Chapter 20

9 3 2
                                    

Nang maihatid ako ni Max sa bahay ay agad akong nagtungo sa kwarto ko bitbit ang pagkain na binili ni Max para sa akin. Inayos ko muna iyon sa laptop table ko at saka tinungo ang banyo para maghugas ng kamay. Pagbalik ko ay nag bukas ako ng phone at nag tingin sa mga post ko.

Marami na itong react at comment. May iba na hindi sang-ayon sa mga rant ko at iba naman ay relate raw sila, well, wala akong pake.

Nang matapos akong kumain ay nagtungo muli ako sa banyo at inayos ang bathtub. Naglagay ako ng mga scented candle sa gilid-gilid ng tub at saka pinuno ito ng tubig at nilagyan ng volcano soap. Habang hinihintay na tuluyang ma-dissolve sa water ang sabon, inayos ko muna ang pinagkainan ko at tinapon ito sa basurahan sa labas ng bahay. Sinigurado ko rin na nakasara ang gate at pinto bago ako lumublob sa tub.

Hinanapan ko ng magandang angle ang pag-re-relax ko sa bathtub at saka kinuhanan ito ng larawan. Naalala ko na may mga gamit na mamahalin si Max sa loob ng banyo at kinuhanan ko rin iyon ng larawan at saka p-in-ost sa facebook na may caption na pang-inggit sa kanila na makakabasa.

Nag-post muli ako ng rant dahil iniwan ako ni Max na nag-iisa sa malaking bahay nito. Natapos ako sa pagligo at nag bihis na. Naglibot ako sa bahay ni Max at bawat parte ng bahay nito na maganda ay kinukunan ko ng larawan at nilalagay iyon sa facebook.

Papasok na ako sa kwarto ko at bawat tunog ng phone ko ay siyang paglalim ng kunot ng noo ko. Muli nang papasok ako sa bahay ni Max hanggang sa pagpasok sa kwarto ay tunog nang tunog ang phone ko. Nang nakahiga na ako sa kamay, saka ko lang siya tiningnan. Binilang ko ang notification na galing sa iisang tao at halos—hindi pala, lahat ng post ko ay puro may angry react nito.

Binundol ng kaba ang dibdib ko at agad na ini-stalk ang account nito. Nothing much to worry about naman kasi dummy account lang siya at matagal nang ginawa ang account.

"Tsk, baka undercover ito ng isang group. Stalker talaga sila," usal ko nang sumagi sa isip ko ang group noon na unang-una na nambash sa akin at hindi ako tinigilan hangga't hindi ako umalis sa pagiging writer.

Napailing-iling na lang ako at nagligpit na lang ng kalat sa loob ng kwarto. Sinunod ko ang paglilinis sa kwarto ni Max at hinuli ko ang living room. Ako na nga ang nakikitira sa bahay nito, hindi ko pa magawang maglinis. What a shame.

Napatingin na lang ako sa wall clock dito sa living room at halos 10PM na pero wala pa rin si Max sa bahay. Tapos na akong maglinis ng mga kalat pero wala pa rin ito. Nang mailagay ko ang mga ginamit ko panlinis sa bodega ay pumanhik na ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang phone ko at nag-text kay Max.

"Huwag mo na akong hintayin. Matagal pa bago kami matapos," basa ko sa reply nito sa akin. Hindi ko na ito sinagot pa at natulog na lang.

Isang nakabubulabog na ingay ang gumising sa akin. Pikit mata kong kinapa ang phone sa bedside table. Tila isang tawag ang nangyayari sa notification ko na sunod-sunod ang tunog.

Ilang beses kong dahan-dahan na kinusot ang mga mata para luminaw ang vision ko at tinanggal ko rin ang mga morning star. Nang ayos na ay saka ko tiningnan ang pasimuno ng sunod-sunod na ingay ng phone ko.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang mga notification. Galing iyon sa writing platform kung saan ako nagsusulat at puro iyon comment. Kinakabahan na pinindot ko ang isang comment at agad na nag-open ang app at dinala ako sa mismong comment na pinindot ko.

"Geez," mahinang usal ko at tiningnan ang lahat ng comment na natanggap ko sa story ko. "How did they discover my story?"

Maraming comment na positive at ang iba naman ay critique pero may kaunting negative lang na comment sa story ko. Agad akong napaalis sa kama at nagmamadali na tumakbo papunta sa kwarto ni Max.

Limelight Series 2: WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon