Chapter 11

6 3 0
                                    

Pagkapasok sa kwarto ay agad akong nag-post sa facebook ng rant about Max.

Magsasabi na nga lang ng sama ng loob, ayaw pa sabihin nang diretso. Ano ito, hula game?

Hindi ko na ito ni-review pa at agad na p-in-ost sa facebook account na ginawa ko. Sinigurado ko na hindi halata na ako ang may-ari ng account para hindi malaman ni Max.

Kinabukasan, pagbaba ko ng living room ay naabutan ko si Max na nakaupo sa couch nito habang may hawak na mga papel.

"Ano iyang binabasa mo?" tanong ko rito.

Nag-angat ito ng tingin at tiningnan ako. Hindi ako nito sinagot kaya pumunta ako sa likod ng couch at tiningnan ang binabasa nito.

"Hala, story ko iyan, 'di ba? Hindi ko pa naman iyan nagagawa, e."

"Ako na lang gumawa habang tulog na tulog ka sa hospital. Para pag-uwi mo, ang pahinga na lang na gagawin mo, e, pag-aralan ang sa story mo."

"Kailangan ba talaga may baguhin sa story ko? Tinatamad ako, e. Halos ganoon lang din naman," nakanguso na saad ko kay Max.

"Ave, alam mo ba na sobrang sakit na ng ulo ko? Tagalog na nga ang binabasa ko, sumasakit na ulo ko. Maraming kailangan ayusin sa story mo."

"Gaya ng?" hamon ko rito.

Hinagis nito ang mga papel sa lamesa na lumikha ng malakas na tunog. "Gaya na lamang ng song lyrics na nandito." Tinuro nito ang papel.

Tiningnan ko ang papel at may malaking bilog ng color red na ballpen sa bandang gitna no'n.

"Iyo ba ang song lyrics na iyan?"

Tahimik na umiling ako rito.

"Nagpaalam ka ba sa owner ng song lyrics na iyan?"

Muli akong umiling dito.

"O, hindi naman pala. Bakit mo ginamit?"

Napakutkot na lang ako sa kuko ko. "Habang sinusulat ko kasi iyang chapter, ayan iyong song na pinapakinggan ko at naisip ko na bagay siya sa scene kaya nilagay ko, fair use naman iyan," saad ko sa mahinang tinig pero sapat lang para marinig nito.

Napa-facepalm si Max at nakataas na kilay na tiningnan ako. "Galing. Paano kung ang story mo gamitin ko at i-post sa facebook group kung saan alam kong pagpi-pyestahan ng readers, walang paalam sa iyo, a, ginamit ko. Anong mararamdaman mo?"

"Siyempre magagalit. Walang paalam na ginamit ang story ko, e."

"Sabihin ko sa iyo na fair use siya kasi hindi ko naman pinagkakakitaan?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.

"No way! Parang kumikita ka na rin diyan dahil ikaw ang sumisikat!" sigaw ko rito.

"See? Alam mo ba ang meaning ng fair use? Kasi kung iyan, e, makarating sa korte at sabihin mo na fair use siya kaya mo ginamit, pagtatawanan ka lang. Doon pa lang, bagsak ka na at pwede kang magbayad ng malaking halaga ng pera. Isipin mo, naghirap ka ng ilang buwan para kitain mo ang malaking halaga ng pera tapos dahil lang sa isang song lyrics, mawawala."

Napayuko na lang ako. Alam ko sa sarili ko na bobo ako pero hindi ito naging hadlang sa pagsusulat ko ng story. Tapos ngayon naman na kaharap ko ang lalaking ito, pakiramdam ko mas lalo pa akong nanliit.

"Sorry . . . hindi ko naman alam kung paano pa ang gagawin ko sa ganiyan, e. Basta ang alam ko lang fair use siya kasi maraming sikat na author ang nagamit at sabi ng iba, fair use nga kaya nila ginagamit din." Saglit na tiningnan ko si Max na umiling-iling at muling nagbaba ng tingin.

Limelight Series 2: WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon