Masayang naglalakad si Xyra papasok sa malaking gate ng C.A.
Maaga kasi siyang ginising ni Nian at may aasikasuhin lang daw ito.
"Hi Xyra.. May nagpapabigay.." bati ng isang estudyanteng babae na nakasalubong niya. Nagulat pa si Xyra ng may iabot itong isang ballpen na may maliit na teddy bear na nakayakap.
Di pa siya nakasagot dahil umalis na kaagad ito.
Nagkibit balikat nalang siya at tumuloy na sa pagpasok. Pero nagulat din siya ng pagtapat niya sa guard ay may inabot din itong ganung pen.
"Manong?" takang tanong ni Xyra. Ngumiti naman ito at sumaludo saka umaktong pinapasok na si Xyra.
"May nagpapabigay.." nakangiting sagot nito.
Nagtataka man ay hinayaan nalang ni Xyra ang mga ito.
Tsk.. Di ko naman bday ah.. Ang aga agang april fools ito..
Bubulong bulong pa siya sa paglalakad habang tinitingnan ang mga natanggap.
"Morning Xyra.. May nagpapaabot.." napatigil tuloy siya bigla ng may mag abot na naman sa kanya ng isa pang teddy pen.
Sunod sunod ang naging pag-abot sa kanya at halos mag-iisang dosena na ito.
Nahihiya na tuloy si Xyra at pinagtitinginan na siya ng mga estudyanteng madaanan. May iba pang nagbubulungan sa katabi nila.
"Ang swerte niya noh?"
"Uu nga eh.. Nakakainggit.."
"Siya palang ang ginawan ng ganyan.."
"Hmp! Pakipot lang yan para mapansin.."
"Tama! Kunyari ayaw niya para mas macurious sa kanya.."
Napaarko ang kilay ni Xyra ng marinig ang ibang komento. Sadya yatang nilakasan pa ng mga ito ang pagkasabi para marinig niya.
Ikinuyom niya ng mahigpit ang kamao at huminga ng malalim.
Chill ka lang Xyra.. Alalahanin mo, good girl ka rito..
Ipinagpatuloy niya ang pagpasok sa unang klase at di pinansin ang mga nakairap na babaing madaanan niya.
Wala naman siyang alam sa mga nangyayari at wala din siyang pakialam sa opinyon nila.
"Xyra!" malakas na tawag ang nagpalingon sa kanya. Otomatiko naman siyang napangiti ng makita ang dalawang kaibigan na papalapit.
"Cassie.. Luna.." bati niya sa mga ito at saglit na tumigil upang hintayin ang dalawa. Nang makalapit na ang mga ito ay nagbeso sila at sabay na tinungo ang kanilang building.
"Wala pa kayong pasok?" tanong ni Xyra. Patungo kasi sila sa building niya at iba naman ang building ng dalawa.
"Mamaya pa.. Sasama muna kami sayo. Curious kami eh.." nakangiting sambit ni Luna.
Napakunot noo naman si Xyra.
"Curios saan?" tanong niya.
"To the one who's making bigay with you that teddy pen.." nanunuksong sambit ni Cassie.
"Tss.. April fools lang to.." baliwalang sagot ni Xyra.
Nagkatinginan naman sina Luna at Cassie.
"Loka! Hindi yan april fools.. Seryoso kaya siya sayo!" komento ni Luna.
Ipinagkibit balikat lang ito ni Xyra at ipinasok na sa bag ang hawak na teddy pen.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (ILYMG Series #1)
مغامرةXyra Leigh Vena San Diego.. She's the daughter of the mafia queen. A devil with an angelic face. But she's just like any other ordinary girl who's willing to do anything just to be recognized by the man he love. Can she succeed? Can she tell him tha...