Nicole on multimedia..
---
Tila naeexcite naman si Xyra sa sinabi ni Walden. Eto pa ang pangalawa nilang beses na magkasama pero magaan ang loob niya sa binata.
May parte kasi ng mga kilos at pag-uugali nito na kahawig sa kambal niyang si Xavier.
Happy-go-lucky at masayahin ang kambal lalo pag kasama nito si Victoria.
"Saan ba talaga ang punta natin?" pangungulit ni Xyra. For the nth time ay nginitian lang siya ni Walden bilang sagot.
"Secret!" sambit nito sabay kindat sa kanya.
Ipinagkibit balikat nalang ito ni Xyra. Medyo mahaba na din kasi ang kanilang binyahe kaya nagtataka siya kung saan sila pupunta.
Inaliw lang niya ang sarili sa pagmamasid sa daan. Binuksan pa niya ang bintana ng kotse at inilusot ang kanyang kamay. Natawa naman si Walden sa ginawi niya at sa pagkamangha ng dalaga ay ibinaba nito wang bubong ng kotse.
Mas lumawak ang pagkangiti ni Xyra ng ilipad ng hangin ang kanyang buhok. Di niya alintana kahit pa paminsan minsan ay napunta ito sa kanyang mukha. Itinaas pa niyang lalo ang mga braso.
"Ang sarap ng hangin!" tili ni Xyra. Pakiramdam niya ay isa siyang ibong malayang nakalipad.
Mapahalakhak naman si Walden.
"Tingin ko ngayon mo lang nagagawa ito!" masayang baling niya sa dalaga habang tuloy pa din sa pagmamaneho.
"Yeah! Kasi naman bantay sarado kami sa NY. Buti nga dito hindi na.." tila wala lang ang pagkasabi niyon ng dalaga pero napakunot noo naman si Walden.
"Bantay sarado? Bakit?" tanong niya. Ipinagkibit balikat lang iyon ni Xyra.
Namilog ang mata niya ng makita sa di kalayuan ang isang amusement park.
Waaaahhh! Gusto ko doon! Piping tili ng isipan ng dalaga. Binalingan niya si Walden.
"Nakapasok kana ba doon?" tanong niya sabay nguso sa park.
"You like there?" balik tanong ng binata. Tumango si Xyra.
At namilog ang mata niya ng iniliko ni Walden ang kotse sa mismong daan papasok ng amusement park.
"Dito tayo? Totoo???" di makapaniwalang tanong ni Xyra.
"Yeah! Lets go!" aya ni Walden matapos maipark ng maayos ang kotse. Nauna siyang bumaba at bago pa mabuksan ng dalaga ang pintuan sa tabi niya ay nauna na ito sa pagbukas.
"Tara na.." aya ni Walden at hinwakan ang kamay ni Xyra. Di maiwasang mapatingin doon ang dalaga. Nakasalikop sa kanang palad niya ang palad ni Walden at tila baliwala lang ito sa binata na tuloy tuloy lang sa paglalakad.
Ang lambot ng kamay nito para sa isang lalaki.
Inabot ni Walden ang ticket sa bantay at sabay na kaming pumasok.
"Ang saya talaga sa ganitong lugar!" namimilog ang matang inilibot ni Xyra ang tingin sa paligid.
"Masaya ako at kasama kita.." mahinang usal ni Walden. Pero di ito nakatakas sa matalas na pandinig ni Xyra.
Ngumiti siya rito.
Nagsimula na silang maglibot sa paligid. Inuna muna nila ang mga nakakalat na booth. Mamaya nalang daw sa rides at medyo nakakalula pa..
Bumili sila ng ice cream at kinakain ito habang naglilibot.
Aliw na aliw talaga si Xyra. Gusto niyang subukan lahat ng games. Todo supporta naman si Walden sa kanya.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (ILYMG Series #1)
AventuraXyra Leigh Vena San Diego.. She's the daughter of the mafia queen. A devil with an angelic face. But she's just like any other ordinary girl who's willing to do anything just to be recognized by the man he love. Can she succeed? Can she tell him tha...