Chapter 27

11 1 0
                                    

Agad akong nakarating sa isang condominium na magara. Halatang pang mayaman ang nasabing condo kung nasaan si Max dahil sa taas nito at laki. Maliban dito ay punong-puno rin ito ng mamahaling gamit.

Pumasok ako sa loob at tumambad sa akin ang malinis at may simpleng palamuti na front desk.

"Good evening! I'm Ave Suarez. May I ask for Max David's room number, please," magalang na saad ko.

"Wait, a minute, ma'am, we still need to verify your information. We have to call Mr. David for this. Please sit there for a while, thank you!" Tinuro nito ang sofa sa lobby.

Napipilitan na umupo ako sa sofa habang hinihintay na i-confirm ang identity ko.

"Ms. Suarez, excuse me," saad ng babae na naka-assign sa front desk. Lumapit ako rito at may pagtatanong na tiningnan ito. "I'm sorry for not recognizing your name. Mr. Washton already called us earlier telling us that you are his visitor. We will no longer call Mr. David. Just go to his pad upstairs. Penthouse. Here is the keycard, again, I'm really, really, sorry, ma'am," magalang na saad ng clerk at bahagyang yumukod.

"No worries, thank you so much!" Umalis na ako at dali-daling lumapit sa elevator na tinuro ng clerk. Sa likod ito ng front desk at may nakalagay ng VIP elevator. Mukhang VIP nga talaga sila Max.

Sumakay na ako nang magbukas ito at automatic na umakyat ang elevator. Hindi nagtagal ay huminto na ito at base sa indicator ay nasa penthouse floor na ako. Nang magbukas ang pinto nito ay lumabas na ako at tumingin-tingin sa paligid.

Napatigil ako sa paglalakad at pinakinggan ang paligid ng floor. Nang makumpirma ang kaninang narinig ay tumakbo ako papasok sa assigned room ni Max at pumasok. Hinanap ko ito at nang hindi makita ay lumabas ako at sunod-sunod na binuksan ang mga katabing kwarto hanggang sa naabot ko na ang balcony ng penthouse. Nasa balcony ito at umiiyak na pinupulot ang mga bubog ng baso na halatang binato nito sa brick na harang ng balcony.

Umalis ako sa kinatatayuan ko at napagpasiyahan na huwag na lang ito lapitan at pumunta ng restaurant nito na ilang block lang ang layo mula rito. Bago ako umalis ng building ay binilinan ko muna ang staff na huwag sasabihin na pumunta ako.

Tinakbo ko na ang distansiya ng restaurant habang iniisip ang mga sasabihin kay Max na alam kong hindi ito masasaktan.

Umupo ako sa medyo malayo at tagong table at saka tinawag si Max na ilang ring pa lang ay sinagot na nito agad ang tawag ko.

"Hello?" Halata sa boses nito na namamaos ito at pilit lang na pinapasaya ang tinig.

"Max, can you go here at your restaurant, near a condominium. I need your help . . . ."

"I'm just near. I'll be right there in no time, okay? Wait for me . . . please . . . ."

"I'll wait for you . . . ."

Binaba ko na ang tawag at nag-order lang ng side dish na alam kong kaya kong bayaran at ang favorite na pagkain ni Max ang mushroom soup.

Napangiti na lang ako nang makita ang mushroom soup sa isa sa mga servings ng restaurant nito. Sa akin nagmula ang mushroom soup recipe na ginagamit nito. Nang pagod na pagod ito sa photoshoot at nangangalay ang katawan nito sa ilang oras na pag-pose, itong mushroom soup ang niluto ko para dito at iyon ang pinakain ko sa kaniya habang minamasahe ko ang balikat at braso nitong nangangalay.

Sa entrada ng ikalawang palapag ng restaurant, nakita ko si Max na hinahanap ako. Nagtaas ako ng kamay at agad naman nitong nakita. Lumapit ito sa kinauupuan ko at tumayo sa harap ko.

Masuyo ko itong nginitian at nagmuwestra na umupo ito sa katapat kong upuan.

"Maupo ka," mahinahon na saad ko.

Limelight Series 2: WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon