COLORED RED

134 34 19
                                    

CHAPTER SIX: COLORED RED

" no one deserves you, even her "

"Puwede ba kitang ligawan?"

Nabitawan ni Jaxon yung Zesto, muntik nang mabulunan si Ryland sa kanin, at naubo nanaman si Yael at tinakpan yung bibig niya gamit yung kamay niya. Napatingin sila sa'king tatlo na para bang marami silang gustong sabihin at alam na alam ko kung anong sasabihin nila.

"Are you... crazy? Have you gone mad? Seriously, Diana!" saway ni Ryland at binuksan yung bote ng tubig.

"What? Hindi naman ikaw ang tinanong ko, si Yael ang tinanong."

"Jesus Christ..." Jaxon shook his head and chuckled lightly, drinking the carton of milk.

Lumawak ang ngiti ko habang nakatitig ako kay Yael na pinupunasan yung bibig niya. Pinagupit niya yung buhok niya at mas lalo lang siyang gumwapo, pero of course mamimiss ko yung buhok niyang medyo mahaba. You know what, he's handsome, he will always be handsome and angelic to me.

"Una sa gym, pangalawa sa classroom, ngayon naman sa canteen? You are crazy!" bulong ni Ryland.

"Shut up, Benedict."

"Diana..." nabalik ang tingin ko kay Yael.

"Yes, Yael?" nakangiti 'kong sagot sa kanya.

"I told you, right?"

"Di ko naman sinigaw, right?" I answered with a tone similar to his.

He sighed and wiped his mouth again. Siguro noon inaamin ko na gusto ko siya dahil baka magustuhan niya rin ako pero ngayon napapasabi na 'ko na gusto ko siya sa tuwing naaakit ako sa kanya, I mean how can you resist?

And this time, I asked if I could court him again. Ilang beses ko na ring natanong sa kanya kung puwede ko nga ba siyang ligawan and of course he rejected and I just laughed it off. It's just that at these times hindi ko napipigilan ang sarili ko sa tuwing nakikita ko siya, it makes me want to make him mine already so I could prevent his heart from breaking because of Sophia, ugh.

Marami pa rin akong tanong kung saan nagsimula o kung paano siya nahulog kay Sophia. 'Di niya man sabihin, it is obvious na may nararamdaman siya para sa kanya. It drives me crazy, it's making me think about things that I know would eventually kill me inside.

Nowadays parang gusto ko na lang isigaw na tama na, tama na talaga. Kung puwede lang na makamove on na siya mula kay Sophia pero alam ko naman 'di madali y'on, it's not easy to just moving on from someone you like. Maybe it's not even like, maybe it's more than that because of the way he looks at her.

I just want those eyes to vanish. Naiinis ako, naiirita ako. Simula nung araw na yun na nakita ko si Sophia na kahalikan si Axel, sinusubukan ko na idistract siya gamit yung mga salita ko para 'di mapunta yung mga mata niya kay Sophia. Ayoko na ulet siyang masaktan, parang ang sikip, ang sikip sikip ng dibdib ko.

Siguro ganito talaga kapag talagang gusto mo yung tao, you would hate to see their smiles vanish and be replaced by something lonely and... sad. Ewan ko ba. Siguro rin paborito 'kong masilayan yung ngiti niya, ang ganda kasi, ang saya... it's so perfect.

"Hm... that's bad, Diana."

"Huh?" napatingin agad ako kay Chandria sa sinabi niya.

Kinagat niya yung turon at binalikan ako nang tingin din, nakangiti siya sa'kin habang nginunguya yung kinakain niya.

"I said, that's bad..."

CHOOSE ME ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon