Sumapit ang araw ng beauty pageant pero di pa rin pinapansin ni Keith si Xyra.
Labis naman.ang ibinigay na atensyon ni Walden sa kanya na todo suporta sa gaganaping pagtatanghal.
"Baby, yung gown mo nasa door lang ha? Babalik ako maya maya upang ayusan ka.." sigaw ni Nian mula sa labas ng kanyang silid.
Narito na kasi ang pinsan at inilipat na ng school ni Tita Nina.
"Yes ate!" sigaw naman ni Xyra pabalik. Binilisan niya ang pagliligo upang maayusan na siya ni Nian.
Alas 5 ang pageant pero 4 sila pinapunta sa school. May final instructions pa daw kasi ang prof nila bago magsimula ang pageant.
Naisip naman ng dalaga si Keith habang nagbibihis. Ang alam niya ay ito ang candidate para sa lalaking kategoriya.
Bakit kaya niya ako iniiwasan lately?
Pasimpleng sinuyod niya ng tingin ang paligid at hinanap ng mata si Keith.
"Xyra!" biglang sulpot ni Walden sa harapan niya at nakabukas pa ang mga braso. Bahagya tuloy napaigtad ang dalaga sa kinatatayuan.
"Walden! Ano kaba, bigla ka nalang nanggugulat dyan.." angil niya sa binata na ngumisi lang.
"Just wanna give luck to you.. Baka kasi di ako makalapit mamaya kasi doon lang kami pupwesto sa harap. But ill surely cheer for you.." malaking ngisi na sabi ni Walden. Natawa nalang si Xyra habang naiiling.
"Baby! Dito na dali!" tawag ni Nian sa atensyon ng dalaga. Mabilis namang nagpaalam si Xyra kay Walden at patakbong nilapitan si Nian.
"Wow Xy, yan na ba ang gown mo?" tanong ng isang kaklase niya na mag-aasist din sa kanya sa pageant.
Nakangiting tumango naman siya. Sinimulan ng ayusin ni Nian ang make-up at damit na susuotin ni Xyra.
Unang lalabas sila sa sports attire. Palinga linga pa rin siya at bakasakaling makita si Keith.
"Oi! Xyra! Ready ka na? Kinakabahan ako!" biglang tapik ni Akira sa dalaga. Gulat naman siyang nag-angat ng tingin.
Nakakunot noong tiningnan niya ang nakangising binata. Naka jersey na ito at may hawak pang bola.
"Huh?" tanging nasambit ni Xyra.
"Akira... Akira Reyes. From Engineering dept. Barkada ni Walden!" pagpapakilala nito sa sarili.
Saka naman tila nagliwanag ang mukha ni Xyra at nakilala ang binata.
"Ahh.. I-ikaw ba ang candidate nila?" tanong niya. Kaagad namang umuo si Akira.
"Umatras kasi si Keith last week. Sayang nga eh. Kasi nakahanda na talaga lahat." sagot nito at naghila pa ng upuan saka naupo sa tapat ng dalaga.
"B-bakit daw?" tanong niya sa binata. Nagkibit balikat naman si Akira.
Tinawag na sila sa stage kaya kaagad na pumwesto na ang dalawa.
"Kinakabahan ako.." bulong ni Xyra kay Nian. Ngumisi naman ang pinsan niya.
"Naku don't be.. Ngumiti ka lang. Isipin mong walang nakatingin sayo. Just be yourself baby.." advise ni Nian.
"Ehh..." reklamo ni Xyra at sinuyod ng tingin ang mga nasa ibaba ng stage. Nanlaki ang mata niya ng makitang naroon si Keith sa tabi nina Cassie at Luna. Nasa tabi rin niya ang kabarkadang sina Walden na panay hiyawan.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (ILYMG Series #1)
مغامرةXyra Leigh Vena San Diego.. She's the daughter of the mafia queen. A devil with an angelic face. But she's just like any other ordinary girl who's willing to do anything just to be recognized by the man he love. Can she succeed? Can she tell him tha...