COY 1: Just Xyra

10.9K 197 10
                                    

Pre- Note:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are
either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any
resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or
exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission

*****

OMyG! Kanina pa ko dito sa kalsada at hanggang ngayon ay di pa din umuusad ang mga sasakyan sa harap namin. Gaano naba ako katagal nawala sa Pinas at di ko man lang naanticipate na ganito kabagal at katraffic sa lugar na ito! Nagsilabasan yata ang sangkatauhan at nagparada sa kalsada kaya ganito kasikip ang daan.

Pasulyap sulyap ako sa wristwatch ko at halos maputol na ang leeg ko sa kasisilip sa daan.

"Manong baka may ibang daan pa na pwede nating daanan.." maktol ko kay Manong Sidro. Siya kasi ang sumundo sa akin sa airport upang ihatid ako sa bahay.

Ibinagsak ko ang katawan sa sandalan ng kotse. Kararating ko lang from New York kung saan pinagbakasyon kami ni Mommy pagkatapos ng graduation.

Anyway, bilang pampatay ng oras ay magpapakilala muna ako sa inyo. (Sabay ayos ng salamin sa mata.)

I'm Xyra Leigh Vena-San Diego. Sounds familiar right? Well, im the only daughter of Lian Vena San Diego, the mafia queen and Raven San Diego the gangster king..

Oh wag kayong matakot sa akin.. Im not a gangster nor an assassin.. Mabait ako noh.. Im just 16 anyway at mas gusto kong maging simple kesa makisali sa kanilang gulo.

So dahil gusto ko maiba naman ang life ko, eto, pinili kong umuwi sa Pinas at dito magcollege, ALONE as in nag-iisa. Nasa New York na kasi silang lahat pati si Xavier na kakambal ko at dun nakabase si Mommy bilang queen of Empires.

Hay naku! Mukhang matatagalan ako dito ah..

Luminga ako sa paligid at napansin kong isang bus na nakatigil at nangunguha ng pasahero.

"Manong magbabus nalang ako!" usal ko sabay bitbit ng bagpack at bumaba na ng kotse. Di ko na hinintay na magprotesta pa si Manong Sedro upang pigilan ako.

"Kita nalang tayo sa bahay!" pasigaw na sambit ko at tinakbo na ang kinaparadahan ng bus.

Paakyat na sana ako nang biglang may bumangga sa akin kaya nahulog ang bag na dala ko.

"What the..!" inis na turan ko at tiningnan ang lalaking naunang sumakay sa akin.

Wow ha! Ni hindi man lang nagsorry..

Naupo na ito at sumandal pa.. Ang sarap umbagin kung di lang ito pogi eh.. Uu pogi siya! As in GWAPO!

Nakasuot pa siya ng leather jacket at nakashades na mas nakadagdag sa appeal niya.

"Hoy miss! Sasakay ka ba?" untag ng driver ng bus. Napaigtad tuloy ako ng konti saka tumango at mabilis na sumakay sa bus. Pumwesto ako sa may likuran ng bus. Nakikita ko pa ang mga kasabay naming pasahero na babae na pasulyap sulyap sa lalaki at kinikilig pa.

Ang gwapo niya noh!..

Uu nga, lagi ko talaga siyang inaabangan dito.

Napatikhim ako at inayos ang salamin sa mata. Nagbubuklat din ako ng libro para di mahalatang nakikinig ako sa grupo ng kababaihang nasa harapan ko.

Siya kaya ang valedictorian ngayon?

Asus lagi naman eh.. Mula yata elementary eh siya na ang pambato ng Crimdin Academy.

Napaarko ang kilay ko sa narinig. So this guy is in our school..

Makikinig pa sana ako nang biglang tumigil ang bus at bumabaang guy na pinag-usapan nila. Sinundan ko ito ng tingin habang naglakad papalayo.

Well, if your in CA then ill meet you soon..

---

First day of school..

"Simsimi, maganda ba ako?" (-_-)

"Hija, libreng mangarap. Libre rin magdaydream, kaya kung sa tingin mo maganda ka.. edi GORA! Walang pumipigil. Isa pa, limited na lang ang bagay na libre kaya lubus-lubusin mo na."

"Ang sama mo Simisimi." (@_@)

"Mas maganda naman ako sa 'yo. (^_^)"

"Huwaw! Connection pls.?"

Ok. Stop right there.

Kaasar talaga ang app na ito. Talagang patyamba tyamba lang kung kelan mo makakausap si Simsimi ng matino. Kung minsan maaamaze ka kasi WAGAS kung maka advise kung minsan naman ang sarap ihampas ng laptop mo kasi kung gaano katino mag advise.. Ganun rin ka-WAGAS manlait. Minsan pa out of the topic sia. Oh well, just for fun lang naman yun ei.

Maisara na nga ang laptop at may pasok pa ko ng 8:00 am.. First day pa naman ngayon.

Kaagad na nagpalit ako ng damit. Well kanina pa naman ako nakaligo at nag-almusal before ko kinawilihan si Simi simi.

Pagkalabas ko ng bahay ay naroon na si Manong at nakaabang sa may kotse.

Pero dahil gusto ko magpakasimple gaya ng attire ko ngayon ay di ako magpapahatid sa kanya.

I want to be out of my parents shadow.. Pero echoss lang iyon. Alam ko namang di ako makakatakas sa kanila since daladala ko ang apelyido nila.

But i requested my parents na di ako i special treat sa school at naintindihan naman ito ng aking mabait na mommy. Katulad na katulad daw kasi ako sa kanya noong nag-aaral pa siya.

But so much for that, waaaaahhhhh... Late nako.. As in super late nako at 7:50 na sa relos ko..

"Manong wag mo na akong ihatid! Tatakbuhin ko nalang!" pasigaw na sabi ko at tumakbo na palabas ng bahay.

Pero palpak talaga! Nakalimutan kong malayo pala ang school ko kaya balik ako sa bahay.

"M-manong! T-tara na!" hinihingal pa ko habang sumakay sa kotse. Kung di lang ba magagalit si mommy ay ako na lang ang magmamaneho.

Sabagay. Mabilis din naman si Manong magpatakbo dahil kabisado na niya ang mood ni mudra kaya madali lang akong nakarating sa school.

Kaagad na bumaba ako ng sasakyan at nagpasalamat lang kay manong saka patakbong pumasok.

Pagtapak ko pa lang sa grounds ng CA ay naamaze ako sa laki at lawak nito.

Ganito pala kalaki ang school ni mama..

Lumawak ang ngisi ko at itinaas ang dalawang kamay..

"Finally! I'm here!" pasigaw na sambit ko..

***

A/N: hahaha.. Lame? Pasensya na.. Medyo nangangapa pa ko sa category na to.

You know, im a green and red minded person (insert evil smile)

So what do you think? Papasa na ba ito?

Vote and comments please kung maganda pa ituloy to..

Magdededic din ako sa nice commentor..

Lovelots: malditang_nurz

Crazy Over You (ILYMG Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon