"Ave, dito ka at baka mamaya sa kakaikot mo diyan bigla mong maapakan iyong hagdan at madulas ka," saad ni Max at nag muwestra na lumapit ako sa kaniya na siya ko naman ginawa.
Pagkalapit ko kay Max ay sumandal ako sa braso nito. Ngayon ko lang napansin na may upuan pala sa pwesto ni Max kaya pala prenteng nakaupo lang ito roon.
"May upuan pala ito?" tanong ko at tumawa.
Natatawa na umiling si Max sa akin. Nag-iwas ako ng tingin dito nang mapansin na wala pala itong damit pang-itaas at nakabalandara ang dibdib nito na ang puti-puti at may ilan na tuldok ng nunal.
Ilang saglit pa akong nakatabi rito at umalis na ito sa pwesto.
"Saan ka pupunta?" tanong ko rito.
He was heading to the stairs of his jacuzzi.
"Magbibihis na ako at kakain na. Kung gusto mong kumain habang nandiyan, it's fine. I can bring you your food."
Sunod-sunod akong umiling dito at sumunod na ng pag-ahon sa tubig.
"Magbibihis na rin ako," sabi ko at sumunod dito.
Pinatay muna nito ang jacuzzi tub at tinanggal ang laman na tubig. May pinindot ito sa controler ng jacuzzi tub at nagsara mismo ang jacuzzi.
"Wews, high tech!" mangha na saad ko.
"Yeah."
Hinawakan ni Max ang kamay ko at saka hinatak ako sa pasilyong tinuro niya kanina. Lumiko kami sa unang likuan ng pasilyo.
"Wow, may hagdan?" Tinuro ko ang hagdan kung saan kami papunta.
"Oo, paakyat ito sa second floor ng bahay," sagot nito at pinauna ako nitong umakyat.
Pagkarating sa dulo ng hagdan, isa na namang pasilyo ang bumungad sa akin.
"Saan pupunta?"Tiningnan ko ang magkabilang gilid ng hallway at puro naman pintuan ang nandito.
Walang sabi-sabi, hinatak ako ni Max papunta sa dulong kwarto. Pagpasok ay parang make up room lang ito. Puro mirror ang pader at sa isang harap ng mirror ay may patungan sa harap nito.
"Ano meron dito?" kinakabahan na tanong ko nang walang makitang ibang gamit sa room.
"Wait, excuse me," sabi ni Max at pinatabi ako.
Tiningnan ko lang ang ginagawa nito. Ngayon ko lang napansin na may bukasan pala ng mirror sa tabi ng pinto. Bahagya lang nitong hinatak ang mirror at naging sliding door ang mirror.
"Ang angas naman ng bahay mo," mangha na sabi ko.
Nagtingin pa ako sa bawat angulo ng kwarto kung may iba pang sliding door na mirror.
"Ito lang iyung may cabinet. Ayan ay talagang mirror na nakakabit sa pader."
Tiningnan ko ang cabinet na binuksan nito at tumambad sa akin ang puro damit na naka-hanger. May kinuha ito sa drawer na nakalagay sa ilalim at binigay nito sa akin ang isang puting tela.
Kinuha ko iyon at binuksan. It's a bathrobe. "Thank you! Ikaw muna maunang magbihis."
Lumabas ako ng kwarto at nag-ikot muna. Bawat bukas ko ng pinto ay parang walk-in-closet ang style dahil ang laging bungad ay mga damit. Meron din maleta na kaparehas ng maleta ko. Miski nga sa kung saan ko nilagay ang maleta ko, nandoon din ang pwesto ng maleta na iyon.
"Ave!"
Patakbo na bumalik ako sa harap ng pinto ng kaninang pinasukan namin ni Max. Lumabas na si Max at pinapasok na ako nito sa loob. Agad akong nagtanggal ng damit at sinuot ang bathrobe.
BINABASA MO ANG
Limelight Series 2: Writer
قصص عامةMax David is an actor who has a busy schedule due to the loaded work he needs to do. Ave Suarez is a writer who has a pile of issue due to toxicity. Because of the offer she got, she met Max. Would Max gives her some time to help her change for the...