COY 19: New Generations

3.9K 111 7
                                    

A/N: hi guys! May nag-aabang pa ba ng ud? Sensya na, unexpected kasi na nagkatrabaho ako kaya eto.. Busy na ang beauty..

Anyways, dedicated ang ud na ito sa lahat ng nagcomment sa last chap..

@MsDauntless13
@iessian
@jasvailoces
@gabrielafayecute
@HcramOllicnod
@LeaCalnea
@ilovekristinemendoza
@AlexadraGabrielle2

----

Profile:

ALEXA NICOLE JUNG NUEVO- 14, junior high school @ Forks High

VERNICE ANN MENDEZ FORD-13, junior high, Seoul S.K.

NIAN CLAIRE JEMINEZ YU-18, 3rd year college, San Diego International School (SIU)

DARRENE SCHILTZ JUNG- 25, certified engineer.

ZENDRA LEE SCHILTZ JUNG- 10, gradeschool at Seoul High.

****

Mula sa itaas ng puno ay nakangising tumalon ang isang dalagita. Nakasuot pa ito ng hello kitty shirt na masyadong malaki sa kanya at nakaponytail ang buhok.

"Ate Xyra!" masayang bungad ni Nicole at patakbong lumapit kay Xyra saka padakmang niyakap ang dalaga na bahagya pang napaatras sa biglang bigat ni Nicole.

"Nicole!" gulat na sambit ni Nian na kalalabas lang sa pintuan at nakita ang ginawa ng dalagita.

Napangisi ito at nag peace sign pa matapos bitiwan si Xyra.

Napakunot noo naman si Xyra ng makita ang si Nian. Kaagad na humakbang siya papalapit sa pinsan.

"Ate? Bakit andito ka? I thought next month pa ang balik mo? And what is she doing here?" sunod sunod na tanong ni Xyra.

"Woah! Easy baby... Mahina ang kalaban. Isa isa lang.. Tara pasok muna tayo at may surpresa pa ako sayo.." natatawang usal ni Nian at nagpatiuna sa pagpasok.

Naguguluhan man ay sumunod din si Xyra.

Patalon talon naman sa likuran niya si Nicole.

Hindi man sila masyadong close nito ay kaibigan pa rin ang turing ni Xyra sa dalagita. Naaasar kasi siya sa pagiging stalker nito sa kakambal niyang si Xavier.

Nasa junior high pa si Nicole at doon ito nakabase sa Forks kasama ang tito Brad at tita Nicnic niya kaya nakapagtataka para kay Xyra ang biglang pagsulpot nito sa bahay niya.

Tuloy tuloy silang tatlo sa sala hanggang sa kusina.

"Surprise!" sabay sabay na bigkas ng tatlo pang babae na lumabas mula sa likod ng mini bar. Namimilog ang mata ni Xyra at bumakas ang tuwa ng makilala ang tatlo.

"OhmyG! Kat-kat! Ann! Zendra!" sambit niya at mabilis na tinakbo ang tatlo. Nagtilian naman sila habang nagyakapan.

These three young ladies ang bff's niya sa NY.

"Graveh ate di ako makahinga!" angal ni Zendra na naipit sa kanila.

Nagtatawanan naman ang tatlo bago naghiwalay.

"Tsk! Your so unfair Ate Xyra. I deserved a hug also.." nakapout na sambit ni Nicole at nagcross arms pa.

Umarko namanang kilay ni Kathleen.

"Oh no! You don't deserve a hug baby, sino bang matutuwa at yayakapin ka matapos mong paulanan ng kunai bilang pagbati huh?" nagmamalditang usal ni Kathleen. Naghagikhikan naman sina Vernice at Zendra.

Mas lalo tuloy nagkandahaba ang nguso ni Nicole sa narinig.

Aminado kasi siyang fan siya ng kagalingan ng kambal kaya nga stalker pa siya ng mga ito way back in NY.

"Oh siya! Tama na iyan.. Nakahanda na daw ang dinner natin." sawata ni Darrene na lumabas mula sa dining hall.

"Teka lang.. Bihis muna ako saglit. Una na kayo!" paalam ni Xyra at tumakbo na sa kanyang silid sa itaas.

Nagtawanan naman ang mga naiwan at magkasamang tumungo sa dining hall. Kanya kanya na silang pwesto at masayang nagkwentuhan habang hinihintay naman si Xyra.

Mabilis lang namang nakapagpalit ang dalaga at nakisaya na din sa mga bagong dating. Inabot sila ng halos magdamag sa pagkukumustahan.

May balak pala ang mga ito na magtransfer na dito sa pinas kaya naparito. At ikinatuwa naman ito ni Xyra.

---

LUNES...

Naghahum pa si Xyra habang naglalakad sa hallway ng campus. Halos di pa siya makaget over sa saya ng kanyang weekends.

Sayang nga lang at umalis na din sila kanina kaya namimiss na naman niya ang kakulitan ng mga ito.

"Abah! Ang saya mo baby ah!" biglang sulpot ni Luna sa kanyang tabi. Ngiti lang ang naging tugon ni Xyra.

"Woaah! What's with that ngiti of yours? Wag you tell us, you make sagot na with Walden? Ano? Kayo na?" singit ni Cassie na pasilip silip pa sa mukha ni Xyra.

Tumawa naman ng malakas ang dalaga.

"Ano ba kayo! Hindi ah! Masaya lang ang naging weekends ko.. Dumating kasi ang mga bffs ko from NY.. At nagbonding kami.." sagot naman ni Xyra.

Napalabi naman si Cassie.

"So theyre here na pala? Does it mean di na kami your bffs baby?" nagtatampong tanong nito.

"Tss! OA Cassie.. Syempre kayo bffs ko dito. Diba sabi ko bffs ko sa NY?" sagot ni Xyra na umarko pa ang kilay.

Tumawa naman kaagad si Cassie at niyakap si Xyra.

"Thank you baby.." masayang usal ni Cassie. Tatawa tawa lang din si Luna.

Naghiwalay na din sila pagdating sa kani-kanilang building. Umakyat na si Xyra sa kanyang floor.

Nagring ang kanyang cp kaya kinuha niya ito sa kanyang bag. Dahil sa pagkayuko ay di niya napansin ang makakasalubong na si Keith. Nagkabanggaan sila at nahulog ang cp ni Xyra.

"Ouch!" usal ng dalaga. "Keith.." tanging nasabi niya ng makilala kung sino ang nakabanggaan. Walang kibong dinampot ng binata ang cp na nahulog sa sahig at saka inabot kay Xyra.

"Sorry.." halos pabulong lang ang pagkasabi ni Keith at kaagad na tumalikod matapos iabot kay Xyra ang cp nito.

Nagtataka namang hinabol ng tingin ng dalaga ang papalayong binata.

Anong nangyari doon? Biglang naging snob..

Crazy Over You (ILYMG Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon