CHAPTER 22

191 2 0
                                    

Maagang nagising si Miguel ng araw na iyun, pagkatapos nyang maligo ay agad syang bumaba para sabayang kumain ng umagahan si Yaya Belen.

"Magandang umaga po.." masayang bati ni Miguel sa kanyang Yaya

"Aba,... mukang maganda yata ang panaginip mo kagabi.."

Naupo si Miguel sa mesa.

"Haha, sabihin na lang po nating may magandang nangyari..." nakangiting sagot ni Miguel.

"Tungkol ba yan sa kompanya?" tanong ni Yaya Belen

Ngumiti lang ang masayang binata.

"Ay Yaya, syanga po pala.."

"Oh, ano?.."

"Alam nyo po yung isda na, hindi ko po madescribed but para syang tinuyo tapos ginawang prito, ahh, they call it tuyo.."

"Ohh, masarap yun, saan ka nakakita non?" tanong ni Yaya Belen

"Nakatikim po ako nong isang araw sa cafeteria, hindi ko gusto yung lasa, pero kung araw araw po akong makakakain, baka magustuhan ko na rin.." nakangiting sabi ni Miguel

"Anong ibig mong sabihin..?" takang tanong ni Yaya Belen

"Pwede nyo po ba akong lutuan ng ganun, kahit tuwing umaga lang po.."

"Aba, ano nmang naisipan mo at gusto mong makakain ng tuyo...?" nagtatakang tanong ni Yaya Belen

"Ah ehh, ano, para, maiba nman po.." nakangiting sagot ni Miguel

"Oh hala, sige bukas lulutuan kita.." sagot ni Yaya Belen

Pagkatapos mag umagahan ay mabilis na naghanda si Miguel para pumasok na ng opisina. Dahil maaga syang nagising, ay maaga rin itong nakarating ng kompanya. Agad itong dumiretso ng elevator paakyat ng kanyang opisina. Akmang pasakay na ito ng may nagsalita sa likuran nya.

"Magandang umaga Mr. Tuazon.." bati ni Hubert Montenegro kay Miguel, kasama nito ang Tito ni Miguel na si Eduard Tuazon at isang board member, sabay sabay silang pumasok ng elevator kasama si Miguel

"Ano pa pong ginagawa nyo dito Tito Hubert?, Hindi po ba nagresign na kayo.." tanong ni Miguel

"Haha, bakit naman ganyan ka sakin Miguel, ang lagay eh, parang wala man lang akong naitulong dito sa munting kompanya mo.." tila nang aasar pa ito sa sinabi nya

"Ako ang nag imbita sa kanya, humingi ako ng pabor kung pwede bang maipasyal naman ako ni Mr. Montenegro dito sa kompanya, para nman kapag naitake over na ito sa JLT ehh, pamilyar na ako..." sagot ni Eduard Tuazon

"Hahaha..." sabay na pagtawa ng dalawa

Napangisi lang si Miguel sa mga salitang narinig nya.

"Miguel, kung ako sayo, magbabalot balot na ako, pakilinisan na rin ng opisina mo, para nman hindi nakakahiya sa papalit sayo, ahh wag kang mag alala baka nman sabihin mo masama akong Tito, hindi ka nman namin tatanggalin sa kompanya, ahhh... ano bang posisyon ang bagay sayo... Hhmm... pwede kitang gawing secretary ko, wag kang mag alala hindi nman kita papahirapan, pagtitimpla ng kape at pag xexerox lang nman ang ipapagawa ko sayo..." pagyayabang na wika ni Eduard Tuazon

Napangisi na lang si Miguel sa sinabi ng Tito Eduard nya.

Nang bumukas ang pinto ng elevator ay naunang lumabas si Miguel, bago ito lumabas ay nag iwan muna ang binata ng mga salita para sa mga naiwang tao sa loob ng elevator.

"Mauna na po ako sa inyo mga Tito, sana po ay magustuhan nyo ang paglibot sa kompanya..... Ah syanga po pala, ipagpaumanhin nyo po Tito Eduard, pero mukang hindi nyo po matitikman ang kapeng ititimpla ko, dahil mukang hanggang sa panaginip na lang ang pangarap nyong pag take over sa kompanya.." nakangiting wika ni Miguel sa mga Tito nya

417 Days With You - TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon