COY 2: The Synergy

6.5K 152 4
                                    

"Finally, I'm here!" malakas na sigaw ni Xyra at itinaas pa ang dalawang kamay habang nakadipa.

Lahat tuloy ay napalingon sa kanya at may mga iilan na nagtaasan pa ng kilay.

Duh? Who is she?

Masyadong papansin ang nerd na yan ha?

Wow! Nice one babe!

Nahiya tuloy si Xyra na biglang pinagsalikop ang braso sa dibdib. Pulang pula ang kanyang pisngi.

OMyGhad! Please lupa lamunin mo na ako! bulong niya sa sarili habang pasimpleng inilibot ang tingin sa mga nasa paligid.

Sa sobrang excitement kasi niya pagkatapak sa bagong school ay nakalimutan niyang marami na palang studyante ang naroon na nakarinig sa kanya.

Alanganin siyang ngumiti saka payukong binilisan ang paglalakad. Di tuloy niya napansin ang makakasalubong na lalaki at just as expected..

Blaaaggg!

Aray! Ang sakit ng puwet ko.. Daing ni Xyra.

Napaupo kasi siya sa semento dahil tila bumangga siya sa pader. Nawala pa sa ayos ang salamin niyang suot kaya inayos muna niya ito bago pinagpupulot ang mga gamit na nabitiwan.

"Sorry Miss di kita napansin nagmamadali kasi ako.." sambit ng isang baritonong boses sabay pulot din ng mga gamit ni Xyra.

Sabay pa silang nagtaas ng tingin at napanganga si Xy.

Omo! Kay gwapo! naibulong niya sa sarili.

"A-ah e-eh... O-okay lang!" napakamot tuloy si Xy dahil nauutal siya sa harap ng lalaki.

Napangiti naman ito at inilahad ang kanang palad matapos iabot kay Xyra ang kanyang mga gamit.

"Walden.. Walden Saavedra.." pakilala nito sa sarili. Alanganin pa ang dalaga na tanggapin ito lalo pa at sa kanila nakapukos ang tingin ng lahat lalo na ang mga kababaihan.

"Xy..." sagot sana niya pero di natuloy dahil biglang may sumulpot sa tabi ni Walden.

"Tara andyan na si Keith! Hi miss..!" untag nito sa usapan nila sabay ngiti sa kanya.

Binalingan naman siya ni Walden at saka ito ngumiti na tila humingi ng paumanhin.

"Well, mauna na kami.. See you next time!" paalam nito at tumalikod na kasama ang kaibigan.

Sayang! Ang gagwapo nila! Kinikilig na usal ni Xyra sa sarili at pangiti ngiting naglakad.

Pagtingin niya sa relo ay muntik na siyang mapasigaw.

OMG! I'm dead! First day late agad!

Tinakbo na talaga niya ang hagdanan at hinihingal na siya ng makarating sa kanilang klase. Naroon na nga ang professor niya at nagsimula ng magpakilala ang kaklase niya. Lahat pa sila ay napalingon pagbungad niya.

Patay! Mukhang terror si sir ah!

Alanganin siyang ngumiti at pumasok sa loob.

"Sorry sir im late.. Naligaw lang.." usal niya habang inabot ang classcard. Pinagkrus pa niya ang daliri sa likod.

Tiningnan naman siya ng prof at binasa ang card saka tumango.

"Take your seat. Next time don't be late. I don't tolerate late comers in my class.." matigas sa sabi nito.

"Aye sir!" sagot ni Xyra at kaagad na pumwesto sa may likuran.

Itinuloy na nila ang pagpapakilala at ang klase.

Tahimik lang si Xyra.

New school and she wish to have new friends pero wala man lang lumapit sa kanya o pumapansin.

Naisip tuloy niya ang school dati kung saan naroon ang kakambal at ang kanyang ate Nian. She have plenty of friends.

Be strong Xyra! This is new life.. Your wish! Bulong niya sa sarili.

---

"Where have you been? Kanina pa ko dito ah?" asar na tanong ni Keith sa kabarkada.

It's their first day of class kaya maaga pa ay nasa school na siya. But he need to meet them first.

Lima sila sa group. Actually they're 6 but unfortunately Zorelle died a year ago at ayaw nila iyong pag-usapan pa.

"Sorry.. May nakabanggaan kasi ako." sabi ni Walden. Ngumisi naman si Jace sa kanya..

"Chikababe na naman ni Walden Keith.. Kaya lang nerd.. But she's pretty.." sabat ni Akira. Ang lalaking lumapit sa kanila kanina.

Napailing nalang si Keith at binalingan si Roffer na busy sa cellphone.

"Tss.. Mamaya na yan.. Tara malelate na ko!" untag niya rito. Napakamot naman si Roffer at isinilid ang cp sa bag.

They start discussing something..

Mga bagay na sila lang ang nakakaalam.

Tumayo na sila matapos ang sandaling pagmemeting at sabay sabay na pumasok sa campus.

All girls are eyeing on them.. Theyre group of handsome teenagers at sikat talaga sa looks and talents.

The Synergy...

Akira- the computer geek but not a nerd type.. He's a tracker. Makita lang niya ang itsura ay matetrace na niya kaagad kahit saang panig pa ng mundo.

Walden- the most playboy and girls love him.

Roffer- the snob.

Jace- is another playboy in the group. He use women like his own clothes.

And finally..

Keith Allen - the leader.. He's the school valedictorian.

They don't call themselves a gangster coz they dont have a gang. But no one dares to against them coz they're skills in fighting is more than being a gangster.

All of them are into martial arts and weapon training.

"Keith una nako.. Dito na yung class ko.." paalam ni Roffer at pumasok na sa loob ng classroom. Not minding kahit pa nagsisimula na ang klase at mukhang nasa kalagitnaan na nga ito. He sat beside a girl na abala naman sa pagsusulat.

Napailing nalang sina Keith at tumuloy na din sa pagpasok sa kanikanilang klase.

---

Napataas ng tingin si Xyra nang may naupo sa tabi niya. She's in the last row dahil late na siya at mukhang may mas late pa pala sa kanya.

Ngingiti na sana siya sa katabi pero natigilan siya nang di man lang ito tumingin sa kanya at nakatuon lang ang pansin sa cp na hawak nito.

Hmp! Snob..

Crazy Over You (ILYMG Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon