Bukod sa pagiging affiliate company na ng Montenegro Holdings, ay walang masyadong nagbago sa kompanya nina Miguel pagkatapos ng buyout, maliban sa mga bagong shareholder at bagong board of directors na hinired ng Daddy ni Diego. Tulad ng ipinangako ni Lucas Montenegro, si Miguel pa rin ang nanatiling Chairman at CEO ng Tuazon Advertising Corporation. Pero hindi na katulad dati, may Boss ng susundin ngayun si Miguel. Nawala man ang malaking shares nya sa kompanya, masaya pa rin ang binata dahil kahit papaano ay hindi nawala ng tuluyan ang kompanyang pinaghirapan ng kanyang ama.
...............
Ding dong.....
"May nag do doorbell, Roberto tingnan mo.." utos ni Aling Helen sa kumakaing si Mang Roberto
"Ay, ako na po Tay, baka si Diego na po yan.." wika ni Cathy, mabilis na tumayo ang dalaga patungo sa labas ng kanilang bahay para tingnan kung si Diego na nga ba ang nag doorbell.
"Oh ang aga mo ata.." mabilis na binuksan ni Cathy ang gate para papasukin si Diego
"Haha, excited kasi ako sa date natin ngayun ehh.." masayang sagot ni Diego Kay Cathy, agad na dumiretso ang dalawa sa loob ng bahay
"Nay, Tay si Diego po.."
"Magandang umaga po Tito, Tita.." nakangiting bati ni Diego sa mga magulang ni Cathy
"Oh iho tamang tama, halika at sabayan mo kaming kumain.." pagyaya ni Mang Roberto sa binata
Masayang naupo si Diego sa mesa, walang pasok sa opisina ng araw na iyun kaya nagdesisyon si Diego na ayain si Cathy na magdate. Simula kasi ng maging sila ng dalaga ay hindi pa naiilabas ni Diego si Cathy, dahil na rin sa lagi syang tinatanggihan ng dalaga, pero sa pagkakataong iyun ay pumayag na sya.
"Anong oras ba kayo aalis ha..?" tanong ni Aling Helen sa dalawa
"Ewan ko po dyan.." sagot ni Cathy
"Ahh, maya maya na rin po siguro, susulitin ko po ang araw na kasama si Cathy.." nakangiting sagot ni Diego
"Ganun ba, sige, pero pagkatapos ng date diretso na kaagad sa bahay ha.." bilin nman ni Mang Roberto
"Tay nman, syempre nman po.." nakakunot noong wika ni Cathy
"Haha wag po kayong mag alala, may respeto po ako kay Cathy.." sagot ni Diego
"Naku Roberto, hayaan mo na kung saan nila gusto pumunta matatanda na yan, mas mabuti nga yun, para mag kaapo na rin tayo hehe.." nakangiting biro ni Aling Helen
"Hala!, Grabe Nay ha.." saway ni Cathy kay Aling Helen
"Haha, naku papakasalan ko po muna si Cathy bago mangyari yun.." sagot ni Diego
Agad na nagbago ang itsura ni Cathy, tila naiirita na nman ang dalaga. Ayaw na ayaw kasi nitong pinag uusapan ang kasal o kahit anong bagay na sweet na tungkol sa kanilang dalawa ni Diego, dahil wala sa isip ni Cathy na magpakasal sa binata. Hindi nito lubos maisip na aabot sila sa ganung punto.
Makalipas ang ilan pang minuto, pagkatapos maligo at maghanda ni Cathy ay nagpaalam na ang dalawa para magtungo na sa kanilang date. Habang nasa sasakyan ay tinanong ni Diego si Cathy ng mga lugar kung saan nito gustong magtungo.
"Ikaw na bahala, okay ako kahit saan.." sagot ni Cathy
"Haha wala rin akong masyadong alam na magandang pasyalan eh, ano kaya kung manood muna tayo ng sine?.." tanong ni Diego kay Cathy
"Sige.." nakangiting sagot nman ni Cathy
Mabilis na nagmaneho si Diego patungo sa Mall, napagdesisyonan nilang manood muna ng sine bago mamasyal. Pagkatapos bumili ng popcorn at ticket, agad na pumila ang dalawa patungo sa loob ng sinehan. Isang Hollywood romantic movie ang napiling panoorin ng dalawa, nag suggest si Diego na maupo sila sa pinakadulong bahagi ng sinehan para daw walang msyadong tao.
![](https://img.wattpad.com/cover/279031421-288-k791218.jpg)
BINABASA MO ANG
417 Days With You - TAGALOG
RomanceCompleted... Tagalog. Si Cathy ay isang inosenteng dalaga na walang ibang gusto kundi ang mahanap ang tamang tao para sa kanya. Pero, mahalin rin kaya sya ni Mr. Right kung hindi pa ito nakaka move on sa ex nya?. Paano kung may ibang taong handa sy...