COY 8: Walden's Courting

4.7K 135 4
                                    

MAAGA pa lamang ay nasa school na si Xyra. May gusto kasi siyang hiramin na libro sa library kaya kahit 10 am pa ang klase niya ay pumasok na siya ng 8.

Pagkahiram sa libro ay nagtungo si Xy sa open field at sumalampak ng upo sa damuhan saka nagsimulang magbasa.

Tutok na tutok na siya sa binabasa upang magulat lang ng may biglang maupo sa tabi niya.

"Xyra.. Kanina pa kita hinahanap.." nag-angat siya ng tingin at nakitang si Walden ang nasa harapan niya.

Di malaman ng dalaga kung ano ang erereact sa binata. Di pa siya nakaget over simula nung magtapat ito sa kanya sa park noong nakaraang araw.

"Errr... B-bakit mo ko hinahanap?" tanong ni Xyra pero di nag-angat man lang ng tingin.

Kinuha ni Walden ang libro ni Xyra at saka itiniklop kaya napatingin siya rito.

Seryoso ang itsura ni Walden na nakatitig sa kanya. Mas lalo tuloy itong ikinailang ng dalaga.

Fudge! Bakit ba ganyan siyang makatingin?

"About what i said last time, seryoso ako doon.." saad nito.

Napatango naman si Xyra.

"Common Walden.. I'm not your typical girl.. Ni wala nga ako sa kalingkingan ng mga gfs mo.." pagtanggi ni Xyra.

Naririnig kasi niya sa mga kaklase na dakilang playboy ang isang to and even Luna and Cassie confirmed it. Si Walden daw talaga ang pinakaplayboy sa grupo.

Tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang susunod na klase kaya tumayo na si Xyra kahit di pa naman oras ng pasok niya.

"Xyra.." pigil ni Walden sa pag-alis niya. Napatingin pa ang dalaga sa brasong hawak ni Walden.

"Mamaya, 7:00 pm susunduin kita sa inyo.. Let's have a date.." usal nito. Napatitig si Xyra sa kanya.

Nagsusumamo ang mga tingin ni Walden. Kaya di napigilan ni Xyra ang sarili at napatango siya.

Well, this is the first time na umuo siya ng date na matagal na niyang ipinagkait kay Derik.

Mas lumawak pa ang ngiti  ni Walden at sumabay sa paglalakad ni Xyra. Nakarating sila sa library kaya nag gesture si Xy na papasok na sa loob.

"See you tonight.." masayang sabi nito at tumalikod na. Kumaway pa ito kay Xyra.

SAMANTALA, nasa hq si Keith at binabasa ang reports na edidiscuss niya mamaya sa klase mang magsipasok sina Roffer, Akira at Jace.

"Totoo ba tol? Manliligaw si Walden kay Xyra?" boses ni Jace ang unang nangibabaw sa loob ng hq.

"Wow, this would be his first.. Hahaha!" dugtong naman ni Akira.

Natigilan si Keith sa narinig at isinara ang libro.

Walden is courting Xyra? Dafaq!

"Oi Keith andyan ka lang pala.. Kanina kapa hinahanap ni prof Amy.." sigaw ni Akira ng mapansin siya na nakaupo sa couch sa gilid.

Tumango si Keith at tumayo. Di pa rin siya makapaniwala sa narinig.

---

"Ano bang isusuot pag nagdedate?" biglang tanong ni Xyra sa kawalan. Mahina lang ang boses niya pero natigil sina Cassie at Luna sa ginagawa at nanlalaki pa ang matang napatingin sa kanya.

Crazy Over You (ILYMG Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon