Naalimpungatan ako nang maramdaman na may yumuyugyog sa balikat ko. Nagmulat ako ng mga mata at nakita si Max na ginigising ako.
"Ano?"
"Hindi ka na pala umalis sa kwarto ko?" tanong nito.
Nag-unat ako at umupo sa kama. "Niyakap mo ako at ang bigat ng mga braso mo. Hindi ko matanggal sa pagkakayakap mo sa akin kaya rito na ako natulog."
Hindi makapaniwalang tiningnan ako nito. "Ayos lang iyon sa iyo?"
"Yeah, kung hindi iyon ayos sa akin, sana ginising kita para makaalis ako. At saka, tinatamad na akong lumipat pa ng kwarto. Sarap matulog," sabi ko at humiga muli sa kama.
"O, okay. Sorry . . . pero kung ayaw mong matulog dito, gisingin mo lang ako. Hindi naman ako magagalit," saad nito sa mahinahon na tono.
"Bakit ka nag-so-sorry? Ayos nga lang sa akin, ano ka ba?"
"Baka kasi na-offend ka. Kahit sabihin mo na ayos lang sa iyo, still, I'm sorry." Nag-bow ito ng ilang beses sa harap ko.
Hindi ko na ito pinansin pa at kinuha ang unan na ginamit nito at tinaklob iyon sa mukha ko.
"Okay, sleep well ulit. Bababa ako at magluluto ako ng agahan natin," saad nito.
Naramdaman ko na naging patag na ang kama tanda na umalis na ito sa kama. Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. Tinanggal ko ang pagkakatakip ng unan sa mukha ko at nilibot ng tingin ang kwarto. Tama nga, wala na ito sa loob ng kwarto nito.
Para naman siyang babae kung umasta. Natawa na lang ako sa sinabi ko sa isipan ko. Pero totoo naman talaga. Pakiramdam ko nga mas mahinhin pa ito kesa sa akin na babae, e. But, nah. Sadyang marunong rumespeto si Max. My dream guy.
Bumangon na ako at dahan-dahan na lumabas ng kwarto nito at tinungo ang kwarto ko. Nag-ayos lang ako at tiningnan ang cellphone ko pero wala naman notification kaya lumabas na ako at tinungo ang kusina ng bahay.
Nakita ko si Max na naghahanda na ng agahan namin at nakalagay sa tray ang pagkain.
"Max!" tawag ko rito.
Tumingin ito sa akin at napaawang na lang ang mga labi. "O, akala ko matutulog ka pa. Dadalhin ko sana sa kwarto ko iyung breakfast natin."
Napataas ang mga kilay ko nang makarinig ng disappointed na tono sa boses nito.
"What if sa likod bahay na lang tayo mag-agahan para maiba naman ang place ng kakainan natin sa ngayon?" suhestiyon ko.
Agad itong tumango sa akin at binitbit na ang tray na may laman na iba't ibang putahe at inumin. Pinatong niya ang tray sa isang trolley tray at tinulak iyon papunta sa likod bahay kung saan ang swimming pool nito na medyo mababa lang.
Binuhat na nito ang tray at dinala iyon sa may parang bonfire sa gitna. Umupo ako sa katapat nito at ako na ang nagbigay ng pagkain nito rito. Walang lamesa ang kinainan namin kaya nasa lap lang ito nakapatong. Pinatong ko ang hita ko sa isa kong hita para medyo mataas ang patungan at nagsimula na akong kumain.
Nagtataka kong tiningnan si Max nang ilapag nito sa kinauupuan nito ang pagkain nito at saka umalis ng place. Ilang saglit lang ay bumalik ito at may dala itong medyo makapal na tela. Inabot nito iyon sa akin.
"Anong gagawin ko rito?" takang tanong ko at binuklat ang tela na binigay nito sa akin.
"Hawakan mo muna iyung pagkain mo saglit."
Agad ko itong sinunod. Pinatong nito ang tela sa hita ko at doon ko lang napansin na mahaba ito. Nilaylay niya pababa sa binti ko ang tela at saka pinapatong na ang plato ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/280615512-288-k504696.jpg)
BINABASA MO ANG
Limelight Series 2: Writer
General FictionMax David is an actor who has a busy schedule due to the loaded work he needs to do. Ave Suarez is a writer who has a pile of issue due to toxicity. Because of the offer she got, she met Max. Would Max gives her some time to help her change for the...