Belated Happy birthday sa ating isa pang admin Mhae (sapuso_mo)
***
Ginising si Xyra ng isang mahinang yugyog sa balikat. Pagmulat niya ay kaagad niyang nabungaran ang nakangiting mukha ni Ms. Ana, ang kanyang personal assistant. Ito rin ang katiwala sa buong bahay bukod kay Manong.
"Bangon ka na at maaga pa ang punta mo sa orphanage.." usal nito at tinungo ang malaking bintana ng silid saka binuksan ang mga kurtina.
Naitakip ni Xyra ang kaliwang braso sa kanyang mata dahil biglang bumaha ang liwanag sa buong silid at bahagya pa siyang nasilaw.
"Anong oras na po ba?" patamad na tanong niya kay Ana.
Sumenyas naman ito na nasa tabi niya ang orasan kaya pakapa kapa itong kinuha ni Xyra at tiningnan.
OMYG! Late nako!
Sa gulat niya ay mabilis na napabangon ang dalaga at kaagad na tinakbo ang banyo ng kanyang silid.
Natatawa naman at naiiling na inayos ni Ana ang kanyang higaan at damit na susuotin.
Sa araw kasi na iyon ay nakaschedule si Xyra na bumisita sa orphanage na sinusuportahan ng kanyang mommy.
She never knew about it until last day na sinabi ng HM na siya ang nakaassign na magdadala ng supplies at sobre para sa kanila.
Mabilis namang natapos ni Xyra ang pag-aayos sa sarili kaya bumaba na din siya at kumain.
"Nasa kotse na ang mga dadalhin niyo. Nakaabang na daw si Head Mistress sa orphanage.." bilin ni Ana sa dalaga habang inasikaso ito sa pagkain.
"Okay po.. Saglit lang at ccr muna ako." sagot ni Xyra at tumayo na.
Matapos makapagcr ay lumabas na siya ng bahay at tinungo ang kotse na nakaabang na sa harapan.
Kaagad na bumyahe sila papuntang orphange. Inaliw naman niya ang sarili sa pagtitingin sa dadaanan habang nakasabit sa tainga ang earphones at nakikinig ng tugtugin sa kanyang mini ipad.
May kabigatan na rin ang traffic kaya mas lalo silang natagalan.
Ipinikit ni Xyra ang mata at umayos pa sa pagkasandal sa upuan. Pero napamulat siya ng maramdamang biglang tumigil ang kanilang kotse.
"Manong, anong nangyari?" tanong niya sa kasama.
Napakamot naman sa ulo ang driver niya.
"Nasiraan ho yata tayo. Saglit lang at titingnan ko.." sagot nito at bumaba na ng kotse.
Sumunod din si Xyra sa pagbaba. Napangiwi siya ng makitang flat ang dalawang gulong sa kaliwa ng kotse.
Sinulyapan niya ang suot na wristwatch at mas napangiwi si Xyra ng makitang late na sila ng labin-limang minuto.
Lagot ako nito kay HM..
"Manong matagal bang ayusin yan? Late na tayo eh.." tanong ni Xyra.
"Madali lang sana kaso isa lang ang reserba nating gulong iha.. Tsk, malas naman.. Napako pa ang gulong natin." napapakamot na sagot ng kanyang driver.
Naiiling naman na sinulyapan ni Xyra ang dalawang box sa likuran.
"Magtataxi nalang po tayo.. Dadalhin na natin ang box at balikan nyo na lang ang kotse mamaya pagkahatid sa supplies.." saad ni Xyra.
Naghanap na siya ng taksi na pwedeng maghatid sa kanila pero dahil nasa kahabaan sila ng highway at rush hour na ay halos punuan na ang mga nadaang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (ILYMG Series #1)
AdventureXyra Leigh Vena San Diego.. She's the daughter of the mafia queen. A devil with an angelic face. But she's just like any other ordinary girl who's willing to do anything just to be recognized by the man he love. Can she succeed? Can she tell him tha...