DALAWANG BUWAN ANG NAKALIPAS . . . .
Napahinga na lang ako nang malalim habang tinitingnan ang mga maliliit na balikbayan boxes na biglang dumating sa bahay. Napakamot na lang ako ng ulo at saka binuhat isa-isa at nilagay sa isang sulok kasama ang ilang padala rin na hindi ko alam kung kanino galing.
Nang matapos ay umalis ako ng bahay. Sinigurado ko na naka-lock ang bahay bago ako umalis. Dumiretso ako sa isa sa mga malapit na cafe sa bahay. Pumasok ako sa loob at umupo sa tabi ng glass wall.
Pagkaupong-pagkaupo ko ay may lumapit na waitress sa akin.
"Ma'am, good morning, I'm Hillary, the owner of this cafe. Here's our menu in case you're not familiar with our servings." Nilapag nito sa table ang menu list. "If you are ready to order, just call me. Thank you!"
Aalis na sana ito nang pigilan ko.
"May order na ako. Nakita ko kasi sa facebook ang cafe ninyo and your servings caught my attention. Anyway, my order is one large chocolate milk tea with an addition of sago then one toasted siopao. That's all."
"Okay, please wait patiently, thank you!" magiliw na saad nito at umalis na dala-dala ang menu list.
Habang hinihintay ang order, tumitig muna ako sa labas ng glass wall. Naalala kong may mga papeles pala akong dinala. Kinuha ko iyon at binasa ang nilalaman. Nagsagot-sagot ako rito.
"Ave Suarez, right?"
Tiningnan ko ang taong tumigil sa tabi ko.
"Yes, you are?"
Nag-alok ito ng shake hands sa akin na malugod ko namang tinanggap.
"Avi."
Napatigil ako sa pakikipag-shake hands dito.
"Maupo ka." Itinuro ko ang upuan na nasa harap ko.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto ko lang malaman iyung puno't-dulo ng galit mo sa akin."
Sinabi ko rito ang lahat ng sama ng loob ko.
"Hindi naman ako ang may kasalanan ng pangyayari. Binabalewala ko ang mga nangyayari dahil na rin sa hindi naman talaga sila tunay na reader ko. Sabihin na natin na bakit hindi ko sila pinagsasabihan, hindi mo lang alam na bawat writer or reader ang mag-report sa amin, pinapa-report ko ang account."
"But still, walang saysay ang mga report na ginagawa kasi patuloy pa rin silang gumagawa ng issue. Kahit anong gawin ko na pagbago ng account, kung same lang ang work na pina-publish ko, malalaman at malalaman pa rin nila na ako iyon."
"Ayon na nga, trust me, I kept on messaging you everytime na may issue na pumutok, ikaw lang ang hindi nag-se-seen sa mga chat ko sa iyo."
"Okay, sabi mo, e. Sige na, babalewalain ko na lang mga basher na iyan. Pero hindi ko makakalimutan ang mga nangyari."
"Wala naman akong kinikimkim na galit sa iyo, Ave. Pero sana maging maayos na ang lahat matapos kong ma-explain sa iyo ang akin."
"I'm really, really sorry, Avi," nakayukong saad ko rito.
"Ayos lang. Gaya nga ng sabi ko, hindi naman ako galit. Hindi rin naman naiinis kasi ang sa akin, as long as walang binabanggit na name ko, hindi ako magagalit. Pero alam ko naman na ako iyon. Ayoko lang talaga ng gulo, Ave. Sana natapos na rito ang lahat."
"Yeah . . . tapos na talaga rito ang lahat. I'll quit sa pagiging writer," malungkot na saad ko.
Halatang natigilan ito sa sinabi ko.
"Gusto kong hanapin kung sino talaga ako. Kapag nahanap ko naman na ang sarili ko, babalik ako. Hope we can be friends, Avi," nakangiting saad ko rito.
BINABASA MO ANG
Limelight Series 2: Writer
General FictionMax David is an actor who has a busy schedule due to the loaded work he needs to do. Ave Suarez is a writer who has a pile of issue due to toxicity. Because of the offer she got, she met Max. Would Max gives her some time to help her change for the...