Nagligpit na ako ng kinainan namin ni Max. Tulungan kami kaya naging mabilis ang pagkatapos namin sa gawaing bahay. Nang matapos ay nag kaniya-kaniya na kami ng akyat sa kwarto namin.
Umupo ako sa harap ng computer table kung saan nakapatong ang laptop ko at ang mouse na hiniram ko kay Max. Binuksan ko na ang draft app ko at binasa ang chapter outline. Sinimulan ko ng mag-type sa laptop ko pero napahinto ako. Hindi ko alam kung paano simulan ang chapter na gagawin ko. Tinitigan ko na lang ang laptop ko at nangalumbaba sa harap nito.
Nag-browse muna ako sa email ko at nang ma-bored ay pinatay ko na ang laptop at nahiga na lang sa kama at natulog.
KANINA pa ako naglilibot sa buong bahay ni Max at miski sa village kung saan ito nakatira pero kahit anong gawin kong pag-isip sa susunod na gagawin na chapter, wala pa rin akong mahanap na magandang salita para simulan ito. Halos isang buong linggo na akong ganito at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasusundan ang kabanata na huli kong ginawa.
Bumalik na lang ako sa kwarto ko at umupo sa harap ng laptop kong nakabukas. Tiningnan ko ang last edit ko at isang linggo na ang nakalilipas nang huli ko itong ginalaw. Napadukdok na lang ako ng ulo sa lamesa at ginulo-gulo ang buhok.
"Ano ba, gumana ka naman, utak!" sigaw ko at sinabunutan ang sarili.
Tumigil ako sa ginagawa ko nang makarinig ng katok mula sa pinto ng kwarto ko.
"Ave, you okay there?"
"Yeah, I'm okay!" sigaw ko.
"Can I come inside your room?"
Tiningnan ko muna ang loob ng kwarto at nang masiguro na walang kalat, tumayo ako at ako na mismo ang nagbukas ng pinto. Pinapasok ko si Max na always fresh ang itsura.
"Bakit? Ano meron?" tanong ko rito nang makapasok ito sa kwarto.
"Wala naman. Just checking you since the guard kept on calling me everyday saying that you are roaming around the village. And I told them that it's fine," saad nito.
Nakakunot noo ko itong tiningnan. "Eh? Bawal ba sa village na maglibot?" takang tanong ko rito.
Agad itong umiling sa akin. "Hindi naman bawal. Ang village kasi na ito ay para sa mga artista or mayayaman na tao. Siguro iyong para sa guard lang, akala niya paparazzi ka at naglilibot para makahanap ng news sa isang artista o tao. The guard is just doing his or her job."
"A, okay. Akala ko pinagkakamalan na naman akong magnanakaw, e," pabirong saad ko at tumawa.
Hindi makapaniwalang tiningnan ako ni Max. "Hindi nga? Kailan ka pinagkamalan?"
"Noong nasa Pilipinas ako, kasi pumunta kami ng mall. E, siyempre ang haba ng binyahe namin. Iyung damit at suot kong pantalon, nabasa dahil sa ulan. Ngayon mga kaibigan ko tinulungan ako na makapagpalit ng damit sa loob ng mall. Ang ending, ayon. Nagmukhang pambahay kasi hindi naman sila nagsusuot na mga fit na damit. Nakita ako ng isang lady guard sa department store at lagi akong nararadyo na mukhang magnanakaw. Hanggang sa paglabas ko ng mall, ayon, nakasunod pa rin ibang guard sa amin at panay radyo pa rin," tumatawang kwento ko rito.
"At tuwang-tuwa ka pa," hindi makapaniwalang sabi nito habang nakatawa rin.
"Bakit hindi? Ang saya kaya balikan lahat ng kalokohan namin magkakaibigan," nakanguso na saad ko at umupo sa tabi nito sa kama.
Inangkla ko sa braso nito ang mga braso ko at sinandal ang pisngi sa matipunong braso nito. "Alam mo, sobra akong nagpapasalamat sa iyo. Kasi kung hindi dahil sa iyo, hindi ako makakapag-aral. Walang may gustong tumanggap sa akin noon na college school dahil galing ako sa isang school na hindi kilala. Kahit mataas mga grades ko, ayon. Ayaw pa rin nila ako tanggapin kaya no choice ako na mag-private. Kaya maraming, maraming salamat kasi pinag-aral mo ako," naiiyak na saad ko rito at hinalikan ito sa pisngi.
![](https://img.wattpad.com/cover/280615512-288-k504696.jpg)
BINABASA MO ANG
Limelight Series 2: Writer
General FictionMax David is an actor who has a busy schedule due to the loaded work he needs to do. Ave Suarez is a writer who has a pile of issue due to toxicity. Because of the offer she got, she met Max. Would Max gives her some time to help her change for the...