Chapter 18

8 2 0
                                    

Asar na asar na binilisan ko ang paglakad at halos takbuhin ko pa ang distansiya mula sa labas ng village hanggang sa bahay ni Max.

Pagpasok ko sa bahay ni Max at napailing-iling na lang ito nang makita ako na hingal na hingal. Pumasok ito ng bahay at agad din na bumalik. May dala itong towel at tubig. Inabot nito sa akin ang isang basong tubig at pinunasan naman ng tuwalya ang basang likod ko at ang mukha na puro pawis dahil sa pagtakbo.

"Sabi ko kasi sa iyo ako na bahala diyan sa bibilhin mo, e. May inuutusan naman ako kapag may ganiyang issue o kung ano man na kasama ako sa trending," sabi ni Max habang patuloy pa rin sa pagtuyo sa likod ko.

"E, I want it now. At isa pa ayoko ng inuutos ang gusto ko. Gusto ko ako bibili at baka mamaya ma-disappoint pa ako."

"Oo na po. Anyway, sa likod ka na lang dumaan iyong patungo sa dressing room. Nandiyan kasi si Brandon at mukhang masama ang araw. Baka mamaya ikaw ang pagbuntungan ng galit no'n."

"Bakit naman daw siya nandito kung galit siya?" takang tanong ko.

"Lagi iyan napunta rito. Nito lang talaga hindi ko siya pinapayagan dahil nga nandito ka."

Hinarap ko si Max at tiningnan ito nang diretso sa mga mata nito. "Ano naman kung nandito ako?"

"Baka mamaya kasi magulat ka or matakot kapag nakita mo iyan na magalit. Iniiwasan ko lang na gumawa iyan ng kung anong scandal sa loob ng pamamahay ko. Laki ng galit, e."

"Bahala na nga kayo diyan. Basta ako sa likod dadaan, a? Cover me. Baka mamaya makita ako niyan kahit wala naman dapat ikatakot," natatawang saad ko at tumakbo na papunta sa likod ng bahay.

Nagpahinga muna ako saglit at saka naligo na. Pagtapos ay umupo na ako sa harap ng laptop table at nagsimulang mag-type ng update.

Nang makatanggap na ako ng text kay Max na umalis na sila ni Brandon, tinigil ko muna ang pag-type ng update at bumaba sa kusina. Nagluto muna ako ng makakain ko at nang matapos ay umakyat na ulit ako sa kwarto.

May schedule si Max ng photo shoot ngayon kaya umalis ito kasama si Brandon.

Napailing-iling na lang ako nang maalala ang tingin ni Brandon sa akin every time na madadaanan ko ang bahay nito. Laging masama ang tingin nito sa akin kaya laging kong kinakawayan ito at tinatawanan kahit pikon na. May isang beses pa na nakasabay ko ito sa pagbili ng makakain sa convenience store sa labas ng village at galit talaga ito sa akin.

Nagpatuloy na lang ako sa pag-type ng update at pagkain habang good mood pa ako.

"SABI KO NGA sa iyo, Max, nagsisinungaling lang si Ave. Halata naman sa pagmumukha niya na manloloko siya, e. Bakit ba bulag ka?" asar na tanong ni Brandon sa akin.

"Hindi naman. Alam mo kasi iba ang nakikita mo kay Ave sa nakikita ko roon sa tao. Mabait naman si Ave, bakit hindi mo iyon makita?" Napabuntong-hininga na lang ako.

"Bakit hindi ko makita iyung kabaitan niya?" sarcastic na tanong ni Brandon. "Dahil iyon sa pang-aasar niya sa akin kada makita niya ako!" singhal nito.

Napa-face palm na lang ako sa sinabi nito. "E, kaya ka inaasar ng tao kasi pikunin ka. Ni hindi nga alam ni Ave kung saan nangagaling ang galit mo sa kaniya, e." 

Napaasik na lang ito. "You're really smitten over her, huh?"

"And so? Bakit ba kasi kay Ave mo binubunton ang galit mo sa magulang mo? Kasalanan ba ni Ave kung ipapakasal ka ng magulang mo sa babaeng hindi mo naman mahal?"

"E, bwisit kasi. Parehas sila ng magulang ko na nakakaasar!" frustrated na sigaw nito ang hinampas ang lamesa.

"Calm down, okay? Kanina pa tayo pinagtitinginan ng staffs," natatawang bulong ko rito at inayos ang lamesa na nagulo dahil sa paghampas ni Brandon.

Limelight Series 2: WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon