Panay ang ayos ni Walden sa sarili habang nakaharap sa salamin. Nagkalat na din ang kanyang damit sa ibabaw ng kama.
Di niya mapagpasyahan kung alin ang susuotin para sa date nila ni Xyra mamaya.
Yeah, its not his first time to date a woman. Para saan pa at naturingan siyang cassanova. But for him, Xyra is different. And its his first time to court a girl.
Whew! Nakakanerbiyos pala..
Nilagyan niya ng gel ang buhok at inayos ang pagkaporma nito. Nang makuntento sa itsura ay sinulyapan na niya ang relo.
Tamang-tama, 6:30 na..
Tenext muna niya si Xyra na papunta na siya bago kinuha ang susi ng kotse at mabilis na bumaba. Nadaanan pa niya ang kanyang mama na abala sa pagluluto.
"Mukhang may date ka na naman ah.. Sino na naman yan Walden?" tanong ni Ayako sa kanya.
"Ssshhh.. Ka lang ma.. Makikilala mo din siya." sagot ng binata at hinalikan ang ina sa pisngi. Napailing naman na nangingiti si Ayako.
Manang mana ka talaga sa tatay mong palikero.. Hmp!
Tuloy-tuloy na si Walden sa address ni Xyra. Talagang hinanap pa niya ito sa registrar dahil nahihiya naman siyang magtanomg sa dalaga.
Pagkapark niya sa harap ng bahay ni Xyra ay namangha siya sa laki nito. Mataas ang pader pero kita ang lawak sa loob. Kokonti lang ang ilaw sa labas pero napakaganda pa ding pagmasdan ang pagkalandscape sa paligid.
Dito siya nakatira? Sa isang mansion?
Lumapit ang isang guard sa kotse ni Walden kaya ibinaba niya ang bintana at nginitian ito.
"Good evening po.. Si Xyra? Kaibigan niya ako.." sambit ni Walden.
Saglit muna siyang tiningnan ng guard kaya ipinakita niya ang id rito. Sinuri naman nito ang binigay niya bago tumango. May kinausap muna ito saglit sa hawak na radio upang ipaalam ang pagdating niya bago nito binuksan ang gate na remote control.
Phew! Ang higpit ahh..
Pinasok na ni Walden ang kotse at doon siya pumarada sa harap mismo ng maindoor.
May sumalubong naman sa kanyang matandang lalaki at nagbigay galang pa ito bago siya pinapasok sa loob.
Kung namangha si Walden sa labas ng bahay ni Xyra, mas lalo pa siyang namangha ng makapasok. Kumpleto sa magagara at mamahaling kagamitan na nagmula pa yata sa iba't ibang panig ng mundo ang mga nakadisplay sa sala pa lang ng bahay.
"Maupo ka muna, iho at tatawagin ko lang si Mam Xyra." bilin ng matanda at tumalikod na.
Naupo naman si Walden sa sofa na malapit sa kanya. Kung kanina ay kinabahan lang siya sa paghaharap nila ni Xyra, ngayon ay mas domoble ito at baka ayawan siya ng magulang ng dalaga.
Naglabasan tuloy ang gamunggong pawis sa noo niya kaya pahid siya ng pahid.
F***! Madehydrate yata ako sa kaba nito..
"Magpalamig ka muna, iho.. Ano nga ang pangalan mo? Ako pala si Ana, ang katiwala dito.." usal ng isang may katandaan na ding babae na di man lang namalayan ni Walden na nakalapit. Medyo napaigtad pa nga siya ng bigla itong maglapag ng palamig sa mesita sa harap niya.
"Ah.. Eh.. Walden po.. Walden Saavedra.." sagot niya at napatayo pa upang makipagkamay kay Ana.
Ngumiti naman ito at nagpaalam na.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (ILYMG Series #1)
AventuraXyra Leigh Vena San Diego.. She's the daughter of the mafia queen. A devil with an angelic face. But she's just like any other ordinary girl who's willing to do anything just to be recognized by the man he love. Can she succeed? Can she tell him tha...