CHAPTER THREE: WARM & NATURAL
" the world is nothing compared to you "
"Ugh." I sighed.
Napamura ako after ko tinapon yung sapatos ko sa basurahan at ngayon nakamedyas at nakatsinelas nanaman ako. I cursed again and again, realizing that I might have to spend a lot of money just to buy a new good quality pair of shoes.
Nag-iipon ako nang pera makabili ng mga bagong damit next month dahil pinabigay ko yung iba kong mga damit sa mga pinsan ko sa probinsiya, ayaw kasing ipatapon ni mama. Half of my clothes are gone, I need to buy new clothes for myself gamit yung allowance ko. Pero paano ko na yo'n gagawin kung nasira ko nanaman yung sapatos ko.
Ilang taon ko rin nagamit yung sapatos, it's been three years. Ayoko naman ding magalok kanila mama at papa ng pera pambili ng sapatos, I feel like I shouldn't do that. I liked being independent and relying on myself when it comes to spending money for something I need or want.
"Tsk." lumingon ako para harapin si Ryland, umiling din siya at tiningnan ang sapatos ko sa basurahan.
"Nanaman?"
"Anong nanaman? Nakatatlong taon din ako niyan." I shrugged.
"Damn, but it must have been expensive."
"Super expensive. Ang ganda rin nang quality niya... god... ngayon kailangan ko nanamang bumili nang bagong sapatos. Shit." Napapa-mura ako sa tuwing naaalala ko kung gaano kamahal yung tapos.
"Bili ka na lang nung sapatos na tig-500."
"I don't like the way they feel when I'm dancing, Ryland. But I'll try... susubukan kong maghanap nang sapatos na maganda ang quality at hindi mahal." I smiled bitterly.
Shit. Kahit 500 pesos mahal na sa'kin. Fifty pesos kaya ang pagkain sa canteen kapag may kanin at ulam, 'di pa kasama yung inumin. Buset talaga. Mahal na yun sa'kin, hindi naman ako mayaman at nag-aalala na nga ako sa tuition na binabayad nila mama.
"Sometimes..." Ryland began, wrapping his arm around my shoulder.
"...you need to actually spend money, Francheska."
"Wag mo 'kong tawagin na Francheska... god."
"Sinasabi ko lang sa'yo na kailangan mo na talagang bumili ng mahal na sapatos kung gusto mo talaga yung ganoong quality. Sorry but this is how the world works right now."
"How do you even know how the world works, Benedict?" I smirked.
"Tsk. Tinutulungan na nga kita, nakikipagaway ka pa sa'kin."
"Tinatanong lang kita." tawa ko.
"Anyways, gusto mo ba 'kong sumama sa'yong bumili nang bagong sapatos? Doon sa malapitang mall?"
"Pwede ba? Kung hindi ka naman busy."
"I'll look into it. At tsaka baka... tanungin ko rin siya."
Just like that, bumalik ang matamis na ngiti sa labi ko. Now my day is much better, and it will be ten times better kung sasama siya sa mall. Kung pwede lang, please lang.
"Please, please?!" nagmamakaawa 'kong sabi sa kanya habang nakakapit yung kamay ko sa braso niya nang mahigpit.
"Susubukan ko. Pero ngayon lang dahil buong linggo mo na 'ko kinukulit. I am doing this so you could shut up already." talon talon naman agad ako sa sagot niya at patalikod ko siyang niyakap habang abot langit naman ang ngiti ko.
BINABASA MO ANG
CHOOSE ME ✔️
RomanceDiana Francheska Aiko has never been desperate in love. Love-at-first sight and almost dream-like at the moment she laid her eyes at her best friend's older brother, Yael Heron Manuel. She is more than willing to do almost everything just for him to...