako at lumapit sa ref nito.

"Ano ang kulang? Ayan lang ang alam ko na kapares nitong fried pork steak."

Tiningnan ko si max na nakatayo sa gilid ko at sinusundan ako sa paghahanap ng kulang. "May rice ka?"

"Rice?" nagtatakang tanong nito.

Tinanguan ko ito. "Ayon ang kulang. Hindi complete ang dish kung wala ang rice."

Ngumisi ito. "Ang dish ba ang hindi kulang kapag walang rice o ang pagkain mo? Kasi ako . . ." tinuro nito ang sarili. "complete na ang pagkain ko without rice. At isa pa, hindi healthy ang white rice."

Inismidan ko ito. "Okay, brown rice? Basta rice."

Napakamot na lang ito sa batok nito kaya tinaasan ko ito ng kilay. "I don't eat rice. That's why I don't have one. But I can order rice, how many do you like?"

Tinikom ko na lang ang bibig ko at hindi ito sinagot. Bumalik na lang ako sa pagkain ng luto nito.

"Hey! Huwag ka naman magtampo!"

Ramdam ko ang presensiya nito na nakatayo sa likod ko. "Hindi na ako kakain ng rice. Ayos na sa akin ito."

"Are you sure about that?" Umupo ito sa katabi kong upuan at nangalumbaba sa mesa.

"Yes, bukas na lang ako mag-rice."

Namayani ang katahimikan sa buong kusina. Awkward . . . .

"Bukas pahiram ako ng printer mo if meron ka," pagbasag ko sa katahimikan. Nakayuko lang ako at nakatingin sa pagkain ko.

"Meron, nasa kwarto ko nga lang since ako lang naman nakatira sa bahay ko . . . noon. Pero you can use my printer. Ano ba i-pri-print mo?"

Nag-angat ako ng tingin at tiningnan ito. "Resume. Maghahanap ako ng trabaho," sa mahinang boses na saad ko.

Napatanga na lang ito. "Hindi pa pwede. Nakita ko sa papel mo na visitor ka lang rito. Pwede kang hulihin at ikulong kapag nagtrabaho ka. That is beyond sa kinuha mo."

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. "Ano na gagawin ko? Hindi naman pwede na umasa ako nang umasa sa pera mo. Alam ko naman na sapat lang—"

"Excuse me? Sapat lang kinikita ko para sa sarili ko?" umiling-iling ito. "You are insulting me financially. Isa ako model and actor. I also own a steakhouse in the country. I can provide you anything you want," nakangisi na sabi nito.

Inirapan ko lang ito. "Since you told me that you own a steakhouse, can I apply?" Nagmamakaawa na tiningnan ko ito.

"No, you will get into trouble. Dito ka nakatira sa bahay ko and kargo kita. Kung may mangyaring masama sa iyo, ako ang masisisi."

Napasimangot na lang ako. "Hindi naman ako gagawa ng kung ano man na ikapapahamak ko . . . ."

"Kahit na. Paano kung may mag-inspection at tingnan ang mga citizen card? Wala kang ma-i-present kasi wala ka naman noon at hindi pwede dayain dahil may mga codes na nakalagay sa green card."

Napabuntong-hininga na lang ako at napadukdok ng ulo sa lamesa. Iuumpog ko pa sana ang noo ko sa lamesa ng may kamay na sumapin sa ilalim para hindi sa lamesa tumama ang noo ko.

"Magkakabukol ka sa ginagawa mo. Basta, ako na ang bahala sa iyo, okay? Tuturuan muna kita sa writing mo and saka na natin iyon pagkakakitaan kapag umayos na talaga ang gawa mo."

Nag-angat ako ng tingin at tiningnan ito. "Ang tagal pa no'n, e!"

"E, 'di ba may isa ka pang pinagkakakitaan ng writing platform?"

"Expired na contract ko at hindi na ako nag-renew pa."

"Paano ang flight mo pala? Pina-cancel mo ba kanina sa Gel Ink?"

Tinanguan ko ito. "Nagbayad lang sila sa akin ng 200 dollar bilang bayad sa na-damage nila. Kasi wala naman daw palang nangyari at sobrang nahihiya sila. Ang kaso, wala akong alam sa mga ganitong bagay sa bansa ninyo. Malay ko ba kung tama ang sukli sa akin sa store?"

Natawa na lang ito at napailing-iling. "Ako na ang bahala sa iyo. Ipinangako ko iyon sa kanila na kargo kita. Basta sa ngayon, mag-focus ka muna sa ginagawa mo. Hangga't maaari, huwag kang mag-facebook para wala kang masagap na negative vibes. Itong pinapagawa ko sa iyo, hindi ito para sa akin o para may maisumbat ako sa iyo sa mga susunod na araw, linggo o buwan. Ginagawa ko ito kasi gusto kitang tulungan, okay?"

Tumango lang ako rito.

"Bukas, may ibibigay ako sa iyo na libro. Isang english at isang tagalog. Puro iyon rules sa writing at gusto ko na basahin mo muna iyon. Kung may maisip kang plot ng story mo, ilista mo muna sa notebook para hindi mo maiwanan ang ilang ongoing mong ginawa—"

"Bakit ang dami mong alam tungkol sa ginagawa ko?" gulat na tanong ko rito.

"Of course, nakilala kita bilang mabait na writer kahit hindi maayos ang pagkaka-type. Ako ang nag-co-correct ng mga pagkakamali mo noon at gladly mo naman siyang tinatanggap at sinusunod. Hindi ko lang talaga alam kung ano nangyari sa iyo simula noong sumikat ka. Iba ka na sa AVEyou na nakilala ko."

Napayuko na lang ako sa sinabi nito. Halata sa tinig ng boses nito ang disappointment at ngayon lang ako nakaranas ng ganitong pakiramdam.

"Ave, hindi ko ito sinasabi sa iyo para magmukha kang masama sa sarili mo. Gusto kong maalala mo kung sino ka noon at ihambing mo iyon sa sino ka ngayon. Kasi kung ako ang basher mo, babarahin kita agad sa dami ng butas na nakikita ko sa iyo, e. Ano pa ang silbi ng paglalagay mo ng 'Handle your problems professional' sa bio mo sa account mo kung sa sarili mo hindi mo kayang i-apply?"

Dahan-dahan akong tumango rito.

"Sige na, ligpitin mo na iyang pinagkainan mo pero kung gusto mo pang kumain, kumain ka. Marami akong niluto para sa iyo kasi alam kong gustong-gusto mong makatikim ng iba't ibang putahe." Tinuro nito ang mga may takip na lalagyan. "Nandoon ang mga pagkain kung gusto mo pa. Huwag mong isipin ang bukas dahil meron tayong makakain para bukas, okay? Huwag mong gutumin ang sarili mo."

Tiningnan ko ito at nginitian. "Okay, maraming salamat!"

"Ngayon, ito muna ang ipapagawa ko sa iyo. I-compile mo sa isang file ang isang story mo at saka mo i-print. Pagkatapos mong i-print, ibigay mo sa akin iyung papel kasi i-re-review ko iyon kapag nagka oras ako."

Tumango-tango lang ako rito.

"Kapag nagka oras? Means may work ka pang gagawin?"

Tumango ito sa akin. "May business ako at need kong gawin ang trabaho ko roon kapag may free time ako. Pero kapag alam kong mawawalan na ako ng oras, nag-o-overtime ako para matapos ko na ang pang ilang araw para sa mga susunod na araw, iyung ibang trabaho na lang ang gagawin ko."

"Okay, so hindi mo ako mababantayan sa ginagawa ko?"

"Hindi." Umiling ito sa akin.

Tumango-tango ako rito at nag-iwas ng tingin. "Ako na bahala sa pinagkainan ko, gawin mo na kung ano ang gagawin mo."

"You sure with that? Kasi after an hour, aalis ako at may schedule ako ng meeting sa ibang bansa. You have to stay here, okay? Kung may kailangan ka, sabihan mo na lang ako at ako na ang bahalang magbigay ng kailangan mo sa iyo. Only essential. May house rules na nakalagay sa bawat pader para alam mo, okay?"

Panay tango lang ang sagot ko rito. Paulit-ulit na lang. Hindi naman na ako bata para kailangan pa niyang bilinan sa mga ganiyang bagay. Lihim kong inirapan ito.

"May bilin ka pa a? Sabihin mo na para alam ko kung ano pa ang dapat at hindi dapat gawin,"bored na tanong ko rito.

Umiling na lang ito sa akin. "Iwas-iwasan mo ang pagsali sa gulo, Ave. Hindi ka na bata para makigulo pa. Kung gagawa ka man ng bago mong account, do make sure na hindi ka na gagawa ng kung ano man na ikasisira ng pangalan mo."

"Hindi naman ako iyung sumisira ng—"

"Sure ka ba diyan? Ikaw kasi palagi ang nagsisimula ng gulo. Mahilig kang makisawsaw sa gulo ng iba."

Napatikom na lang ako ng bibig. Bakas sa mga mata nito ang seryoso pero sa mukha, ang nakabakas ay kayabangan. Hindi ko na lang ito sinagot pa at tinanguan ko na lang ito.

"Lagi na lang tango ang sagot mo sa akin."

"Ano pa ba dapat kong isagot sa iyo? Wala naman na akong dapat pang isagot."

"Why? 'Di ba warfreak ka? Sagutin mo. Pabulaanan mo ang binibintang sa iyo. Papatalo ka na lang ba basta-basta kasi alam mong totoo?"

Nagkibit-balikat ako rito. "Alis ka na. Baka ma-late ka pa sa flight mo. Sabi mo kasi sa ibang bansa ang meeting ninyo. Alis ka na," sabi ko at nag-gesture na pinapaalis na ito.

Nag-make face lang ito sa akin at umalis na sa harap ko. Napabuga na lang ako ng malalim na hininga. Nawalan na ako ng gana na kumain dahil sa mga sinabi nito. Niligpit ko na ang pinagkainan ko at hinugasan na ito sa lababo. May naka-post na printed kitchen rules at sinunod ko lang ito. Nakasaad na kailangan punasan ang pinagkainan pagkatapos hugasan at ilagay sa lagayan ng pinggan.

"Tss. Akala mo babae ang nakatira at ang dami pang ganitong kailangan gawin."

Nang matapos na sa pagsunod sa kitchen rules, dumiretso na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Narinig kong bumukas at sara ang gate tanda na umalis na ito ng bahay. Napairap na lang ulit ako nang maalala ang mga sinabi nito sa akin sa kusina kanina. Okay, kung ayon ang nakikita niya, ipapakita ko ulit sa kaniya ang toxic side ko. Just wait, Max David.

Limelight Series 2: WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon