“Ate, maganda ba ‘to? Eto kaya? Pero feeling ko mas ok tong isa eh.” tanong ni Xyra sa kanyang Ate Nian.Kapapasok pa lang nila sa unang botique sa loob ng mall. Balak kasi nitong mamili ng panregalo sa kaibigang si Luna na magbibirthday sa katapusan ng buwan.
“I prefer the white one.” sagot ni Nian.
Mas cute kasi yung white na dress kaysa sa yellow. Mas simple.
“Sabi mo eh! Okay, I’ll take this one!” nakangiting sagot ni Xyra at kaagad na inabot sa sales lady ang napiling damit.
Wala kasi talaga itong alam sa pagsashopping. Di kagaya ni Nian na well trained na mula pagkabata dahil modelo ang kanyang mommy Nina at syempre ngayong dalaga na ito ay sumasabak na din sa modelling ang dalaga.
Dress. Shoes. Accessories. Girly things. Lahat ng iyan ay gamay na gamay na ni Nian.
Napunta naman sila sa Men’s section. Syempre gusto ding bilhan ni Nian ng damit si Darrene.
“Ate, anong mas magandang iregalo sa basketball player? Jersey o rubber shoes?” biglang tanong ni Nian.
Gulat na napatingin si Nian kay Xyra.Teka, don’t tell me..
“Hey baby! May boyfriend kana????" namimilog ang mata na tanong niya.
Nag-blush naman ito..
“KYAAAHH!!! Ate naman eh! Wala noh! Naitanong ko lang.” tili ni Xyra at napasimangot pa.
Napangisi naman si Nian sa kanya. May duda na siya sa isipan na may nagugustuhan na ang pinsan pero ayaw na niyang isatinig pa.
Ayaw niyang pakialaman ito sa lovelife nito. Sapat ng magabayan niya ang itinuturing na kapatid.
Matapos makapamili ay umalis na din silang dalawa. Kailangan pa kasing maghanda ni Nian at aalis na siya pabalik ng Hongkong at may fashion show pa ang dalaga sa makalawa.
---
Two weeks na rin simula nung nanligaw kay Xyra si Walden. Super sweet pala nitong manligaw. AS IN. Yun ang narealize ni Xy.
Araw-araw kasi, pagdating niya sa class eh merong chocolates and three roses sa upuan niya. Sino ba namang hindi kikiligin dun, right?
Tapos pag magkikita sila kahit saan pa, lagi siyang ngingiti at kakaway. Madalas na din silang gumagala kasama ang mga kaibigan ni Xyra.
Maging sa mga ito at napalapit na din ang binata.
“Ahem, kelan mo ba balak sagutin yan?” Napatingin naman si Xyra kay Luna.
As usual, nasa open field na naman sila at naglalatag ng kumot. Marami na nga ang nakikigaya sa kanila at kanya kanya ng kumpulan doon ang mga estudyante.
“Idk, alam niyo naman kung sino ang gusto ko diba?" malungkot sa usal ni Xyra. Isinara niya ang binabasang libro at tumingin sa harapan.
“Edi you make sabi to him na para he's not gonna asa pa.” hirit naman ni Cassie.
Napabuntong hininga naman si Xyra. Matagal na niyang sinabihan si Walden na wag ng manligaw sa kanya at wala pa sa isip niya ang pagboboyfriend pero nagpursige pa rin ito.
Di naman niya pweding sabihing may gusto siya kay Keith lalo pa at kaibigan nito ang lalaki.
Tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ang susunod na klase kaya nagsitayo na silang tatlo at inimis ang mga gamit.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (ILYMG Series #1)
AventuraXyra Leigh Vena San Diego.. She's the daughter of the mafia queen. A devil with an angelic face. But she's just like any other ordinary girl who's willing to do anything just to be recognized by the man he love. Can she succeed? Can she tell him tha...