---
When love is not meant to be, even you strive so much, you'll always end up.. Failing...
---
Napabuntong-hininga si Xyra habang isinara ang binabasang libro.
Yeah! Maybe its not really meant to be..
"Hoy! Anong iniemote mo dyan baby? Kanina kapa namin kinakausap hindi ka naman pala nakikinig. May problema ka ba?" nag-aalalang tanong ni Luna sa kanya.
Napatuon din ang atensyon ni Cassie sa kaibigan.
"Yeah.. Its like, there's something bothering you Xyra.. Care to share?" dugtong ni Cassie.
Umiling nalang si Xyra.
"Wala wala.. Nadala lang ako sa binabasa ko.." nakangiti niyang sagot sa dalawa. Napatawa naman ang mga ito at muling nagkwentuhan.
Sabay sabay na din silang tumayo at nagligpit ng tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ang klase.
Kaagad na tinungo ni Xyra ang classroom matapos makapagpaalam sa mga kaibigan.
Nagkaroon pa sila ng class activity at panaamantalang nakalimutan ng dalaga ang naiisip kanina.
Matapos ang dalawang magkasunod na klase niya ay dumeretso na si Xyra sa parking area ng school ku g saan naghihintay ang kanyang sundo.
"Girl, narinig nyo na ba ang balita? Umalis na daw si Walden sa grupo? "
Napalingon kaagad si Xyra sa nagsasalita ng marinig ang pinag-usapan ng mga ito.
"Uu nga daw eh.. May di yata sila pagkakaintindihan. Nagkasapakan pa nga daw kahapon.."
Napaainghap si Xyra. Mabilis na kinuha niya ang cellphone sa bulsa at akmang tatawagan si Walden pero natigil siya ng makita ang binata na nakasandal sa kanyang kotse at nakatingin sa kanya.
Mabilis namang lumapit dito si Xyra.
"Walden!" tawag niya ng makalapit rito.
Ngumiti naman ito sa dalaga.
"Can we talk?" seryosong tanong ni Walden sa dalaga.
Tumango naman siya. Pakiramdam ni Xyra ay may dapat talaga silang pag-usapan ng binata.
Inilahad nito ang nakabukas na pintuan ng kanyang kotse kaya mabilis na sumakay na rin doon si Xyra.
Patakbo na ring sumakay si Walden sa drivers side. Pinaandar niya agad ito at pinaatras palabas.
Tahimik lang silang dalawa hanggang sa ipinarada ni Walden ang kotse. Ipinagbukas pa siya ng binata upang makababa ng sasakyan.
Nasa mataas na bahagi sila ng antipolo at napakaganda ng tanawin dahil sa papalubog na araw.
Umupo ang binata sa hood ng kotse at tinapik nito ang tabi na tila sinabing umupo din doon ang dalaga.
Sumunod naman si Xyra at sumampa na din sa hood ng sasakyan. Saglit na bumuntong-hininga si Walden bago nagsalita.
"it's been 6 months already since i started courting you.. At mula noon, sinasabi mo ng tumigil ako. Am i really hard to be loved?" hindi nakatinging tanong ni Walden sa dalaga.
Napayuko naman si Xyra at pinaglaruan ang dulo ng palda niya.
Umiling siya at saka tumingin kay Walden. Deretso sa mata nito.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (ILYMG Series #1)
PertualanganXyra Leigh Vena San Diego.. She's the daughter of the mafia queen. A devil with an angelic face. But she's just like any other ordinary girl who's willing to do anything just to be recognized by the man he love. Can she succeed? Can she tell him tha...