Diego Montenegro, 35, gwapo, matangkad, chinito, asian looks, single, at higit sa lahat certified babaero. Pinsan ni Cindy at best friend ni Miguel. Katulong ang binata ng kanyang Daddy sa kanilang business na naka base sa Canada.
''Bakit hindi ka nagsabi sakin na nandito ka na pala sa pilipinas?,.. sana eh nasundo kita sa airport..'' tanong ni Miguel sa kaibigan nitong si Diego
''I just wanted to surprise you, na miss kita haha..'' sagot ni Diego
''It's been 3 years na rin, nong huling bumisita ka dito..''
''Oo nga ehh,.. ay Bro...."
''Oh?..''
''Sino yun?,.. yung babae kanina?'' curious na tanong ni Diego
''Alin yung kakaalis pa lang?, si Miss Gonzalez, secretary ko..'' sagot ni Miguel
''Ibang klase ka talagang pumili ng secretary haha..'' biro ni Diego
''Naku, tigilan mo ko, wag mo kong igaya sayo,.. yung kahit high school student eh, hinihingi mo ang contact no. haha..'' sagot ni Miguel
''Ano ka ba bro,.. nagbago na ko, good boy na to..''
''Ilang beses ko ng narinig yan, haha..''
''Ah, akala ko nakalimutan mo na hahaha..''
.........
''Oh my gosh, nakita nyo ba yun, Sir Diego is back..'' wika ni Franz
''Sino?..'' nakakunot noong tanong ni Cathy
''Si Sir Diego, yung gwapong chinito na pumasok don sa office ni Sir Miguel..''
''Ah yun ba,.. yun ba yung bestfriend ni Sir Miguel galing Canada?..''
''Oo sya na nga..'' sagot ni Joan
''Gwapo na yun sa inyo?,.. mas gwapo pa rin Sir Miguel ko..'' nakangiting sagot ni Cathy
''Ibang klase tong magkacrush sobrang loyal..''
Maya maya ay lumabas na si Miguel at Diego sa opisina. Paglabas ng dalawa ay sumulyap si Diego sa pwesto ni Cathy.
''Bro, sandali lang ha..'' paalam nito kay Miguel saka naglakad si Diego papalapit sa pwesto ni Cathy.
''Ehhemm,.. ahh Hi, Miss, Im Diego and you are?..''
Inilapit ni Diego ang kanang kamay nya kay Cathy.
Hinawakan naman ni Cathy ang kamay ni Diego.
''Cathy,.. Cathy Gonzalez..'' sagot ng dalaga
''Nice to meet you..'' nakangiting wika ni Diego kay Cathy
''Ah sige una na kami, ingat ka..'' paalam ni Diego sa dalaga.
Naglakad ang binata patungo sa naghihintay na si Miguel.
''Bro, ang ganda nya..'' masayang wika ni Diego sa kaibigan nito.
''Ikaw talaga,.. hayan ka naman,.. tara na kumain na lang tayo..'' pagyaya ni Miguel kay Diego
Agad na lumabas ang dalawa at nagtungo sa cafeteria.
''Ang baklaa... may Sir Miguel na, mukang magkaka Sir Diego pa..'' biro ni Franz kay Cathy
''Ang haba ng hair ng friendship natin haha..'' dagdag ni Joan
''Ano ba kayo,.. nakipagkilala lang yung tao..''
''Kung ako sayo Sis, kung sakaling ligawan ka ni Sir Diego, sagutin mo na agad,.. atleast kay Sir Diego sure ka na mahal ka, kesa naman dyan sa Sir Miguel mong hindi maka move on sa ex nya,.. kahit anong gawin mo hindi ka magugustuhan non..'' wika ni Franz kay Cathy
![](https://img.wattpad.com/cover/279031421-288-k791218.jpg)
BINABASA MO ANG
417 Days With You - TAGALOG
Lãng mạnCompleted... Tagalog. Si Cathy ay isang inosenteng dalaga na walang ibang gusto kundi ang mahanap ang tamang tao para sa kanya. Pero, mahalin rin kaya sya ni Mr. Right kung hindi pa ito nakaka move on sa ex nya?. Paano kung may ibang taong handa sy...