Pinadaan ni Xyra ang mga daliri sa shelves ng mga libro sa loob ng library. May hinahanap siyang partikular na libro na kailangan niya sa chemistry.
Nasaan na kaya iyon? Ang alam ko dito lang yun nakalagay eh..
Muli niyang sinipat ang nakalagay na marka sa itaas.
Chemistry Books
Haaayyy.. Tama naman eh..
"Your looking for this?" tanong ng isang baritonong boses sa tabi ni Xyra.
Bahagya pa siyang napaigtad sa pagkagulat sa biglang pagsulpot nito.
She roll her eyes and take a look at him. Its Keith.
"Nakakagulat ka, alam mo ba yun?" umarko pa ang kilay ni Xyra pagkasabi nun.
He just chuckle.
Napatitig naman si Xyra sa binata. Its been a week since she last saw him.
"Here.. Tapos na rin naman ako.." sambit nito at inabot sa kanya ang hawak na libro.
"Thanks.. Mukhang busy ka ah.. Tagal mong nawala.." nakangiting sambit ni Xyra at kinuha ang libro.
"May inasikaso lang. Bakit? Namimiss mo ba ako?" nanunuksong tanong nito. Even his eyes are smiling at wala sa sariling napatitig si Xyra doon.
"Uu.." derektang sagot ni Xyra at kapwa sila nagulat. Naitakip ni Xyra ang kamay sa bibig at nanlalaki ang mata niya.
Oh crap! Bakit ko ba nasabi yun?
Nag-init ang pisngi niya kaya agad agad siyang mabilis na tumalilis pabalik sa kanyang mesa.
Naiwan namang natitigilan si Keith.
Maya maya ay napangiti na rin siya at sumunod na palabas ng library.
Hinanap niya si Xyra pero wala na ito kaya tumuloy nalang siya sa tambayan ng kanilang grupo.
Naabutan niya doon si Roffer na nakahiga sa sofa at may binabasang libro.
"Wala ba sila?" tanong niya sa kaibigan at naupo sa couch saka nagbukas ng laptop na nasa mesita lang.
"May klase pa siguro." sagot naman ni Roffer na di pa rin inalis ang tingin sa libro.
Mula sa library ay tinungo ni Xyra ang soccer field kung saan naging paborito na rin nilang tambayan ng barkada. Naabutan niya nga roon sina Cassie at Luna na nakaupo sa nakalatag na kumot sa bermuda. May mga nakakalat ding chips at canned coke sa kanilang harapan habang abala sa pagtatawanan.
"Bhes! Ang saya nyo ahh..!" masayang saad din ni Xyra ng makalapit. Naupo na rin siya sa harap ng dalawa at ipinag ekes ang mga paa.
Inilapag niya sa tabi ang dalang bag at binuksan ang book.
"Kasi itong si Luna, may manliligaw na..." bulalas ni Cassie.
Napaarko ang kilay ni Xyra. Hindi naman siya magtataka na may manliligaw si Luna but Cassie speaking straight tagalog is so surprising.
"Wait! Did i hear it right? Your speaking tagalog straight and not conyo?" nakataas pa ang palad ni Xyra ng sabihin iyon.
Natatawa namang tumango si Cassie.
"Yeah.. Ayaw kasi ni Roffer sa conyo ko. Naiingayan siya. So i prefer to talk straight nalang.. Ooppps.." napahagikhik si Cassie matapos sabihin yun. Natawa naman sina Xyra at Luna.
"So back to Luna. Sino admirer mo at ng mahasa natin.." panunukso ni Xyra. Nagblush naman si Luna.
"Wala nga.. Etong si Cassie lang, kinukulit ako! Tumigil ka nga! Wala namang gusto yun sa akin eh!" namumulang tanggi ni Luna.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (ILYMG Series #1)
Phiêu lưuXyra Leigh Vena San Diego.. She's the daughter of the mafia queen. A devil with an angelic face. But she's just like any other ordinary girl who's willing to do anything just to be recognized by the man he love. Can she succeed? Can she tell him tha...