COY 21:

3.7K 114 3
                                    

Sa buong araw ay walang ginawa si Walden kundi samahan ako sa mga oras na break namin. Panay papuri niya dahil sa pagkapanalo ko.

Di ko pa nakikita sina Luna at Cassie kaya wala akong excuse upang iwasan ang binata. Panay din linga ko sa paligid bakasakaling makita ko si Keith. Pero tila iniiwasan na niya talagang magkasalubong ang aming landas dahil ni hindi ko man lang siya mahagip ng aking tingin.

"Roff, nasaan si Keith?" pabulong na tanong ko ng makatabi ko siya sa aming klase.

"Class maybe.." sagot nito at nakatuon pa din ang atensyon sa harap.

Di na ako nagtanong pang muli dahil mukhang wala din naman akong makukuha sa kanya.

Pagkatapos ng klase ay nakita ko kaagad si Walden na nakaabang sa may pintuan.

Panay pa ang impit na tili ng mga kaklase ko pagkakita sa kanya pero tila di naman ito pansin ng binata na malalaki ang ngisi habang nakatingin sa akin.

"Hi! For you.. Teka ako na ang magdadala niyan.." inabot niya sa akin ang isang rose na pula at mabilis na kinuha ang dala kong mga libro.

Tinapik naman siya ni Roffer sa balikat.

"Meet daw tayo mamaya at may pag-uusapan.." usal ni Roffer at tumalikod na matapos makipag fistbump kay Walden.

"Lets go!" untag niya sa akin.

Umiling ako.

"No, ako nalang.. May meeting pa kayo diba?" sambit ko at akmang kukunin na ang books ko pero mabilis niya itong iniwas.

"Ihahatid muna kita then babalik nako dito." sagot niya.

"Walden wag na.. Kaya ko namang umuwi ng mag-isa eh.. Tsaka may sundo ako.. Okay lang talaga.." pilit ko sa kanya.

Saglit muna siyang natahimik at tila pinag-isipan ang sinabi ko bago napakamot sa batok.

"Okay... Hatid kita hanggang gate.." usal niya. Napangiti naman ako.

Sabay nga kaming naglakad papuntang gate ng university at gaya ng nakagawian na ay panay joke ni Walden.

"Thanks Waldz, you go na.." usal ko pagkarating namin sa gate.

Ngumiti naman siya.

"My pleasure sweetie.. Basta ikaw.." sagot naman nito at sinabayan pa ng kindat.

Umalis na din siya dahil sa pamimilit ko. Ayaw pa sana kasi nitong umalis kaso tintawagan na siya nina Akira.

Tatawagan ko na sana si Manong na magpapasundo ako nang makita ko sina Luna at Cassie sa kabilang daan.

"Luna! Cassie!" malakas na tawag ko sabay kaway. Agad namang napalingon ang dalawa at napangisi sabay ganti din ng pagkaway sa akin.

Nagmamadali kong tinawid ang kalsada at nilapitan sila.

"Baby! Sorry di kami nakapasok kanina sa school. May photoshoot kasi si Cassie at sinamahan ko." sambit ni Luna ng makalapit ako.

Nagbeso pa kami.

"Yeah! I so think na sana you make sama to us kanina Xyra. Your ate Nian was there.. Grabeh! She's so galing talaga!" kumikislap pa ang matang usal ni Cassie.

Napangiti ako. Idol niya kasi si Ate Nian at halos mahimatay pa siya ng makasama niya ito noong pageant ko.

"Saan lakad nyo?" tanong ko.

"Sa mall, sama ka? Tara! Manlilibre si Cassie ng ice cream.." nakangiting sagot ni Luna.

Nagningning naman kaagad ang mata ko ng marinig ang salitang ice cream.

"Yeah! I so love ice cream.." sagot ko. Sakto din namang pumarada sa harap namin ang kotse namin at bumaba si Manong upang pagbuksan kami kaya kaagad na nagsisakay narin kaming tatlo at nagpahatid sa mall.

Naglibot muna kami at nagshopping na din sina Cassie at Luna. Patingin tingin lang ako sa mga display ng mahagip ng mata ko ang isang couple shirt na itim. Maganda kasi ang nakaprint nito.

Rain ang panlalaki, Shine naman ang pambabae..

After the Rain, the sun will Shine..

Wala naman akong ka-couple pero dinampot ko pa din. Gustong gusto ko kasi talaga ang nakaprint..

"Type mo yan baby?" tanong ni Luna sa akin. Tumango ako at ipinakita ang shirt sa kanya.

"Eh, kanino mo naman ibibigay yan?" tanong naman ni Cassie.

Nagkibit balikat ako.

"Itatago ko lang siguro.. Gusto ko talaga eh.." sagot ko at dinala na sa cashier upang bayaran.

Pagkatapos naming mamili ay nagtungo na kami sa ice cream parlor at kumain. Panay pa din ang daldalan namin kaya nagulat ako ng makitang mag-aalas otso na.

"OMG! Its late na pala!" gulat na usal ko. Nagsitayuan na rin kami at lumabas na ng mall.

Di na nagpahatid ang dalawa kaya ako na lang ang sakay ng aming kotse.

Papaliko na kami ng mapansin ko ang kumpol ng mga lalaking nasa madilim na bahagi ng kalsada.

Naalala ko na dito ko unang nakita si Keith sa labas ng campus.

"Manong pakitigil muna saglit.." utos ko sa driver.

Itinabi naman niya ang kotse at hininto. Bumaba ako at tiningnan ang pwesto nila.

Wala pala siya dyan...

Akmang sasakay na ako pabalik nang may biglang nagkagulo sa malapit sa likuran ko. Muli akong napatingin at laking gulat ko ng makita ang isang lalaking tumatakbo papalapit sa akin.

May humahabol sa kanyang mga lalaking nakasuit.

Hindi pa ako nalapagreact ng higitin nito ang kamay ko habang tumatakbo kaya napatakbo na din ako kasabay niya.

"Hoy teka lang!" reklamo ko sa lalaki.

Di ko kasi maaninag ang mukha nitong natatakpan ng sumbrero dahil sa dilim.

"Ssshhhh! I'll explain later!" sagot nito na tuloy pa din sa pagtakbo habang hila hila ako.

Nanlaki ang mata ko ng marealize kung sino ang kasama ko.

Keith Allen!

Hawak niya ang palad ko ng mahigpit.

OhMyG! Is this real? We are Holding Hands While Running!

Crazy Over You (ILYMG Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon