Time flew so fast and now, flight na namin ni Max pabalik ng London. Umuwi lang pala sila rito para sa wedding ni Harold at Veronica.
"Babe, let's go," Max said while picking up our things.
Sabay kaming naglakad patungong boarding gate ng sasakyan naming eroplano.
"Ang bilis naman? Noong huling sakay ko need ko pa mag-wait ng one to two hours, e. Tapos ngayon naman we only need to wait at least minutes."
"We are on a VIP plane. Ganiyan talaga kapag kasama mo artista kahit umalis na sa industry. We still need to think that we have names to carry around that we need to be presentable at all times."
"Umalis kayo?" mabilis na tanong ko rito nang mag-sink in sa isip ko ang sinabi nito.
"Yes, didn't you get the news from the grapevine? Usually, you are active in that."
"Tse!" Hinampas ko ito sa braso nito at tinawanan lang ang sinabi nito.
It was Monday morning nang makalapag ang eroplano na sinakyan namin sa London. Ilang oras pa lang ang pahinga namin nang dumating kami sa bahay ni Max. At sa evening, kailangan naman namin pumunta sa bahay ng parents nito ara iabot ang mga pasalubong na pinamili namin at the same time, mga souvenir sa wedding ni Harold at Nica.
"Babe, are you ready? Kailangan na natin umalis at baka roon na tayo matulog kung mamaya pa tayo aalis," saad ni Max habang isa-isang binibitbit ang mga pasalubong namin para sa parents niya at dinadala ito sa sasakyan na gagamitin namin papunta roon.
"Matatapos na. Saglit lang naman ako mag-ayos. Kailangan ko lang talaga maging presentable tingnan sa harap ng parents ng fiance ko. Ayoko naman magukhang ngusngusin sa harap ng parents mo if formal gathering ang need," depensa ko sa tagal ng pag-aayos ko.
"Fine, pero magluluto lang naman kayo ni Mommy kaya hindi mo na kailangan pang mag-ayos nang sobra. Simple is enough for my Mom. Hindi naman din natingin si Mom sa panlabas na anyo. Basta ang galingan mo lang sa paggiling para makagawa agad ng maraming baby."
"Wow! Baby maker lang naman pala need mo, e, kaya ko iyan!" saad ko at binuntunan pa ng tawa.
"Weh? Kinakabahan ka lang na makaharap parents ko! Tawa-tawa ka ngayon tapos mamaya iiyak ka sa akin kasi ginigisa ka na ni Mommy."
Sinamaan ko lang ito ng tingin at binitbit na ang ilan pang natitira na eco bag at dinala iyon sa sasakyan na gagamitin namin.
Habang nasa biyahe ay panay ako ayos sa buhok ko at panay tingin sa side mirror ng sasakyan at tinitingnan ang ayos ng damit.
"Nervous? That's okay. It's normal," biglang saad ni Max habang panaka-naka ang tingin sa akin.
"I know! Pero kapag naman sa story, hindi ko naman expected na ganito pala ang tindi ng kaba kapag totohanan na ang pag-meet sa parents. I never expected this one! Pwede mag-backout?"
Tinawanan lang ako ni Max at gamit ang isang kamay nito, hinawakan nito ang kamay ko na nakapatong sa hita ko. "Hindi ka naman nila i-re-reject. At isa pa, noon pa man gusto ka na nila para sa akin. Lagi ka nga nilang kinukumusta sa akin, e."
"Iba iyong noon sa ngayon. Noon kasi wala tayong relasyon other than you are just helping me. Ngayon kasi ang bilis ng pangyayari at tayo na agad-agad at malala, engage na tayo."
"That's fine. Sayang naman ang panahon kung patatagalin mo pa ang pagsagot sa proposal ko that night. Nasa tamang pag-iisip ka noong gabi na sinagot mo ako at wala na sa alapaap kaya bawal ka na umatras sa relasyon na ito," pang-aasar na sambit ni Max at pinarada ang sasakyan sa entrada ng bahay ng David — ng magulang nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/280615512-288-k504696.jpg)
BINABASA MO ANG
Limelight Series 2: Writer
General FictionMax David is an actor who has a busy schedule due to the loaded work he needs to do. Ave Suarez is a writer who has a pile of issue due to toxicity. Because of the offer she got, she met Max. Would Max gives her some time to help her change for the...