Walang imik na basta nalang nagpatangay si Xyra sa paghila sa kanya ni Keith. Halos di nga niya maaninag ang madilim na dinaanan pero nakangiti pa din siya.
Ilang araw na rin niyang hinahanap ang binata at ilang araw na din siyang nasasaktan sa tuwing hindi siya pansin nito.
Aminado naman kasi siya sa sariling gustong gusto niya si Keith.
"Teka! Bakit ba tayo hinahabol? At bakit tayo tumatakbo? Hoy Keith!" tanong niya sa gitna ng pagtakbo.
Ilang iskinita na din ang naliko nila at nakasunod pa din ang mga nakablack suit na lalaki.
"Basta! I'll tell you later.." nakangiting sagot ni Keith.
Isa pang iskinita ang pinasok nila at saka siya biglang isinandal ng binata sa pader saka itinukod ang magkabilang kamay sa gilid ng kanyang ulo.
Nanlaki ang mata ni Xyra sa ginawa ni Keith.. Akmang magsasalita na naman siya ng iharang nito sa kanyang labi ang hintuturo.
"Ssshhh... Andyan na sila.." pabulong na saad ni Keith. Napatango nalang ang dalaga.
Saglit pay nasa tapat na nila ang mga humahabol. Halos maestatwa si Xyra sa pagpigil ng paghinga.
May mga sinabi ang mga lalaki pero di niya gaanong maintindihan dahil nasa wikang korean ito.
Maya maya pa ay nagsitakbuhan itong muli. Saka pa lang nakahinga ng maluwag ang dalawa at magkapanabay pang napabuga ng hangin. Nagkatinginan sila at sabay ding nagtawanan.
"Wooh! Akala ko mahuhuli nila tayo!" tumatawang saad ni Keith.
"Huh?" tanging nasambit ni Xyra na napatulala sa mukha ng binata. Ngayon lang kasi niya nakita itong nakatawa ng ganito.
"T'was fun right?" tanong ni Keith sa kanya. Tango lang ang naisagot ng dalaga na napatulala pa din.
Naiiling na bahagyang lumayo si Keith saka piningot ang ilong ni Xyra. Doon naman tila natauhan ang dalaga.
"Ouch! Anu ba!" singhal niya at tinabig ang kamay ni Keith. Humalakhak naman ito.
"Ang cute mo talaga! Tara kain tayo.. Nagutom ako bigla.." sambit ni Keith at nauna ng naglakad.
Sapo pa ni Xyra ang ilong na bahagyang namanhid sa ginawa ng binata at mabilis ang hakbang na sumunod kay Keith.
"Teka! Di mo pa ako sinagot!" habol niya rito. Humarap naman si Keith sa kanya at nakangisi.
"Bakit? Nanliligaw kaba?" tanong nito at kumindat pa. Bigla tuloy nag-init ang pisngi ni Xy sa sinabi ng binata kaya sinapo niya ito ng dalawang palad.
"Tse! Asa ka! Yung tanong ko kanina ang ibig kong sabihin!" irap niya sa binata at mas binilisan ang paglalakad pabalik sa kotse.
Humabol naman si Keith sa kanya pero tumatawa pa din.
Ang saya niya ha?
"Biro lang! To naman oh.. Pikon ka pala.." tumatawang saad nito na pinigilan si Xyra sa braso.
Irap lang ang tanging tugon ng dalaga.
"May kailangan kasi sila pero ayokong sundin.." saad ni Keith. Hindi man nakuha ni Xyra ang sinabi niya ay nagsawalang kibo pa din ang dalaga.
"Sorry na Ai please..." malambing na tugon ni Keith. Napatigil tuloy sa paglalakad ang dalaga sa narinig.
"What did you call me?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (ILYMG Series #1)
مغامرةXyra Leigh Vena San Diego.. She's the daughter of the mafia queen. A devil with an angelic face. But she's just like any other ordinary girl who's willing to do anything just to be recognized by the man he love. Can she succeed? Can she tell him tha...