CHAPTER 15

212 3 0
                                    

Dahil sa sobrang excited, ay hindi nakatulog si Cathy ng gabi bago ang araw ng pagpunta nila sa Batangas.

Kahit kulang ang tulog, ay maagang naghanda si Cathy ng mga gamit na dadalhin nya sa outing. Maya maya pa ay may bumusina sa labas ng kanilang bahay, alas otso ng umaga ng makarating si Diego sa bahay nina Cathy para sunduin sya dito.

"Nay, Tay una na po ako, andyan na po si Diego.." paalam ni Cathy sa mga magulang nya habang nag uumagahan ang mga ito.

"Ang aga nyo nmang masyado, kumain ka man lang muna.." wika ni Aling Helen sa nagmamadaling dalaga

"Nag kape nman na po ako kanina, saka andyan na po si Diego, nakakahiya kung paghihintayin ko pa sya ng matagal.."

"Ihahatid na kita anak.." wika ni Mang Roberto, tumayo ito pagkatapos ay kinuha nya ang malaking bag na dala dala ni Cathy, sabay silang nagtungo palabas ng bahay.

Agad na sinalubong ni Diego ang mag ama ng makalabas sila ng bahay, kinuha ni Diego ang malaking bag na dala ni Mang Roberto at inilagay nya ito sa back seat ng sasakyan.

"Diego, mag iingat kayo, ikaw ng bahala kay Cathy doon ha.." bilin ni Mang Roberto kay Diego

"Wag po kayong mag alala, ako na pong bahala sa kanya.." nakangiting sagot ni Diego

"Salamat iho, sige na umalis na kayo at baka tanghaliin kayo sa daan" tinapik ni Mang Roberto ang kanang balikat ni Diego saka ito nagpaalam sa dalawa.

Nang makapasok ang dalawa sa sasakyan ay agad na pinaandar ni Diego ang kotse, bumusina sya kay Mang Roberto bago sila tuluyang umalis.

"Diretso na ba tayong Batangas nito..?" tanong ni Cathy sa nagdadrive na si Diego

"Ha?,.. haha hindi pa, sa kompanya ang meeting place, may Bus doon na naghihintay, suggest kasi ni Miguel sabay sabay na lang daw tayo pupunta doon, wala palang nagsabi sayo..?"

"Wala eh..." nakangusong sagot ng dalaga

........

Maya maya ay nakarating na rin sila sa kompanya, inihinto ni Diego ang sasakyan malapit sa Bus na sasakyan nila papuntang Batangas, ibinaba ni Diego ang gamit nila ni Cathy pagkatapos ay nilagay nya ito sa lagayan ng gamit sa may ibaba ng bus.

Nagtungo muna si Diego sa parking lot ng kompanya upang iwan doon ang kanyang sasakyan, habang si Cathy nman ay dumiretso na pag akyat ng Bus.

Hindi pa rin ganun kadami ang tao sa Bus, wala pa ang ilang empleyado kasama si Franz at Joan, kaya mukang maghihintay pa sila doon ng matagal.

Umupo si Cathy sa gawing kaliwa ng Bus malapit sa hulihan, pagkatapos ay luminga linga ito sa paligid ng sasakyan, ngunit mukang hindi pa rin dumadating ang kanyang hinahanap.

"Mukang tama nga ang Inay, masyado kaming maaga.." wika ng dalaga habang nakaupong naghihintay sa iba.

"Bakla....." sigaw ni Franz sa entrance ng Bus habang kumakaway kay Cathy.

Agad itong nagtungo sa pwesto ng dalaga, uupo na sana si Franz sa tabi ni Cathy ng biglang umusog si Cathy sa bakanteng upuan sa tabi nya.

"Anong kaartehan yan..?" tanong ng nakapawehang na si Franz

"Don ka na sa likod, tabi kayo ni Joan doon,.." wika ni Cathy kay Franz

"At bakit, bayad mo na ba yan..?" masungit na tanong ni Franz kay Cathy

Ilang sandali pa ay dumating na rin si Joan, agad syang nagtungo sa pwesto ng dalawa nyang kaibigan.

"Uy mga bakla, ang aga nyo ahh... bakit hindi ka pa umuupo..?" tanong ni Joan sa nakatayong si Franz

417 Days With You - TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon