COY 10: Unexpected Visitor

4.6K 132 8
                                    

Kinabahan si Walden para kay Xyra. Pero mukhang wala naman itong pakialam sa kaguluhang magaganap.

"Doon lang ako.. Baka tamaan ako.." sambit ni Xyra at itinuro ang isang bench sa may di kalayuan.

Hay.. Sana naman magaling ka din sa suntukan..

Naiiling na pinagmasdan ni Xyra si Walden na abala sa mga kalaban. Lima laban sa isa. Such a good fight..

Nagpaulan ng suntok si Bart na mabilis namang naiiwasan ni Walden sabay counter attack. The man really knows how to fight.

Inilabas ni Xyra ang kanyang earphone at ipinasak sa tainga at saka pumikit. She don't like fights.. Sawa na siyang makita ang suntukan lalo pa at 16years of existense ay ganito ang laging nakikita niya.

Nakakabored na walang background music.

"Hah! Akala siguro ng Saavedrang iyon ay malalamangan niya kami ngayon! Halika rito! Gagawin kitang pain!" biglang sabi ng isa sa mga kalaban na nasa gilid pala ni Xyra at hinawakan siya sa braso.

Naparoll eyes nalang siya. Ayaw na ayaw niyang mahawakan ng kahit sino taz ito bigla nalang maghahablot ng braso?

Akmang sisipain ni Xyra ang lalaki pero natigilan siya sa naisip.

Uu nga pala.. Nakamini dress pala ako.. Tsk!

"Get your dirty hands off me!" may diing sambit ni Xyra at binigyan ng matalim na sulyap ang lalaki.

Pero imbes na makinig ay ngumisi lang ito kaya naningkit ang mata ni Xyra.

"Aray!" sambit ng lalaki matapos pitikin ni Xyra sa tainga. Akmang susuntokin nito ang dalaga pero nginisihan lang siya ni Xyra.

"Gangsters ba kayo? Anong pangalan ng gang nyo?" tanong ni Xyra. Natigilan naman ito sa akmang pagsuntok.

"Bakit mo ba tinatanong?" balik tanong nito. Nagkibit balikat lang si Xyra. "Sagot na dali!" untag niya.

"Sabi ng sagot eh!" angil ni Xyra at pinitik na naman sa tainga ang lalaki.

Naningkit naman ang mata ng lalaki at itinuloy na talaga ang pagsuntok kay Xyra pero pimilig lang ito pakanan kaya hangin lang ang tinamaan ng kamao ng lalaki na dumaan sa may kaliwang bahagi ng ulo niya.

"Gawin mo at mawawalan ka ng pamilya.." usal niya sa lalaki. Nagulat naman ito sa sinabi niya. Maging ang aura kasi ni Xy ay unti unting nagbabago na.

"S-sino ka ba? T-tinatakot mo ba ako?" natitigilang sambit ng lalaki.

"Xyra Leigh Vena San Diego.. Kilala mo na?" nakangising sagot niya at baliwalang muling naupo. Nagulat naman ang lalaki sa narinig.

They know the name.. Dahil takot ang mga gangsters at mafia sa kanila..

"E-empress.." nauutal na sambit nito at mabilis na kumaripas ng takbo papunta sa mga kasamahan. Natatalo na din ni Walden ang mga ito. Binulungan pa nito si Bart at saka sila nagmamadaling nag-alisan.

"Tss.. Bahag naman pala ang buntot ng mga iyon eh!" pagmamayabang ni Walden ng makalapit.

Nginitian lang siya ni Xyra.

"Are you okay? I'm really really sorry Xy.. Sana pala di tayo rito nagpunta. Ive ruined our date." hinging paumanhin ni Walden sa dalaga.

"I'm okay.. Tara uwi nalang tayo baka hinahanap na tayo nina Manong!" aya ni Xyra.

Walang imik sila habang binabagtas ang daan pauwi. Pagkarating sa mansion nina Xyra ay kaagad na bumaba si Walden upang pagbuksan ang pintuan ng kotse sa side ng dalaga.

Crazy Over You (ILYMG Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon