Plagiarism is a crime..
***
Hay! Nakakapagod ang araw na to! Andaming nangyayari...
Medyo nag-inat pa si Xyra habang naglalakad sa hallway ng school. Katatapos lang ng last class niya at pauwi na siya.
Medyo maaga pa naman pero gusto na niyang umuwi. Wala din naman siyang kasamang tatambay sa paaralan kaya dun nalang siya sa bahay at panoorin ang favorite movies niya.
Palinga linga si Xyra sa paligid at hinahanap ng kanyang mata si Derik.. Baka naman kasi bigla itong sumulpot at makorner na naman siya.
"Xyra! Sama ka sa amin!" biglang sigaw ng isang babae mula sa kabilang panig ng hallway.
Napabaling ang dalaga at napakunot noo ng mapagsino ang kumakaway sa kanya. Maya-maya ay naalala niya.. Ang dalawa p
alang new friends niya na iniwan kanina.
"Hi! Sama ka sa amin!" bati ni Cassie. Tumango tango naman si Lora na ngiting ngiti sa tabi nito.
"Uu nga naman Xy.. Para masaya.. Nood tayo ng sine.." dugtong pa ni Luna.
"Ah nood ng sine.. Teka, may maganda bang palabas ngayon?" tanong ni Xyra sa kanila.
"Uu meron.. Tara na!" aya ni Cassie at hinila na si Xyra palabas ng campus.
Nagbus sila papunta sa mall. Pagdating doon ay di muna sila dumeritso sa sine. Naglibot libot muna ang tatlo.
Panay lang ang sunod ni Xyra sa dalawa dahil wala naman siyang balak magshopping. Buwan-buwan kasi ay pinapadalhan siya ng kanyang ate Nian ng mga bago nitong damit na nabili sa kung saang bansa ito napadpad.
"Hey! Hindi kaba magsashopping?" takang tanong ni Luna sa kanya.
Ngumiti naman si Xyra at saka umiling.
"No! Di ako mahilig sa ganyan eh.." sagot niya at inginuso ang mga bitbit na damit ng dalawa.
Tinaasan lang siya ng kilay ni Cassie.
"Don't tell me never ka pang nagshopping?" tanong nito.
"Ahmm.. Nagshopping din.. Kasama ng Ate Nian ko." sagot niya.
"Okay.. Sige ikaw nalang ang magcocomment kung bagay ba sa amin ang mga ito.. Tara Luna!" sambit ni Cassie at hinila si Luna papuntang dressing room. Napasubod naman si Xyra sa kanila.
Panay sukat ng dalawa at ipinapakita pa kay Xyra. Tawa naman siya ng tawa kapag pangit ang damit o kaya ay di bagay sa mga ito.
Kahit kasi 'baduy' ika nga siya manamit ay marunong naman siya sa fashion dahil kay Nian.
Matapos nilang magshopping ay nagpasya na silang manood ng sine.
Maganda naman ang palabas na napagkasunduan nilang panoorin. Comedy romance ang theme kaya naenjoy din ni Xyra.
Marami pa silang ginawa bago nagpasyang umuwi.
"Are you sure na di ka sasabay sa amin?" tanong ni Luna kay Xyra ng nasa labas na sila ng mall.
Umiling si Xy at saka ngumiti.
"No may dadaanan pa ko." sagot niya.
Nagpaalam na ang dalawa at nauna ng umuwi.
Naglakad lakad naman si Xyra sa gilid ng mall. May kadiliman na ang bahagi ng kalsadang dinaanan niya at medyo malalim na din ang gabi kaya tahimik ang paligid.
Ang sarap ng hangin..
Blaaaaaagggg...
Natigilan si Xyra sa paglalakad ng makarinig ng kalabog at pagbagsak mula sa may di kalayuan sa kanyang pwesto.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (ILYMG Series #1)
AventuraXyra Leigh Vena San Diego.. She's the daughter of the mafia queen. A devil with an angelic face. But she's just like any other ordinary girl who's willing to do anything just to be recognized by the man he love. Can she succeed? Can she tell him tha...