"Alam mo? Every time na magsusulat ako ng new story tapos ang ganap ng character ko, e, happy family, naiilang ako. Kahit anong gawin ko na happy family lang dapat sila at hindi mabahiran ng trahedya, lumiliko ako na kailangan may mangyaring hindi maganda sa isang magulang. Maybe because hindi ko alam ang feel ng happy family? Pero sabi nila na kapag may hindi ka pa nararanasan, isulat mo lang. Pero iba sa akin, e. Nagiging bitter pa rin ako," I explained.
"Maybe starting this day, makakapagsulat ka na ng story na may happy family. Hindi man perfect at always na may pagtatalo pero inaayos din agad, but that's okay. Ang importante naman sa story may character's development," Max said while carrying our first born baby.
Wala pa itong pangalan dahil na rin sa hindi pa namin naihahanda ni Max sa dami ba naman na gustong ilagay na pangalan dito. As much as possible, gusto namin na isang pangalan lang para easy lang isulat ng anak namin. It may not be a unique name, but sure enough na bagay naman ang ilalagay namin na pangalan ng baby namin.
"Why not name him Grayson David? Sounds like a bad boy's name," suggest ni Max habang tinitingnan ang baby namin na kilik-kilik nito.
Napangiti na lang ako sa pangalan ng baby namin na naisip ni Max. "That's fine with me," sagot ko.
"Okay, I'll go and work on his papers," saad ni Max at binigay sa akin si Baby Grayson.
Nag-text ako kay Veronica na siyang nanganak din two months ago.
Best Friend tayo, right? Dapat ang anak natin ang magkatuluyan sa huli. Text ko rito at nag-send ng laughing emoji.
It's actually just a joke. Hahayaan ko naman ang anak ko na mamili ng babaeng papakasalan niya. It's his life and buong buhay niyang makakasama ang babaeng ipapakasal ko sa kaniya if ever na hindi niya ito gusto.
Sure! Reply ni Veronica sa text ko. Hindi ko na iyon pinansin pa at pinadede na lang si baby.
Napagawi ang tingin ko sa bedside table namin ni Max nang makita ang picture frame namin noong bagong kasal kami. Actually, alam na pala ni kuya ang plano ni Max na ikasal kami at isa rin siya sa tumulong sa pag-prepare ng kasal namin pero hindi ko pa rin nakikita ang asawa nito. Ang sabi lang nito nasa Pilipinas ang asawa niya. At wala pa rin siyang sinasabi na kung anong nangyari sa kanilang dalawa. Pero bahala na sila diyan. It's his life, anyway.
Napabuntong-hininga na lang ako nang maalala ang mga aminan namin ni Max ng mga kasalanan namin sa isa't isa. It's painful night pero hindi rin naman kami nakatulog nang hindi nagkakaayos. We are not used to the situation na hindi kami nagpapansinan. And I also remembered the time na naging ex ko pala ito sa dummy account ko. And he also confessed to me na writer din siya at huminto lang nang magkahiwalay kami. He even gave me his old notebook na nakalagay ang story niya roon. And that's what I've been working for at the same time, making my own reading and writing platform that is open for everybody.
Hoping that this moment would not end easily. Because I'm still enjoying the best days of my life with Max— my husband and with my son, Grayson.
BINABASA MO ANG
Limelight Series 2: Writer
Ficción GeneralMax David is an actor who has a busy schedule due to the loaded work he needs to do. Ave Suarez is a writer who has a pile of issue due to toxicity. Because of the offer she got, she met Max. Would Max gives her some time to help her change for the...