Chapter 5

10 4 0
                                    

"Molly!" pabulong na sigaw ko sa kaharap ko.

Tumingin ito sa akin nang may pagtatanong.

"Can I leave for just a minute or hour? I need to meet someone in a cafe near the hotel I'm staying at."

Tumang ito sa akin at kinuha ang phone na nasa table. "I'll just send you another invitation code so that you can enter again. You are going back, right?"

"Yes," sagot ko at tumango rito.

"Okay, done. Stay safe!" Kumaway ito sa akin at nag-focus na ulit sa binabasa nito.

Inayos ko muna ang laman ng folder na hawak ko at saka ihiniwalay iyon sa mga nabasa na at hindi pa nababasa. Pagkatapos ay umalis na ako ng shooting room. Panaka-naka akong tumitingin sa orasan ng phone ko dahil malapit na ang oras ng kitaan namin ng sponsor ko.

Hindi rin kalayuan sa Film Building ang cafe na pagkikitaan namin. Agad akong nakarating sa harap ng cafe, inayos ko muna ang sarili ko at siniguro na maayos ang damit bago pumasok sa loob. Tiningnan ko ang buong paligid ng cafe at saka naglakad palapit sa isang table for two na nasa tabi lang ng glass window.

Nag-text ako kay Mr. Sponsor at ipinaalam dito na nasa cafe na ako at hinihintay siya. Sinabi ko rin dito sa text kung saan ako nakapwesto para madali na lang ako nito makita.

Tumunog ang bell sa may pinto tanda na may pumasok. Hindi ko ito nilingon at nagpatuloy lang sa paggamit ng phone.

"Hi!"

Napatingin ako sa nagsalita sa tabi ko.

"Hello!" nakangiting bati ko rito.

"You must be Ave Suarez?" he asked.

Nakangiti na tumango ako rito.

"My name is Max David and I'm the one who sponsored you. It's nice meeting you!" he beamed.

Tinuro ko ang upuan na kaharap ko at pinaupo ko siya roon. Agad naman itong umupo.

"Thank you so much! Without you, I don't know where I am now. Thank you!" Bahagya akong yumukod sa harap nito.

Tahimik lang itong nakatingin at nakangiti sa akin. Napakunot na lang ako ng noo nang may maalala.

"I have a question. How did you know about my post? Since you told me that you saw my post on facebook. But my post was written in tagalog and I turned off the translation for that—"

"Kaya kong magsalita ng tagalog at nakakaintindi ako. Kahit matagal na akong naninirahan dito sa London, kaya ko pa rin makaintindi."

Hindi makapaniwala ko itong tiningnan.

"A-A? H-How?" Napatakip na lang ako ng bibig.

Tumawa ito ito nanglumbaba sa lamesa. "Ipinanganak ako sa Pilipinas at doon ako nanirahan ng ilang taon hanggang sa mag-high school ako. At nang mag-college na, lumipat na ako rito kasama ang parents ko."

"Wow!" Wala na akong ibang masabi pa dahil hindi ko alam kung paano ito pakikitunguhan.

"Anyway, I still have minutes left before I go. May trabaho pa kasi ako," sabi nito. Tinaas nito ang isang kamay at may lumapit sa amin na waiter.

Nag-order lang kami ng maiinom at bread. Lihim akong napakutkot ng kuko dahil hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin nito at hindi ko rin ito kayang tingnan. Nakakahiya! Ano kaya itsura ko ngayon? Maayos kaya ang suot ko?

Tumingin ako sa labas ng glass window at saka dahan-dahan na kinuha ang phone na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at ipinatong iyon sa hita ko.


"Anyway, how long would you stay here?"

Tiningnan ko ito. "A, actually, I still don't know since there's a little problem at work." Kibit-balikat na sagot ko.

"O, okay. But if you resign from your work, tell me if you need help, okay? I'm willing to give you a job."

Agad akong umiling-iling rito. "Mr. David, no, it's okay. I still have a job in the Philippines. You are spoiling me too much. Thank you!"

"Nah, it's okay. Besides, tinutulungan kita kasi gusto ko. And linawin ko lang, wala akong hihingiin na kapalit from you. Tinutulungan kita kasi gusto ko na makita kita someday na successful sa pangarap mo sa buhay. The time na mabasa ko post mo na hihinto ka sa pag-aaral because walang magbabayad ng tuition fee mo at walan free school? Walang kabig, na hinanap ko ang email mo para i-contact ka kasi gusto kitang tulungan na makapagtapos ng pag-aaral," nakangiting saad nito sa akin.

Nahihiya na ngumiti ako rito. "May I ask again? At the same age as mine when I was in college, you already have a job?"

Tumango ito.

"How? No one accepts me because they said I'm still young to work and I need to focus on my studies, that's why no one hired me."

"I already have a job since a manager offered me a job here in London. And because it is my dream job, I took it immediately."

"So, your job has a high salary?" Nanlaki ang mga mata dahil sa nasabi ko.

Napakagat na lang ako ng labi at dahan-dahan na sumandal sa kinauupuan ko.

"I'm so sorry . . . ."

Tinikom ko na lang ang bibig ko. Masiyadong pasmado, e.

"No, no, it's okay!" nakatawa sa sabi nito. "I'm not offended by what you asked!"

Napasimangot na lang ako at awkward na nginitian ito. Mabuti na lang at mabait si Mr. David, kung hindi, naku! Baka kung ano na nasabi niyan sa akin.

"May boyfriend ka na?"

Umiling ako rito.

"Bakit hindi ka pa nag-bo-boyfriend?"

Napakamot na lang ako sa batok ko at nahihiyang sumagot. "Hindi naman kasi ako, Sir David, nalabas ng bahay. Lalabas lang ako kapag may bibilhin o kaya naman ay magtatrabaho." Nag-iwas ako ng tingin dito dahil hindi ko kayang makita ang nakakaakit nitong ngiti.

"Ilang taon ka na nga ulit?" Usisa nito.

"26 years old, sir. Hindi pa naman napag-iiwanan ng kalendaryo."

Nagkibit-balikat na lang ito sa akin. "By the way, just call me 'Max' and tigil na sa pagiging formal. Same age lang tayo pero kung ituring mo parang mas matanda sa iyo."

Napasimangot na lang ako rito. "Nakakahiya, e. Ikaw nagpaaral sa akin tapos kakausapin kita na parang wala lang?"

Natatawa na napailing-iling ito. "Sabi mo writer ka, bakit information technology kinuha mo?"

"Practical thinking lang. Balita ko kasi may pera doon. Hindi man easy pero malaki ang sahod kaya ayon na lang kinuha ko. Besides, kahit ano man ang tinapos ko na kurso sa kolehiyo, that won't stop me from being a writer."

"Kumusta na pagsusulat mo ngayon ng story?"

Napabuntong-hininga na lang ako rito. "Nag-quit ako. Nagkaroon ako ng issue at wala akong mukhang maihaharap kahit wala naman talaga akong kasalanan." Napayuko na lang ako at napakutkot ng kuko.

"Ayos lang na umalis ka sa account na kinagisnan ko. As long as magbabago ka na sa susunod na account. Huwag kang mag-quit sa pagsusulat ng story. Kung noong college ka nga at ibag course kinuha mo, hindi ka nag-quit tapos ngayon? Nag-quit ka."

"I don't know. Kahit naman ilang beses pa mag-quit ang isang writer, kung nasa sistema na talaga niya ang pagsusulat, babalik at babalik iyan. Babalik naman ako pero hindi lang sa ngayon. Nagpapahinga lang."

Tumango-tango ito sa akin. Hindi na ito nagsalita pa dahil dumating na ang order namin. Napatingin na lang ako sa orasan sa phone ko.

"Max, I'm sorry but I have to leave right now," nagmamadali na saad ko at saka kinuha ang handbag na nakasabit sa ilalim ng lamesa.

"Anong oras na ba? Hindi kasi ako pumasok sa work at ngayon lang din ako papasok," sabi nito.

"Two o'clock in the afternoon."

"Okay, I also need to leave. Let's just take our drinks and take out the bread." Tinawag nito ang waiter at ipina-take out ang order namin na bread.

May kinuha ako na pen sa bag at ibinigay iyon sa kaniya. Nagpasalamat ako rito.

"Thank you!"

Nang ibigay na ang take out ay umalis na kami ng cafe. I bid a bye to him at tumawid na sa kabilang kalsada. Tiningnan ko ang kabilang kalsada pero wala ito roon. Napatingin na lang ako sa tabi ko nang may kumalabit sa akin.

"O, rito rin pala daan mo?"

Tumango ito sa akin.

Lumiko ako sa driveway ng Film Building at sa sidewalk ako naglakad. Kumabgo nang malakas ang dibdib ko nang nakasunod pa rin sa akin si Max. Agad akong pumasok ng building at gaya ng ginawa ko kanina, nag-log in ako sa machine.

Napatingin ako kay Max na dire-diretso lang sa pagpasok at kumaway sa mga front desk assistant. Nagmamadali na naglakad ako patungong elevator at tumabi kay Max na naghihintay rin sa pagbukas ng pinto.

Pumasok na kami sa loob nang magbukas ang pinto. Pinindot ko ang floor na pupuntahan ko at saka pumwesto na sa dulong bahagi ng elevator. Sinulyapan ko lang si Max dahil nagsara na ang pinto ng elevator at hindi pa rin ito napindot.

"Same floor."

Nagtataka ko itong tiningnan. "Pardon?"

"Same floor tayo. Doon din ako pupunta."

Dahan-dahan akong napatango at napatingin na lang sa sahig ng elevator. Tumunog ang elevator tanda na nasa floor na kami. Lumabas na kami at tinungo ang shooting room. Ito ang nagbukas ng pinto at pinapasok ako.

"Good afternoon, Director Kim!" bati nito.

Tinanguan lang siya ni Director Kim at ako naman ay dumiretso sa tabi ni Molly.

"Hi Molly!"

"Hello Ave! Anyway, Director Kim already decided to stop the film first due to some problem with the actress, Tasha."

Napakunot ang noo ko. "Why?"

"She has an issue with her sister. No one knows that she has a sister. They hid Veronica and now, she was humiliating Veronica in public and the post was weeks ago, but the issue never died. Actually, you can go home early."

May kumalabit sa akin kaya napatingin ako.

"Ave, I'm so sorry for the stress, but you can go home early today since I have a meeting with the Gel Ink editors today. Thank you!"

Napangiti na lang ako at saka nagpaalam na sa lahat. Bago ako umalis ay kinausap ko muna si Molly.

"The director said he will take a rest for a while in directing films. That's why I'm not taking this seriously."

"How about Melissa?" I asked.

"She didn't know anything. All she knows is we have to standby for a while."

Tumango ako rito at saka nagpaalam na na aalis. Agad akong umuwi sa hotel at nang makarating sa bahay ay nag-send ng text messages kay Veronica.

Harold left me here. I'm with Adrian.

Limelight Series 2: WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon