Dahil sa sobrang busy ng binata, ay halos isang beses na lamang sa isang buwan kong dalawin ni Miguel ang pontod ng kanyang mga magulang. Kaya sa tuwing nagkakaroon sya ng pagkakataon ay hindi nya ito pinapalampas.
''Mommy, Daddy, pasensya na po kayu kung hindi ko po kayo madalas dalawin, msyado lang pong maraming inaasikaso sa kompanya..''
Kamusta na po kayo?, Miss na miss ko na po kayo, akala ko masasanay na akong wala kayo, mali ako,.. hindi ko pa rin pala kaya, hanggang ngayun nangungulila pa rin ako sa pagkawala nyo..'' malungkot na wika ni Miguel
''Pero, wag po kayung mag alala, hindi nman po ako pinababayaan ni Yaya Belen, palagi nya po akong ipinagluluto ng paborito kong sinigang na hipon...''
Umupo si Miguel pagkatapos ay pinunasan ng binata ang lapida ng mga magulang nya.
Matapos ang ilan pang minuto, nagpaalam na rin si Miguel kaagad sa mga ito.
''Sige po, aalis na po ako, pipilitin ko pong makadaan ulit sa isang linggo, mahal na mahal ko po kayo..." nakangiting paalam ni Miguel
Agad na bumalik ang binata sa kanyang sasakyan para pumasok na sa opisina.
...............
''Kuya nman, hindi nyo po ba ko namumukhaan?..'' nakakunot noong tanong ni Cathy sa security guard
''Kahit, kayo pa po si Angel Locsin, kung wala po kayong maiipresent na ID, hindi po kayo makakapasok..''
''Hindi ko nga po alam kung saan ko nailagay yung ID ko, nandito lang po sya kahapon eh,... papasukin nyo na po ako late na po ako oh, ikaw din kuya bahala ka, kapag ako napagalitan ni Sir Miguel dahil late ako, ikaw ituturo ko,.. naku ang sungit pa nman non..'' pagbabanta ni Cathy sa guardya
Kabababa pa lang ni Miguel ng kanyang sasakyan ng marinig kaagad nito ang kanyang pangalan.
''Ano yun?..''
Lumapit si Miguel sa may entrance kung nasaan si Cathy.
''Hala ayan na sya,... Sir, Sir si kuya guard oh, ayaw ako papasukin..'' nakangusong sumbong ni Cathy kay Miguel
''Eh, kasi po Sir, wala po syang maipresent na ID eh, hindi po ba, ''NO ID, NO ENTRY '' po tayo..'' paliwanag nman ng gwardya
''Miss Gonzalez, nasaan ang Id mo?''
''Hindi ko po makita Sir, nandito lang nman po sya kahapon sa bag ko, hindi ko na po sya makita ngayun..'' pag aalalang sagot ni Cathy
"Hay.." umiiling na sabi ng binata
''Sige na, papasukin mo na sya, pero ngayung araw lang,.. Miss Gonzalez ireport mo kaagad sa HR ang nawala mong ID, pagkatapos magpagawa ka kaagad ng bago..."
Agad na pumasok si Miguel sa kompanya, habang naiwan naman si Cathy sa labas.
''Opo Sir, sige po salamat po..." sigaw ni Cathy kay Miguel
"Sabi ko sayo ehh..'' nakangiting pang aasar ng dalaga sa security guard
..............
Nang makarating si Cathy sa kanyang mesa ay agad itong nagtungo sa opisina ni Miguel para isulo ang jacket na kanyang naiwan sa police station.
Tok... tok..
''Come in..''
Pagbukas ni Cathy ng pinto ay lumapit kaagad ang dalaga kay Miguel at iniabot sa binata ang isang paper bag na may lamang jacket.
''Sir, jacket nyo naiwan nyo po sa police station kahapon, nilabhan ko na din po yan...'' nakangiting wika ni Cathy
''Salamat..'' seryusong kinuha ni Miguel ang paper bag at ipinatong iyun sa tabi ng kanyang mesa.
![](https://img.wattpad.com/cover/279031421-288-k791218.jpg)
BINABASA MO ANG
417 Days With You - TAGALOG
RomanceCompleted... Tagalog. Si Cathy ay isang inosenteng dalaga na walang ibang gusto kundi ang mahanap ang tamang tao para sa kanya. Pero, mahalin rin kaya sya ni Mr. Right kung hindi pa ito nakaka move on sa ex nya?. Paano kung may ibang taong handa sy...