COY 17: Jealous

4.3K 120 5
                                    

***

Papalabas ng room si Xyra nang mapansin niya sina Roffer at Cassie na masayang nag-uusap sa may gilid. Muli siyang napaatras upang di makaagaw ng atensyon.

Napangiti siya sa sarili sa nakita. Mukhang nagkakamabutihan na nga talaga sina Cassie at Roffer.

"Hoy anong ginagawa mo diyan?" biglang sambit ng isang tinig mula sa likuran niya. Dahil focused ang atensyon niya kina Roffer ay nagulat si Xyra sa biglang pagdampi ng mainit na hangin sa may leeg niya. Otomatikong gumalaw ang kamay niya at umigkas ang kamao.

"Aaarrrgghhh shit! Ang mata ko!" hiyaw ni Walden na tinamaan ng suntok.

"Omg! Bakit ba kasi nanggugulat ka?" nanlalaki ang mata ni Xyra na napabaling kay Walden. Sapo pa nito ang nasaktang mukha.

"Kanina pa kaya kita tinatawag.." sagot ng binata.

"Sorry.. Masakit ba talaga?" tanong naman ni Xyra at tiningnan ang parte ng tinamaan.

"Ahm medyo.. Di ko akalaing masakit ka palang manuntok.. Amazona kaba?" himig birong tanong ni Walden. Naaliw kasi siya sa nakitang pag-aalala sa mukha ni Xyra.

"Wait tara!" biglang sambit ng dalaga at hinawakan si Walden sa kamay.

Napakunot noo naman ang binata pero sumunod na din sa paghakbang..

"Teka saan tayo? Magdedate naba tayo? Wala kanang klase?" tanong niya rito.

Inirapan naman siya ni Xyra.

"Date ka dyan! Tara sa canteen at lalagyan natin ng ice yang mata mo baka mamaga..!" sagot ng dalaga at inirapan uli si Walden. Napakamot naman ito sa ulo.

"Tsk! Akala ko ededate mo na ako.." himutok nito.

"Hmp! Asa ka!" ingos ni Xyra pero napangiti na rin siya.

Pumasok na sila sa canteen at napatingin pa sa kanila ang mga estudyanteng naabutan doon lalo na sa kamay nila. Nakahawak pa kasi si Xyra sa kamay ni Walden.

"Pero alam mo? Gusto ko to.." bulong ni Walden. Tinaasan lang siya ng kilay ni Xyra. Di nito nakuha ang ibig niyang sabihin.

Pasimple namang ininguso ng binata ang kamay nila.. Agad na napabitaw si Xyra..

"Tse!" asik niya. Ngiting ngiti naman si Walden.

Kaagad na nag-order si Xyra ng ice at nanghiram na din ng ice bag. Pumwesto sila sa isang mesa sa may sulok at padaskol na inilapag ni Xyra ang ice sa harapan ng binata.

"Oh ikaw na ang humawak.." usal ng dalaga.

Nakangiti pa rin si Walden na kinuha ang ice bag at ipinatong sa bahaging natamaan kanina. Naiilang naman si Xyra sa tingin ng binata kaya nag-iwas siya ng tingin at kunyari ay namili ng makakain.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya kay Walden.

"Ang ganda mo talaga.." mahinang usal ni Walden. Kaagad na nag-init ang pisngi ni Xyra. Inirapan niya ang binata.

"Hindi po iyan ang tanong ko.." he just chuckled.

"Well, this wouldn't be a nice place for our second date.." usal nito. Mas lalo namang namula ang dalaga dahil medyo may kalakasan ang pagkasabi ni Walden at napapatingin sa kanila ang mga naroon.

"Matigil ka nga! Bibigwasan na kita dyan eh!" bulong niya rito.

"Okay lang, basta pumayag ka for  another date natin." pakindat na usal ni Walden.

Crazy Over You (ILYMG Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon