Chapter 14

9 2 0
                                    

Sumisinghot-singhot na pinunasan ko ang luha na dumaloy sa pisngi ko.

"Mag-quit na lang kaya ako?" tanong ko kay Max.

Umiling si Max sa akin at niyakap ako. "Keep doing what makes you happy. No matter what you do or no matter what you write, people will find a reason to criticize you or your work. Just be brave."

Muli ko na naman pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi ko. "E, bakit ba kasi may ganiyang tao? Akala ba nila hindi sila nakakasakit?"

"Ave, criticism tawag diyan. Destructive criticism. Ito iyong critique na nakakasakit ng damdamin. Pero meron naman na tinatawag na constructive criticism which is masakit din siya kasi katotohanan pero may pagturo din sa iyo kung paano mo maaayos ang story mo. Bakit may ganiyang tao?" Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko alam. In my opinion, tinitingnan niya kung hanggang saan ang kaya mo. Kaya huwag kang magpapaapekto. Isipin mo na lang na pinadala siya ni God sa iyo para subukin ang tatag mo."

"Masiyado naman maaga. Bungad agad sa umaga ko," natatawa na saad ko at tiningnan si Max.

"Sige, mamaya i-contact ko iyang Zeux na iyan at sabihin ko huwag naman masiyadong maaga. Mga bandang hapon na," sarcastic na saad ni Max at tinawanan ako.

"Hindi kasi, bakit may ganiyang tao? Iyong hindi man lang ayusin iyong ginamit o ginagamit na salita. What if iyung na-critique niyang story, e, iyong author no'n may pinagdadaanan sa buhay? Tapos imbes na ma-good mood ang author, mas lalo pang pinasama ang mood and worse may nangyari ng masama sa author, 'di ba? Kaya nga dapat maging maayos iyong mga word na gagamitin natin, e," paliwanag ko kay Max.

Pansin ko na napaisip si Max at tiningnan ako. "Himala yata, nagbabagong buhay ka na?" malokong tanong at pinagalaw-galaw pa ang mga kilay nito.

Pabirong sinampal ko ito nang mahina at niyakap muli ito. "Alam mo, noon kasi nakikita ko naman iyong sarili ko. Alam ko kung anong ginagawa ko. Marami rin nakakaalam ng tunay kong ugali. Sadyang iyong iba, isang pagkakamali mo lang, forever ka ng huhusgahan."

"Serious talk. Who really is Ave Suarez?"

Nagkibit-balikat ako rito. "We never knew who she really was. Iba iyong nakikita ng ibang tao sa kaniya sa nakikita niya sa sarili niya. Alam mo ba na marami akong kaibigan pero palihim lang? Iyong iba kong kaibigan masasabi mo talagang kaibigan ko kasi lagi kong kausap sa chat man o sa comment section ng post ko. Pero iyung iba? I think lumalapit lang dahil tinuturing ka nilang trophy o kaya naman maaalala ka lang kapag may kailangan sila sa iyo. Ni tanungin ka nga kung kumusta ka na, hindi magawa."

"If ever you've done something wrong, what do they say to you?"

"Wala, pinagsasabihan nila ako na sana sa kanila na lang sinasabi. Pero hindi naman kasi ako kabayo na diretso lang ang tingin at hindi papansinin ang nakikita ko sa paligid ko. Oo, alam ko na nakakasakit mga sinasabi ko sa social media, but they are facts. Facts that should be changed."

"Saan ka ba nakilala noon?"

"Sa pag-critique? I guess . . . hindi man ako mahilig makipag-interact sa iba, pero lihim kong sinusuportahan gawa nila. Tapos noong nagkaroon ako ng issue, kung ano-ano na sinasabi nila sa akin. Kinokopya ko raw gawa nila kasi natipuhan ko raw and such and such."

"Ano pa iba nilang sinasabi?" curious na tanong ni Max sa akin.

"May nag-post ng screenshot ng mga comment ko sa story nila kasama ang critique ko na maayos. Tapos ang sabi, hinihila ko raw siya pababa. Iyong mga nag-comment naman, ang sabi hindi raw ako deserving dahil bakit ko raw itinatama ang technicalities nito and kung ano-ano pa na mga comment. May ibang writer kasi na basta na lang pasok sa pagsusulat tapos hindi pala handa sa comment. Pero iyong mga comment o critique ko sa story nila, puro maayos. Maayos in a way na hindi ko hinihila pababa ang writer. Constructive criticism."

Limelight Series 2: WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon