Gaya ng napag-usapan nila ni Roffer ay sinama nga ni Xyra si Cassie sa mall, at syempre pa ay kasama din si Luna.
"Ano ba talaga sadya natin dito Xy? Akala ko ba di ka nagsashopping?" tanong ni Luna sa kanya.
Napakamot naman si Xyra sa batok.
Pahamak talaga na Roffer ito oh..
"Ah.. Eh.. Kasi may kakausapin ka.. Este ako pala.." nauutal na sagot niya.
Wala naman kasi talaga siyang kaediediya kung papano ilalakad si Roffer sa kaibigan.
"It so tagal naman.. Kanina pa kaya were here. Nasaan na ba yang kakausapin mo?" reklamo ni Cassie at nangalumbaba sa mesa.
Nasa loob na kasi sila ng starbucks at hinintay si Roffer pero napaaga yata sila kaya wala pa ito.
"OhmyG! Is that Roffer coming here?" biglang tanong ni Cassie at nanlalaki pa ang mata nito na nakatingin sa may pintuan.
Napalingon naman sila ni Luna sa tinitingnan nito.
"Woaahhh.. Don't tell me manliligaw mo si Roffer Xyra?" nanlalaki ang matang tanong ni Luna sa kanya.
Maging si Cassie ay napatingin din sa kanya. Muntik tuloy maibuga ni Xyra ang iniinum na frappe.
"Hindi ahh.." mahigpit na tanggi niya.
Sakto namang nakalapit si Roffer sa kanila.
"Hi girls! Hi Cassie" bati nito sa tatlo.
Natulala naman si Cassie sa binata. Samantalang si Luna ay siniko siko ang kaibigan.
"Hi Roffer.. Hoy binati ka!" bulong ni Luna kay Cassie sabay kalabit dito. Saka naman tila natauhan ang dalaga.
"H-hi.." namumulang sagot nito.
"Ahh.. Cass.. Alis muna kami ni Xyra. Nagtext pala si mama. Tara na Xy.." sambit ni Luna at mabilis na hinila si Xyra palabas ng coffee shop.
Hinihingal pa silang dalawa ng tuluyang makalayo.
"Teka.. Bakit iniwan natin sila doon?" tanong ni Xyra kay Luna.
"Diba nagpapalakad si Roffer sayo kay Cassie?" balik tanong ni Luna.
Napakamot naman si Xyra sa batok.
"Papano mo nalaman iyon? Di ko naman sinasabi ah..." nagtatakang usal ni Xyra.
"Ay tangee! Narinig ko kayo kanina nung mapadaan ako. Tara uwi na tayo.. Hayaan mo na ang dalawang iyon!" sambit ni Luna na nagpatiuna ng lumabas ng mall.
Naguguluhan namang sumunod sa kanya si Xyra.
"Teka.. Papano si Cassie?" tanong niya kay Luna na umagapay sa paglakad nito.
"Hayaan mo sila. Pareho namang may gusto sa isa't isa ang mga iyon.." sagot ni Luna.
Ahhh.. Ganoon pala! Tsk! Pinahirapan pa ko sa kaiisip..
"Mauna ka nalang Lun.. Maglalakad lakad muna ako.." sambit niya sa kaibigan.
"Sure ka? O sige.. Text nalang tayo mamaya.." paalam ni Luna at sumakay na ng taxi.
Naglakad lakad naman si Xyra sa labas ng mall. Malapit na ding dumilim kaya marami ng tao doon.
Nadaanan niya ang iskinita na kung saan nakita niya si Keith na nakikipag-away.
Saglit na tumigil si Xyra at tiningnan ang bahaging iyon ng daan.
May isang grupo ng kabataan na nakatambay doon at masayang nag-uusap.
Napangiti si Xyra bago muling humakbang paalis ng lugar na iyon.
Nasaan kaya siya ngayon?
Ipinadpad siya ng paa sa isang park malapit sa mall. Naupo si Xyra sa isang bench na naliliman ng puno.
Inilabas niya ang ipad at ipinasak sa tainga ang earphones saka pumikit.
Mahina lang ang tugtog kaya naririnig pa din niya ang ingay ng mga batang masayang naglalaro sa plaza. Ang nga nagkakantahang grupo ng kabataan at maging ang huni ng mga ibon sa paligid.
"Wow! Your here!"
Napamulat ng mata si Xyra pagkarinig sa boses ng lalaki.
Bumungad sa kanya si Walden na nakangiti. Nakatayo ito sa harap niya at nakapamulsa ang dalawang kamay sa suot nitong pantalon.
May malalaking headphones pa ito na nakasabit sa leeg. Tinanggal ni Xyra ang earphones at isinilid sa bulsa.
"Bakit?" tanong niya kay Walden.
Nagkibit balikat naman ito at naupo sa tabi niya.
Inunat pa nito ang mga braso at inilagay sa sandalan ng bench kaya mistula itong nakaakbay sa kanya kung pagmamasdan sa malayo."Wala lang.. Sinamahan ko si Roffer, sabi niya kasi kasama ka ni Cassie. Pero nawala ka lang bigla kaya hinanap kita." sagot nito na nakatingin sa dalaga.
Napakunot naman ng noo si Xyra sa narinig.
"Hinanap? Me? Bakit?" nagtatakang tanong niya sa katabi.
Ngumiti naman ito at inayos ang pagkaupo bago humarap sa kanya.
"Hindi pa rin ba klaro sayo Xyra?" tanong nito na nakatingin sa kanya.
Naiilang tuloy si Xyra at tumikhim bago umusod ng konti.
"K-klaro ang alin? Walden..." usal niya pero naputol ng gagapin ni Walden ang kamay niya at ipagsalikop ito sa mga kamay ng binata.
"I like you Xyra.. You caught my attention mula pa nung first time na magkaharap tayo.. You just do it like nobody else.." derektang sambit nito.
Napanganga naman si Xyra.
Nanliligaw ba sya??? OMG!
"Y-you like m-me?" tanong ni Xyra. Di upang kompirmahin ang sinabi ng binata kundi upang mag sink in sa utak niya ang narinig..
"Yes.. And i want to prove that.. Lets have a date.." walang gatol na sabi nito.
"A d-date!?"
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (ILYMG Series #1)
AdventureXyra Leigh Vena San Diego.. She's the daughter of the mafia queen. A devil with an angelic face. But she's just like any other ordinary girl who's willing to do anything just to be recognized by the man he love. Can she succeed? Can she tell him tha...