Chapter 26

13 1 0
                                    

"No!" maarteng saad ko at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak ng kamay ni Kuya Brandon sa braso ko.

Kanina pa ito hatak nang hatak sa akin sa mga mamahaling restaurant at ang iba naman sa mga store ng damit.

"Dali na kasi! Ngayon nga lang ako bumabawi sa iyo, e. Let your kuya spend time and money with you!"

Tinawanan ko lang ito at nagpaubaya na. Papasok na sana kami ng restaurant nang mapatigil ako sa paglalakad dahilan na pagtigil din sa paghatak ni kuya sa akin. Nawala ang mga ngiti ko nang mahagilap ng mata ko si Max na nakatitig sa amin habang papalapit ito.

"Kanina pa kita hinahanap. Na-track ko lang phone mo na nandito ka sa mall. Hinahanap na tayo ni Harold. May meeting about sa wedding niya," malamig na saad ni Max habang nakatingin kay kuya nang walang emosyon ang mga mata.

"O? Is that so?"

"O, is that so?" Max said, mimicking Kuya Brandon.

"Shut up, Max!"

"Shut up, Max!"

"Let's just go, Ave, hayaan mo iyang baliw na iyan diyan." Hinatak na ako ni Kuya palayo kay Max.

"Tingnan natin kung hanggang saan kakayanin ni Max na kontrolin ang sarili niya. Noong mga araw na wala ka at hindi ka niya nakakausap nor walang update sa iyo, nababaliw iyan, e. Tumigil na nga siya sa pag-acting kasi sabi niya ayaw mo sa limelight."

"Yeah . . . ."

"Bilib din ako sa lalaking iyan. Kahit kailan hindi mo iyan makikitang nag-iinom o naglalasing noong nawala ka sa tabi niyan. Lagi lang niya akong kinakausap na nagsisisi siya na bakit ka pa raw niya pinaalis. Sabi ko naman sa kaniya na hindi niya kasi pinag-isipan decisions niya," pagkwento ni kuya at tumawa ito.

"May gusto sana akong itanong sa iyo kaso huwag na." Umiling ako rito at mas nauna nang maglakad.

Mabilis kaming nakauwi ni kuya sa bahay kung saan ako nakatira. Kanina pa ako nito pinipilit na sumama sa kaniya sa meeting nila pero ayaw ko talaga lalo na kung nandoon si Max.

"Hindi ka naman niyan aanuhin. Nandoon ako. Huwag mo na lang siyang pansinin."

"Hindi naman kasi pride pinapairal ko! Kahihiyan. Nahihiya ako roon sa tao sa dami ng ginawa kong kasalanan sa kaniya," problemadong-problemado na saad ko.

Kanina pa kasi may tawag nang tawag sa phone ni kuya at alam kong mga kaibigan niya iyon at mukhang kailangan na siya sa meeting. Pero ayaw niyang umalis dahil ang gusto niya kasama ako.

"Halika na!" Walang sabi-sabi, binuhat nito ako at tinakbo palabas ng bahay.

Pilit na nagpupumiglas ako rito para bitiwan ako nito pero mas lalo lang nitong tinitindihan ang kapit sa akin. Hindi ito nagpatinag at isinakay na ako sa sasakyan nito.

Wala na akong nagawa pa nang makasakay na ito at kahit hindi pa ito nag-se-seatbelt, pinaandar na nito ang sasakyan. Malapit lang ang bahay nila Veronica at doon gaganapin ang meeting daw kaya mabilis lang kaming nakarating doon.

"Pare! Kanina ka pa namin hinihintay!" sigaw ng isa sa mga kaibigan ni kuya.

"Yow! Wala, e. Ang bagal kasi ni Ave kumilos," nakangiting saad ni kuya.

"Girlfriend mo?" tanong ng isa sabay kantiyaw.

"Yes! Ganda niya, 'no?" pagmamalaki ni kuya na halata mo sa boses ang pang-uuyam sa isa.

The scene was so fast that the last thing I knew, Kuya Brandon was already on the ground and Max was beating him to death . . . .

"Bilis! Awatin ninyo!"

Limelight Series 2: WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon